Chuckie Dreyfus on past relationship with Sunshine Cruz: "I just said what was true."

by Rachelle Siazon
Mar 16, 2020
"Past is past. I acknowledged it happened. That's all there is to it.There's no malice. Hindi ako nagiging oportunista. Hindi ako sumasakay sa kahit ano," says Chuckie Dreyfus, who stands by his statement that Sunshine Cruz became his girlfriend during That's Entertainment days.
PHOTO/S: @chuckiedreyfus / @sunshinecruz718 Instagram

Nagulat si Chuckie Dreyfus, 45, sa maaanghang na salitang pinakawalan ni Sunshine Cruz, 42, tungkol sa magkaiba nilang bersiyon ng ugnayan nila 20 taon ang nakararaan.

Mariing inalmahan ni Sunshine ang pahayag ni Chuckie na naging magkarelasyon sila noong nagkasama sila sa dating GMA-7 youth-oriented show na That's Entertainment.

Pero nanindigan si Chuckie na naging "girlfriend" niya si Sunshine noon.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, Linggo ng gabi, March 15, ipinaliwanag ni Chuckie na wala siyang masamang intensiyon nang banggitin ang ugnayan umano nila ni Sunshine.

"During the guesting, I mentioned her name because para sa akin yun naman ang totoo.

"Twenty years ago is really nothing na naman. Past is past.

"It's not really a big deal anymore. Nakaraan na naman yun, e.

"Ang akin, I just said what was real, what was true."

Kuwento pa ni Chuckie, "When they asked me how long naging kami, ang sabi ko pa nga, 'Hindi ko matandaan. Six months, seven months, I'm not really sure.'

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, I can't really remember how long the relationship was because it's been more than 20 years already.

"Yun lang naman ang akin. Why is it such a big issue?"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

THE Q&A ON TV

Ang "guesting" na tinutukoy ni Chuckie ay ang pagkapili sa kanya bilang isa sa pitong dating That's Entertainment mainstays na sumalang sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga, noong Sabado, March 14.

Si Heart Evangelista ang contestant, at ang tema ng mga tanong ay may kaugnayan sa That's Entertainment at sa mga artistang naging bahagi ng show noon.

Napili si Chuckie nang ang tanong ay kung sino sa That's Entertainment mainstays ang nagkaroon ng higit dalawang karelasyon na nasa cast din ng show.

Sa Q&A, hiningan si Chuckie ng dalawang pangalan ng naging nobya niya noon, at isa sa nabanggit niya si Sunshine.

"Matagal ko niligawan si Shine. Give or take, six or seven months.

Continue reading below ↓

"Di ko na maalala pa," saad ni Chuckie patungkol sa kanila noon ni Sunshine.

May Dabarkads na nagkomento tungkol sa pagiging "matangkad" ni Sunshine.

Sagot ni Chuckie, "Actually, sabi ko nga, huwag siyang maghi-heels pag magkasama kami kasi ang liit ko, e."

Maliban doon ay wala nang nabanggit pa si Chuckie tungkol kay Sunshine.

Ang That's Entertainment ay umere sa GMA-7 mula 1986 hanggang 1996.

Unang naging mainstay si Chuckie mula 1987 hanggang 1996. Si Sunshine ay naging bahagi ng show mula 1992 hanggang 1996.

ON TELLING THE "TRUTH"

Sa Facebook post ni Sunshine Linggo ng gabi, March 15, sinabi niyang nagsisinungaling si Chuckie.

Ang napangasawa raw niyang si Cesar Montano ang una at huli niyang naging nobyo noong dalaga pa siya.

Dagdag ni Sunshine (published as is): "A real man will never say such lies on national tv! Kina macho mo naman ba yan?! Lol!"

Pero nanindigan si Chuckie na hindi siya sinungaling.

Continue reading below ↓

Nanligaw raw siya at malinaw sa kanyang sinagot siya ni Sunshine bilang kasintahan noong early '90s.

"Oo naman, I wouldn't have said it if it wasn't the truth," depensa ni Chuckie.

"Una, what will I get out of saying that? It's not to embarrass her or anything.

"Regardless if it was six months, three months, one year... actually, it's irrelevant."

Patuloy ni Chuckie, "It didn't really mean anything to me, or to my family for that matter, because it was a long, long time ago already.

"My wife and my kids know all of my relationships. Para sa akin, nakaraan na yun.

"If they ask me, e, di sasabihin ko lang. That's it."

Alam din naman daw ng mga kaibigan nila noon ni Sunshine na naging sila.

Sabi ni Chuckie: "Siguro kami ni Shine early '90s siguro, if I'm not mistaken.

"Nagulat nga ako nung nag-react siya. The way she reacted seemed so... parang out of proportion.

Continue reading below ↓

"Bakit? Totoo naman talaga nangyari.

"Apart from that, our friends know the truth also. We have common friends.

"Iisang araw lang kami sa Wednesday Group. People know that. "

"NOT OUT TO GET ATTENTION"

Ayaw na raw sanang magsalita ni Chuckie tungkol sa isyu.

Pero nais niyang linawin na hindi siya magsisinungaling para lang makakuha ng atensyon.

"Past is past. I acknowledged it happened. That's all there is to it.

"There's no malice. Hindi ako nagiging oportunista. Hindi ako sumasakay sa kahit ano.

"I am happily married. I have two kids. I see no reason why people would think na sasakay ako."

Ani Chuckie, wala naman siyang sinabing masama tungkol kay Sunshine.

"I'm not trying to get attention out of it. I was just being very candid about it on TV.

"It was a very innocent answer. And for me, it was very, very harmless.

"It was just something that happened in my life, in our lives. Yun lang naman yun.

Continue reading below ↓

"I did not say anything bad about it apart from naging kami."

NO ILL WILL TOWARDS SUNSHINE

Sa huli, aminado si Chuckie na medyo nagulat siya sa paninindigan ni Sunshine na tanging si Cesar Montano ang naging nobyo noong dalaga pa ang aktres.

Wala naman daw siya magagawa kung itanggi ni Sunshine na naging sila noon.

"If she denies it, which she did naman talaga, for whatever reason that she may have denied it, okay lang sa akin yun.

"I don't take any offense at it. I don't feel even the tiniest of galit sa kanya.

"Kung anuman ang reasons niya for denying it, it's all right."

Dagdag ni Chuckie, "Of course, we're all entitled to our opinion and our version of the truth.

"I am not angry at her for it. I am not bitter for her saying na hindi totoo, that's fine."

Dipensahan din si Chuckie ng talent manager nitong si Juan Paulo Infante sa alegasyong nagsinungaling ito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Infante, presidente ng JPI Entertainment, "We know Mr. Chuckie Dreyfus as an honest man with integrity. There's no reason for him to lie or to falsify any statements regarding his past relationship."

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Sunshine Cruz kaugnay ng naging pahayag ni Chuckie Dreyfus.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Past is past. I acknowledged it happened. That's all there is to it.There's no malice. Hindi ako nagiging oportunista. Hindi ako sumasakay sa kahit ano," says Chuckie Dreyfus, who stands by his statement that Sunshine Cruz became his girlfriend during That's Entertainment days.
PHOTO/S: @chuckiedreyfus / @sunshinecruz718 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results