Angel Locsin, other celebs appeal for financial assistance for wage earners affected by enhanced community quarantine

by Bernie V. Franco
Mar 16, 2020
Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Erwan Heussaff, and DJ Chacha appeal and make some suggestions on how to extend assistance to wage earners affected by the month-long enhanced community quarantine.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamsuperbianca, @mor1019chacha on Instagram / Grabbed from YouTube (Erwan)

Tulong pinansiyal at basic needs—gaya ng pagkain, tirahan, at gamot—para sa mga ordinaryong manggagawang maaapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR sa loob ng isang buwan.

Ito ang panawagan ng ilang artista sa gobyerno at mga kinauukulan, para sa mga trabahador na “no work, no pay” at walang regular na kita sa panahon ng coronavirus disease o COVID-19 crisis sa bansa.

ANGEL LOCSIN

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Lunes ng hapon, March 16, nanawagan ang aktres na si Angel Locsin sa pamahalaan na maglaan ng “financial support” para sa mga manggagawang hindi puwedeng mawalan ng trabaho.

Ito rin daw ang nakikita niyang dahilan kung bakit sa kabila ng pagdeklara ng community quarantine sa Metro Manila, marami pa ring mga Pilipino ang pumapasok sa trabaho.

Nagulantang ang marami ngayong umaga dahil sa naglabasang posts sa social media na nagpapakita sa dami ng mga taong pumasok sa trabaho, at hindi na nagagawa ang social distancing dahil sa hirap sa pag-commute.

Continue reading below ↓

Itinuturing na mabisang paraan ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mensahe ni Angel sa kanyang post (published as is): “Sa gitna po ng paglaganap ng CoVid19, walang sinoman na nasa matinong pag-iisip ang magnanais na lumabas sa matataong lugar para mahawa at makahawa ng sakit."

Kalakip din ng post ng aktres ang mga larawan ng mga motorista at pedestrian na easy target ng virus.

“Alam natin na importante ang social distancing at proper hygiene pero hindi po ito sasapat kung may mga kababayan tayo na kelangang maghanapbuhay bawat-araw para makakain at matustusan ang mga basic needs ng pamilya gaya ng pambayad sa renta, kuryente, tubig, at iba pa.

“Marami rin po sa kanila ay mga contractual workers, mga self-employed, maliliit na manininda na walang tiyak na kita sa araw-araw at baon sa utang.”

Mungkahi pa ni Angel: “Kung matitiyak lang po sana ng ating pamahalaan na may financial support para sa kanila, hindi nila kelangang sumugal sa labas.

Continue reading below ↓

“Malaking bagay din kung may temporary stop on amortizations and loans o kahit pagtanggal sa interest & penalties.

“Sana rin ay magbigay ng consideration ang mga kumpanya ng basic utilities like kuryente at tubig bilang kawang-gawa sa mga mahihirap na apektado ng dislocation sa trabaho.”

“And also, I hope Philhealth will shoulder treatment for those who have CoVid19.”

Continue reading below ↓

BIANCA GONZALEZ, ERWAN HEUSSAFF, DJ CHACHA

Hindi nalalayo rito ang mungkahi ng ilan pang celebrities gaya nina Erwan Heussaff, DJ Chacha, at Bianca Gonzalez.

Umaapela si Bianca sa gobyerno na tiyaking matutulungan ang mga taong matatamaan ang kanilang kabuhayan bunsod ng community quarantine.

Tweet ng Kapamilya host: "An appeal to our government: PLEASE take care of those whose livelihood is affected by the quarantine.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Bianca, malaki ang magagawa kung ang bawat isang may kapasidad na tumulong ay tutulong sa mga kakilala nila.

“An idea on how we ordinary citizens can help daily wagers na no work no pay…

“Dun muna tayo sa malapit sa atin: Asawa ng ka-trabaho, anak ng katiwala, kapatid ng kakilala?

“Maybe donate to them in cash or kind, kahit maliit, malaking bagay.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Erwan, sana ay mabigyan ng kunsiderasyon pagdating sa renta ang mga puwesto ng retail businesses na magsasara sa loob ng quarantine period.

“If retail businesses are requested to close and not generate any revenue, hopefully something is done about landlords, not charging rent, during this period of recommended non-operation.”

Continue reading below ↓

Tweet naman ni DJ Chacha: “Libreng upa, pagkain, gamot at inumin para sa mga kababayan nating hindi kayang mag-survive ng walang trabaho sa isang buwang Community Quarantine."

DOLE TO SHOULDER PAYMENTS TO REGULAR EMPLOYEES

Nitong March 15, sinabi ni Secretary Silvestre Bello III sa panayam ng DZMM na sasagutin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bayad sa private employees na pinagli-leave ng kani-kanilang kumpanya bunsod ng isang buwang community quarantine.

Pero nilinaw niyang hindi saklaw ng mandato ang mga empleyadong hindi regular.

Gayunpaman, mayroon naman daw silang ipinapatupad na Emergency Employment Program para samga hindi regular employee—o yung arawan o kaya ay "no work-no pay" na mga manggagawa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Erwan Heussaff, and DJ Chacha appeal and make some suggestions on how to extend assistance to wage earners affected by the month-long enhanced community quarantine.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamsuperbianca, @mor1019chacha on Instagram / Grabbed from YouTube (Erwan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results