Maine Mendoza, Bianca Gonzalez, Luis Manzano want more info on Metro Manila "lockdown" following COVID-19 spread

by Rachelle Siazon
Mar 13, 2020
Eat Bulaga Dabarkad Maine Mendoza, Cinema News host Bianca Gonzalez, and The Voice Teens host Luis Manzano are among the celebs who seek clarification to Duterte's announcement about a Metro Manila-wide lockdown.
PHOTO/S: @mainedcm / @iamsuperbianca / @luckymanzano Instagram

"Community quarantine is hereby imposed in the entire Metro Manila."

Ito ang mahalagang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinutukan ng bansa, Huwebes ng gabi, March 12.

Sa madaling salita, ipatutupad ang "lockdown" sa kabuuan ng Metro Manila.

Simula March 15 hanggang April 14 ay suspendido ang "land, domestic air, at domestic sea travel" papasok at palabas ng Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Pinapayuhan ang anumang barangay na may dalawang positive COVID-19 cases na magpatupad ng community quarantine sa lugar nito.

Ang citywide quarantine ay iminumungkahi para sa mga munisipalidad na may "at least two positive COVID-19" cases mula sa magkaibang barangay na nasasakupan nito.

Base pa rin sa public address ng Pangulo, aminado siyang marami ang ayaw gamitin ang salitang "lockdown" bilang pagtukoy sa precautionary measures para pigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Pero paliwanag ng Pangulo, "But it is lockdown.

"There is no struggle of power here. Walang away dito, walang giyera.

Continue reading below ↓

"It's just a matter of protecting and defending you from COVID-19. That's about it."

Matapos ang halos isang oras na speech ng Pangulo, ilan sa mga artista ang nag-post sa social media ng kanilang reaksiyon tungkol sa Metro Manila lockdown.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

MAINE MENDOZA & GRETCHEN HO

Ang Kapuso star na si Maine Mendoza ay sang-ayon na sana ay maglabas ng mas malawak pang detalye tungkol sa ipatutupad na guidelines ng lockdown sa Metro Manila.

Ni-retweet niya ang pahayag ni ABS-CBN TV host Gretchen Ho, na unang naghayag ng opinyong ito.

Ani Gretchen: "We need more specifications of this #lockdown. Never thought I’d see the day. #MetroManila #Philippines #Covid19"

Maya-maya pa ay pinalitan ni Gretchen ng "community quarantine" sa halip na "lockdown" pantukoy sa precautionary measure na ipatutupad.

Sangkatutak na exclamation points kalakip ng tweet ni Gretchen ang reaksiyon ni Maine.


Continue reading below ↓

BIANCA GONZALEZ

Umapela naman ang ABS-CBN TV host na si Bianca Gonzalez na maging maingat sana ang media sa pagbabalita tungkol sa COVID-19 updates.

Partikular na ang paggamit ng "community quarantine" sa halip na "lockdown."

"Would appreciate it if media outlets use 'community quarantine' as the term in their headlines, rather than 'lockdown'....

"We don't need to cause more panic with our use of words because as it is, grabe na ang panic ng tao.

"Dahil andito na din ako, mention ko na din ang request to ask media outlets to not use a bloody red color sa 'BREAKING NEWS' art cards kasi nakakadagdag panic din sa tao."

Paliwanag pa ni Bianca, mahalagang hindi makadagdag ng panic sa panahong nagbabanta ang paglaganap ng COVID-19.

"Words matter because choice of words make us feel emotions.

"Emotions matter because we tend to make bad decisions when in fear or panicking, versus when our mind is calm and clear."

Continue reading below ↓


LUIS MANZANO, ATOM ARAULLO, KAREN DAVILA

Si Luis Manzano, isa pang ABS-CBN host, ay nagsabing malaking hamon kung paano masisiguro kung sino ang papayagang makapasok at makalabas ng Metro Manila sa buong duration ng community quarantine.

Kaugnay ito ng balitang ang mga empleyadong ang opisina ay sa Metro Manila, pero naninirahan sa karatig-probinsiya at walang option na mag-work from home, ay exempted sa lockdown basta may proper identification.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Luis ang tweet ng news anchor ng GMA-7 na si Atom Araullo.

Sabi kasi ni Atom, ang estimated population ng Metro Manila ay 12 million at umaabot ng 15 million kapag daytime, dala ng pagdagsa ng tao mula sa karatig-probinsiya.

Dagdag ni Atom, "If they are checked for identification one by one at checkpoints, that would be some kind of a nightmare."


Continue reading below ↓

Ang karagdagang detalye tungkol sa ilalagay na checkpoints sa boundaries ng Metro Manila ay ni-repost naman ni Atom mula kay Karen Davila, news anchor ng ABS-CBN.


Balik kay Luis, sinabi rin nitong saludo siya sa mga empleyadong nasa frontline sa gitna ng COVID-19 outbreak sa bansa.

"Thank you to all the health workers, scientists, reporters, and cleaners for trying to keep the country safe and healthy."

Continue reading below ↓

CHYNNA ORTALEZA, BEA BINENE, kristoffer martin

Ang Kapuso stars na sina Chynna Ortaleza at Bea Binene ay gusto rin ng dagdag impormasyon tungkol sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

"What are the implications of a lock down? Please explain," ani Chynna.

Ni-retweet ito ni Bea at sinabing "same thoughts."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Bea, "Pano yung mga nagtatrabaho sa Bulacan, Batangas, etc?

"Pwede ka pa din ba umalis basta sa metro manila ka lang? Like kung taga QC ka, pwede ka pa din pumunta Mandaluyong ganun?"

Napatanong din ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin.

"Di ko rin gets to masyado. Like ano mangyayari pg may nagpumilit lumabas or pumasok? Huhulihin?"


Continue reading below ↓

Balik kay Chynna, umaaasa raw siyang may mga susunod pang updates tungkol sa Metro Manila lockdown.

"Waiting for further clarifications. Kanta na lang ako ng into the unknown.."

Dasal pa niya, "Praying for all the people who are in the frontlines of this battle.

"Protect them Lord. Keep them safe. Complete healing to all those who have tested positive."

KC MONTERO

Ang actor-host na si KC Montero ay napatanong naman kung ano ang guidelines para sa mga kaibigan niyang nagbabakasyon sa Boracay at ang balik sa Metro Manila ay tatama sa lockdown.

Mga bakasyonista lang din daw kasi ang mga ito at nakatakdang umalis ng bansa pabalik ng Australia.

Continue reading below ↓

Napaisip din si KC kung paano maaayos ang sabay-sabay na flights ng mga naka-schedule bumalik ng Metro Manila kasama ng mga mapapaaga ang balik dahil sa lockdown.

ENCHONG DEE

Walang binanggit na personalidad ang Kapamilya actor na si Enchong Dee, pero tila may patutsada ito hinggil sa anunisyo ng Pangulo.

Continue reading below ↓

Base na rin ito sa comments ng netizens na iniugnay ang tweet sa umano'y nakakahilong impormasyong ibinahagi ng Pangulo.

Tweet ni Enchong, "Ikot ikot lang ikot ikot ikot" at "Gusto ko mainis pero tawang tawa ako sa mensahe."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga Dabarkad Maine Mendoza, Cinema News host Bianca Gonzalez, and The Voice Teens host Luis Manzano are among the celebs who seek clarification to Duterte's announcement about a Metro Manila-wide lockdown.
PHOTO/S: @mainedcm / @iamsuperbianca / @luckymanzano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results