Vice Ganda, Sam Milby, other Kapamilya stars share how they protect themselves from COVID-19

by Melba R. Llanera
Mar 15, 2020
PEP.ph asked (L-R) Vice Ganda, Sam Milby, Andrea Brillantes, Karla Estrada, other Kapamilya stars how they protect themselves against the dreaded COVID-19.
PHOTO/S: From Instagram: @praybeytbenjamin, @samuelmilby, @blythe, @karlaestrada1121

Malaking problema ang kinakaharap ngayon ng buong mundo dahil sa novel corona virus disease 2019 o COVID-19.

Lahat ay pinapayuhang panatilihin ang kalinisan at ingatan nang husto ang kalusugan.

Walang exemptions, maging ang mga hinahangaan nating artista.

Kaya't hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang Kapamilya stars ng kani-kanilang paraan nang pag-iwas sa kinatatakutang COVID-19.


Continue reading below ↓

VICE GANDA

"Nagpapasalamat ako kay Kaye Abad, wala akong mabilhan ng alcohol, nagmakaawa ako sa kanya na padalhan niya ako. Maraming salamat kay Kaye Abad talaga.

"Sinusunod ko talaga yung social distancing, malaking bagay yun. Humingi talaga ako ng tawad sa mga nagpapa-picture ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"’Patawad po, wag muna tayong magpa-picture,’ sasabihin ko, kasi it's either mayroon ako o mayroon sila.

"Di naman po sa nandidiri po ako sa inyo, pero i-practice po muna natin yung social distancing. Sana po maunawaan nyo na wag po muna. Di muna ako nagpapa-picture as much as possible.

“Pero alam nyo, may mga di ako kayang di magpa-picture, mararamdaman mo like yung nanay, sabi ko, ‘Sige na po,’ ‘tsaka bata. May approach talaga na di mo mahihindian.

“Saka nasanay tayo, di ba? Na yakap tayo nang yakap, sa ‘Feeling Lucky’ yung nanalo, gustung-gusto ko siyang yakapin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Gusto kitang yakapin, di kita mayakap.’

“Pero hanggang mapipigil, pinipigil.

Continue reading below ↓

“Ngayon ang lala kong mag-vitamin C kasi kailangang palakasin ang immune system.

“‘Tsaka basa ako nang basa ng mga tamang impormasyon sa social media. ‘Tapos yung mga sigurado akong tama, nire-retweet ko kasi kailangan ng impormasyon na tama.

“Nakakatakot, dahil ang mga tao nagpa-panic. Pag nagpa-panic ang mga tao, maaaring maniwala sila sa lahat ng mga marinig nila at mabasa without verifying ang totoo.

“Since ang laki ng fan base ko, yun ang pinakatulong ko. Ano ang puwede ko ditong i-share at ano ang dapat nilang malaman. Sine-share ko sa social media.

“We have to protect ourselves."


Continue reading below ↓

SAM MILBY

"Just follow what the doctors say. Frequent washing of hands for at least 20 seconds.

“May mga nagsasabi na dapat kumanta ng ‘Happy Birthday’ nang dalawang beses. It's just frequency of washing your hands, and for me, it's also avoiding places na sobrang daming tao."


KARLA ESTRADA

"Unang-una kailangan manggagaling sa sarili natin ang kalinisan, yung ating hygiene kailangan pa nating patibayin.

Continue reading below ↓

"Of course, manggagaling yan sa pamamahay natin, maghugas ng kamay, paulit-ulit naman sinasabi yun sa social media at TV, sundin na lang natin.

“Of course, makinig tayo sa manggagaling talaga sa DOH [Department Of Health], yung mga legit na balita para alam natin ang totoo at di tayo nagpa-panic."


Continue reading below ↓

JAYSON DY

"Kailangang maghugas ng kamay palagi, kailangang malinis lang tayo. Iwasan yung mga crowded areas kasi dun tayo nahahawa.

“Kailangan informed tayo sa lahat ng mga gagawin natin, maniniwala lang tayo sa mga news na galing sa credible na sources.

“Kailangang mag-ingat lang tayo at wag mag-panic."


Continue reading below ↓

JAY R

"We're just following instructions na magma-mask ka, alcohol sa hands, wag masyadong magbebeso-beso, wag masyadong pupunta sa mga crowded areas.

“Wag masyadong lumipad, pero siyempre sa line of work namin, medyo mahirap, kasi palaging lumilipad.

“Ang protection talaga is yung mask and alcohol."


KYLA

"Mas doble yung hugas ng kamay, ‘tapos kailangan may alcohol, iba na yung sigurado. Kasi minsan nakakahawak tayo sa face, di ba?"

Continue reading below ↓


KYLE ECHaRRI

"Dahil nga sa COVID-19, I wasn't able to go to Singapore for something to do with Singaporean artists. Singapore is hit very hard by COVID. Medyo nakakalungkot because I really want to go to Singapore.

“Pero, siyempre, safety is always number one. I believe we have a travel ban, and also yung boss ko rin sa Singapore, ayaw niya rin.

Continue reading below ↓

"Ako, I'm working on keeping my immune system strong. Lagi akong nagdyi-gym ngayon. I'm working on my health. Safety precautions lang talaga."


FRANCINE DIAZ

"Vitamins palagi, mas nagpuprutas na ako ngayon. Lagi akong alcohol, lagi akong may dalang sanitizer."


Continue reading below ↓

ANDREA BRILLANTES

Nagba-vitamins ako every day. ‘Tapos lagi akong nag-a-alcohol kasi sobrang addict ako sa alcohol.

“Bawal akong lumabas ng bahay na di nag-a-alcohol. Lagi akong pinagbabaon ng alcohol sa bag ko.

“Di naman ako masyadong palalabas, taong bahay lang ako. So feel ko, safe naman ako sa bahay namin."


Continue reading below ↓

SETH FEDELIN

"Nagba-vitamins ako, kailangan nating palakasin ang immune system natin.

“Alcohol din, ‘tapos laging hugas ng kamay."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph asked (L-R) Vice Ganda, Sam Milby, Andrea Brillantes, Karla Estrada, other Kapamilya stars how they protect themselves against the dreaded COVID-19.
PHOTO/S: From Instagram: @praybeytbenjamin, @samuelmilby, @blythe, @karlaestrada1121
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results