Director Jay Altarejos puts down Lea Salonga for post about community quarantine

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2020
Director Jay Altarejos (right) lambasts Lea Salonga's post on Instagram about community quarantine and curfew due to COVID-19: "Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: Dexter Macaraeg on Facebook

Sa gitna ng delubyong dala ng coronavirus o COVID-19, nagbahagi ang ilang personalidad ng kanilang pagsuporta sa ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na community quarantine sa Metro Manila.

Dahil sa community quarantine, ipapairal din ang curfew sa ilang lungsod sa Metro Manila, simula ngayong March 16, mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.

Kung may mga sumusuporta sa hakbang na ito ng pamahaalan, mayroon ding bumabatikos dito dahil naaabala raw sila sa kanilang mga biyahe at sa pagpasok sa trabaho.

Sa pamamagitan ng Instagram kahapon, March 15, ibinahagi ng celebrities na sina Lea Salonga, Maritoni Fernandez, at automotive journalist na si James Deakin ang mensaheng ito bilang sagot sa mga nagrereklamo:

“To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JAY ALTAREJOS CRITICIZES LEA SALONGA

Isa sa nag-react dito ang direktor na si Jay Altarejos.

Sa kanyang Facebook kahapon din, ibinahagi ni Jay ang screenshot ng Instagram post ni Lea.

Naka-public ang post na ito ng direktor kaya makikita ng sinumang nais mabasa ang kanyang post.

Sa kanyang mensahe ay pinasaringan ni Jay ang Broadway star, na tila hindi raw alam ang "kalagayan ng buhay" ng "mga maralita."

Buong mensahe ng direktor: “Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON...

“Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain?

“Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”

Si Lea ang orihinal na gumanap ng lead role sa West End at Broadway musical na Miss Saigon, na nagpanalo sa kanya ng Best Actress in A Musical sa Laurence Olivier at Tony Awards.

Continue reading below ↓

Si Jay ay isang film and television director.

Karamihan sa mga pelikula nito ay tumatalakay sa homosexuality—kabilang ang Ang Lalake Sa Parola, Ang Lihim Ni Antonio, Ang Laro Sa Buhay ni Juan, Unfriend, at Kasal.

Kabilang naman sa mga teleseryeng idinirek niya ang mga sumusunod—Posh, My Lover My Wife, Blusang Itim, Kung Aagawin Mo Ang Langit, at Legacy.

Si Jay rin ang direktor ng Walang Kasarian Ang Digmang Bayan, na tinanggal sa lineup ng Sinag Maynila film festival dahil diumano sa isang linyang kontra kay Pangulong Duterte.

At press time, wala pang sagot si Lea sa patutsadang ito sa kanya ni Jay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Jay Altarejos (right) lambasts Lea Salonga's post on Instagram about community quarantine and curfew due to COVID-19: "Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: Dexter Macaraeg on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results