Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sunshine Cruz calls out Chuckie Dreyfus for so-called past romance: "There was no US!"

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2020
Sunshine Cruz on Chuckie Dreyfus claiming they became a couple during That's Entertainment days: "A real man will never say such lies on national tv! Kina macho mo naman ba yan?!"
PHOTO/S: @sunshinecruz718 / @chuckiedreyfus Instagram

"There was no us."

Ito ang buwelta ni Sunshine Cruz, 42, sa sinabi ni Chuckie Dreyfus, 45, na dati silang naging magkarelasyon.

Nagkasama sina Sunshine at Chuckie sa That's Entertainment, ang defunct GMA-7 youth-oriented show na umere mula 1986 hanggang 1996.

Si Chuckie ay mainstay mula 1986 hanggang 1996; habang si Sunshine ay naging bahagi ng show mula 1992 hanggang 1996.

CHUCKIE'S "REVELATION"

Sa March 14 (Saturday) episode ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga, mga alumni ng That's Entertainment ang choices ng celebrity contestant na si Heart Evangelista.

Kabilang sa choices si Chuckie.

Dito nabanggit ni Chuckie na nagkaroon siya ng "nine" o "ten" girlfriends sa That's Entertainment.

Hinamon si Chuckie na pangalanan ang dalawa sa naging nobya niya.

Isa raw sa mga ito si Sunshine.

"Matagal ko niligawan si Shine," tukoy ni Chuckie kay Sunshine.

Gaano sila katagal na naging magkarelasyon?

Sagot ulit ni Chuckie, "Give or take, six or seven months. Di ko na maalala pa."

Continue reading below ↓

SUNSHINE SLAMS CHUCKIE'S "FAKE NEWS"

Pero pinabulaanan mismo ni Sunshine ang impormasyong naging sila ni Chuckie.

Sa kanyang Facebook post ngayong Linggo ng gabi, March 15, sinabi ni Sunshine na imposibleng naging sila ni Chuckie.

Iisa lang daw ang naging karelasyon ng aktres noong dalaga pa siya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaya raw "nawindang" si Sunshine nang makarating sa kanya ang sinabi ni Chuckie sa telebisyon.

"In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news that’s not going to be of any help at all," bungad ni Sunshine.

"I was 14-15 years old when I joined That’s Entertaiment. Batang-bata!

"Meaning wala akong balak makipag relasyon dahil ang gusto ko makakuha ng break at makatulong sa pamilya ko."

Hindi rin daw maintindihan ni Sunshine kung bakit sinabi ni Chuckie na naging sila ng "6 to 7 months."

"Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo. Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga?

Continue reading below ↓

"Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo?"

Noon pa man ay madalas nang sabihin ni Sunshine na ang action star na si Cesar Montano ang una at huli niyang boyfriend.

Diin ng Love Thy Woman actress: "For the record, my ex husband was and will always be my first bf.

"Wag na mag claim ang iba dyan. Tanda na natin.

"Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!"

Ikinasal si Sunshine kay Cesar noong September 14, 2000. Noon, si Sunshine ay 23 years old at si Cesar ay 38 years old.

Tumagal ng 13 taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa, hanggang sa naghiwalay sila noong 2013.

Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong September 18, 2018.

NOT EVEN JESSA ZARAGOZA'S EX

Base pa rin sa Facebook post ni Sunshine, pinabulaanan niya ang isa pang sinabi ni Chuckie. Ito naman ay ang tungkol kay Jessa Zaragoza na naging ex-girlfriend din umano ni Chuckie.

Continue reading below ↓

Ang singer-actress na si Jessa ay naging mainstay rin noon ng That's Entertainment.

"On-and-off" relationship daw sila noon, sabi ni Chuckie.

Pero malinaw na sinabi ni Sunshine na hindi rin totoo iyon.

"10 naman pala ang naging gf mo so bakit kami pa ni Jessa na hindi mo din naman pala naging gf ang binanggit mo?

"A real man will never say such lies on national tv! Kina macho mo naman ba yan?! Lol!"

Hindi binanggit ni Sunshine ang pangalan ni Chuckie sa kanyang written statement.

Pero kalakip ng kanyang post ang video ng guest appearance ni Chuckie sa Eat Bulaga kahapon.

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Sunshine at Chuckie tungkol sa isyung ito.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on Chuckie Dreyfus claiming they became a couple during That's Entertainment days: "A real man will never say such lies on national tv! Kina macho mo naman ba yan?!"
PHOTO/S: @sunshinecruz718 / @chuckiedreyfus Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results