Sarah Geronimo introduces Matteo Guidicelli as "my handsome and beautiful husband"

by Arniel C. Serato
Mar 12, 2020
Matteo Guidicelli on new chapter with wife Sarah Geronimo: "I guess, married life is the best part of your life."
PHOTO/S: Courtesy: @belobeauty on Instagram

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagpakita ng kanilang ka-sweetan sa isa’t isa ang newlyweds na sina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29.

Sa video na kuha ng celebrity beauty doctor na si Dra. Vicki Belo, na ipinost nito sa Instagram Miyerkules ng gabi, March 11, sinasabi ni Sarah na sila ni Matteo ay nasa isang clinic ng Belo.

Sa isang bahagi ng video, sinabi ni Matteo: “I'm with my beautiful wife.”

Sagot naman ni Sarah: “With my handsome and beautiful husband.”

Sa huling bahagi ng video, binati ng mag-asawa si Julia Barretto na nagdiwang ng kanyang ika-23 na kaarawan kahapon.

Pinuri rin ni Sarah ang ganda ni Julia matapos nila itong batiin.

Pero pagkontra ni Matteo: “Sorry, Sarah is the most beautiful.”

Continue reading below ↓

Sa ulat naman ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, nagbigay ng update si Matteo ngayong mag-iisang buwan na silang kasal ni Sarah.

Saad ng Viva actor, “Okay naman, everything is good. So many blessings.

“I guess, married life is the best part of your life.

"Thank you very much, thank you.”

THE NOT-SO-FAIRY TALE WEDDING

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang secret Christian ceremony sa Victory Church – Every Nation sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, noong February 20, 2020.

Hindi inaasahang magkaroon ng komosyon sa very private reception, na ginanap sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, BGC, dahil sa biglang pagdating ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Lumalabas na hindi imbitado sa kasal ng sariling anak si Mommy Divine.

Nalaman ni Mommy Divine ang nangyaring kasal dahil tinimbrehan diumano sya ng personal bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara, at kaagad sumugod sa venue ng wedding reception ang ina ng Popstar Royalty.

Continue reading below ↓

Dahil sa kanyang pagdating, nagkaroon umano ng kumprontasyon sa pagitan nina Matteo at Jerry na nauwi raw sa pananapak ng aktor sa bodyguard.

Itinanggi ito ni Matteo.

Kalaunan, nakipag-areglo kay Jerry ang management ni Matteo—ang Viva Entertainment sa pamumuno ng kanyang manager na si Vic del Rosario.

Ayon sa kampo ng aktor, tumanggap umano ng halagang P200,000 si Tamara upang hindi na nito ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban kay Matteo.

Sa ngayon, nakatira sina Sarah at Matteo sa isang condominium unit sa Makati City.

Samantala, itinanggi naman ni Matteo na magkakaroon sila ni Sarah ng engrande at pangalawang kasalan sa Italy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on new chapter with wife Sarah Geronimo: "I guess, married life is the best part of your life."
PHOTO/S: Courtesy: @belobeauty on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results