Kim Chiu pooh-poohs basher questioning why she is still on social media

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2020
Kim Chiu to basher (published as is): “Im happy im alive and thats more important than waste your time being an 'investigator' keme."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

Hindi nakatiis si Kim Chiu, 29, na hindi sumagot sa isang netizen na kinukuwestiyon ang kanyang active presence sa social media.

Aktibo pa rin daw si Kim sa social media gayong nakaranas na nga ito ng banta sa kanyang buhay kamakailan lamang.

Na-ambush ang van na sinakyan ni Kim papuntang taping noong umaga ng March 4, 2020, araw ng Miyerkules.

Komento ng netizen sa Instagram post ni Kim tatlong araw na ang nakararaan (published as is): "If im ambushed ill be inactive for quite sometime.

“Mga aksidente suntukan ok lng move on move on agad pero pag ambush?

“Iba tama nun if legit ambush.

“Kahit na abisuhan ako nag boss na ok lng yan etc buhay mo yan d nila buhay yan.

“Maging vigilant ako makilas mpag matyag maly mo dito sa soc med adito ang my plano kya lawloy muna.

“Pero ikaw bilis syos lng post2x galing hope laht ng na abush peroho simo ka gahi (pareho sa iyo katigas). Lami oi (Masarap ‘yan).”

Continue reading below ↓

Binuweltahan kaagad ni Kim ang netizen.

Sabi ng Love Thy Woman actress (published as is), “it’s because im not scared.

“The bullet is not for me.

“Im happy im alive and thats more important than waste your time being an 'investigator' keme. (praying hands emoji)"

Continue reading below ↓

THE AMBUSH

Pinagbabaril ang van ni Kim habang bumibiyahe ito sa Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City, bandang 6:15 ng umaga, noong March 4.

Ligtas naman ang aktres, ang kanyang assistant, at ang kanyang driver.

Ayon sa statement ng driver ni Kim na si Wilfredo Taperla, dalawang hindi kilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang ilang beses nagpaputok sa van na kanyang minamaneho.

Ilang oras makalipas ang nangyaring ambush, sinabi ni Kim sa kanyang Instagram na baka raw mistaken identity ang nangyari at iba talaga ang puntirya ng mga salarin.

Sinabi naman ng dating brodkaster na si Jay Sonza na peke o "drawing" daw ang pangyayari.

Ipinagtanggol si Kim ng ilang mga celebrities at mga kasamahan sa trabaho.

Hanggang ngayon, wala pang pinal na resulta ang pulisya tungkol sa imbestigasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu to basher (published as is): “Im happy im alive and thats more important than waste your time being an 'investigator' keme."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results