Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Karen Davila, Heart Evangelista, Kristoffer Martin call out grocery hoarders

by Bernie V. Franco
Mar 13, 2020
Karen Davila, Heart Evangelista, and Kristoffer Martin comment on hoarding and panic buying following COVID-19 threat and the announcement of government to put Metro Manila on community quarantine.
PHOTO/S: @iamkarendaila, @iamhearte, @kristoffermartin_ on Instagram

Dismayado ang ilang celebrities sa paghu-hoard, o kaya naman ay panic buying, ng ilan sa mga kababayan natin dulot ng coronavirus disease o COVID-19 threat sa bansa.

Huwebes ng gabi, March 12, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim sa community quarantine ang National Capital Region (NCR), o Metro Manila, sa loob ng isang buwan para maiwasan ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Nitong Biyernes, March 13, ibinahagi ng ABS-CBN anchor na si Karen Davila ang ilang videos sa Twitter na nagpapakita ng sitwasyon sa isang kilalang grocery store sa Bonifacio Global City, Taguig.

Umaga pa lamang, mahaba na ang pila ng customers na naghihintay makapasok sa supermarket.

Makikita rin ang mahahabang pila sa payment counters.

Tweet pa ni Karen: “This is the line outside S&R BGC at 930am [following] the #MMLockdown announcement.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang solusyon ni Karen, magtalaga ang mga superkmarket ng polisiya para maiwasan ang hoarding.

Tweet ng anchor: “Supermarkets should now implement policies against hoarding.

“Wealthier consumers shouldn’t be allowed to hoard carts and carts of toilet paper, disinfectants, alcohol and sanitizers.

“It is frankly selfish and ridiculous.”

Continue reading below ↓

HEART EVANGELISTA AND KRISTOFFER MARTIN

Ganito rin ang sentimyento ng Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Kristoffer Martin.

Pakiusap ni Heart, sapat na pangangailangan lang ang bilhin.

Tweet ng aktres (published as is): “Nalulungkot ako sa mga naghohoard [sad face emoji] give chance naman to others : ( magtulungan tayo please . Yung sapat Lang sana .”

Continue reading below ↓

Ni-retweet din ni Heart ang panawagan ni Karen na iwasan ang pagho-hoard ng mga bilihin.

Noong March 11 ay nag-tweet si Kristoffer tungkol sa nasaksihan daw niyang panic buying ng ilang mamimili.

Gaya ng mga artistang may parehong sentimyento, ang pagre-regulate ng binibiling supplies ang nakikitang solusyon ng aktor para maiwasan ang hoarding.

Aniya, “Galing akong grocery. So, nawitness ko pag panic buying ng mga tao.

“Nakita ko mga cart minimum ng alcohol sa cart nila 2 boxes. Mga tissue din.

“Maging considerate kayo. Di lang kayo yung tao sa mundo.

“At kung ibebenta niyo man yon, garapata kayo dito sa mundo.”

Continue reading below ↓

Nauna nang umapela ang actress-beauty queen na si Bianca Manalo sa “upper class” na iwasan ang mag-hoard ng food and sanitary supplies bilang konsiderasyon sa mga ordinaryong mamamayan na hindi basta-basta nakakapamili ng mga kailangan.

Sinang-ayunan si Bianca nina Iza Calzado, Kakai Bautista, at Bianca Gonzalez.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila, Heart Evangelista, and Kristoffer Martin comment on hoarding and panic buying following COVID-19 threat and the announcement of government to put Metro Manila on community quarantine.
PHOTO/S: @iamkarendaila, @iamhearte, @kristoffermartin_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results