Bianca Gonzalez salutes Eat Bulaga, It’s Showtime for continuing to air despite absence of live audience

by Bernie V. Franco
Mar 13, 2020
Bianca Gonzalez commends Eat Bulaga! and It's Showtime for continuously giving joy and laughter to audience despite the COVID-19 scare.
PHOTO/S: @iamsuperbianca on Instagram / TV program logos via Internet

Pinapurihan ni Bianca Gonzalez ang noontime shows Eat Bulaga! at It’s Showtime dahil sa patuloy na paghahatid ng ligaya sa mga manonood sa gitna ng banta ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ang Eat Bulaga! ay ang daily noontime show na napapanood sa GMA Network.

Ang It’s Showtime naman ay ang katapat nitong programa sa ABS-CBN.

March 9, inanunsiyo ng pamunuan ng Eat Bulaga! na ititigil muna nila ang admission ng live audience bilang safety measure kaugnay ng COVID-19 scare.

Kinabukasan, March 10, nag-announce din ang ABS-CBN na hindi muna mag-a-admit ng studio audience ang ilan sa kanilang programa, kabilang na ang It’s Showtime.

Sa kabila nito, patuloy ang pag-ere ng dalawang noontime shows araw-araw.

Ngayong Biyernes ng gabi, March 13, sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay-pugay si Bianca sa magkatapat na noontime TV programs.

Mensahe ng Kapamilya TV host: “[T]hey work so hard to keep that sense of normalcy to give laughter and joy to the millions watching at home.

Continue reading below ↓

“Hindi madaling magpatawa at magpasaya sa isang studio na walang audience na kabatuhan.

“Maraming salamat sa inyo.”

BIANCA ON ENTERTAINMENT AMID THE COVID-19 THREAT

Ani Bianca, importante ang paghahatid ng entertainment sa mga tao, lalo na sa mga ganitong seryosong sitwasyon.

Maging si Bianca ay host ng isang entertainment show, ang Cinema News, na mapapanood sa cable channel.

Continue reading below ↓

Tweet niya: “To be honest, it felt odd taping for a showbiz news show in the midst of the current situation.

“We have all been glued to the news to stay informed, but with all this panic and fear around us, we feel it is equally as important to try to keep a sense of normalcy in our lives.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa TV host, malaki ang kahalagahan ng entertainment programs para naman mapagaan ang pakiramdam ng publiko sa mga mabigat na sitwasyon.

“Which is why we hope our show helps lighten the load, even for just a bid, in the hearts and minds of those who watch.

“On the same note, just as we applaud all our medical workers on the front line, I would also like to honor those working in the entertainment industry.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Gonzalez commends Eat Bulaga! and It's Showtime for continuously giving joy and laughter to audience despite the COVID-19 scare.
PHOTO/S: @iamsuperbianca on Instagram / TV program logos via Internet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results