Senator Juan Miguel Zubiri says other senators tested negative for COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2020
Senator Miguel Zubiri on testing positive for COVID-19: "Sana, ako na lang po ang nahawaan at wala nang iba."
PHOTO/S: Miguel Zubiri Facebook

Sa kabila ng pagiging positibo niya sa COVID-19 (novel coronavirus disease 2019) ay nanatiling in good spirits si Senator Juan Miguel Zubiri.

"Okey naman," sagot ni Zubiri sa panayam sa kanya ni Mike Enriquez sa 24 Oras, late-night newscast ng GMA-7, nitong Lunes ng gabi, March 16.

Una nang nasabi ni Zubiri na hindi siya nakitaan ng sintomas pero nagpositibo siya sa COVID-19.

"Medyo traydor nga itong COVID-19 na virus na ito, at buti na lang po, malakas ang resistensiya natin, so far."

Ano ang rekomendasyon sa kanya ng doktor?

"Monitoring lang po ang sabi ni Secretary Duque sa akin," tukoy ni Zubiri kay Department of Health Secretary Francisco Duque.

"Kailangan yung temperature ko po, umaga’t hapon ay mino-monitor ko po siya.

"Tuluy-tuloy ang inom ko ng vitamins at yung para sa immune system ko.

"At pag nagkaroon po ako ng medyo mataas na lagnat, kailangan ko pong tawagan ang ospital for further action."

Continue reading below ↓

SOCIAL DISTANCING

Umapela naman si Zubiri sa taong-bayan na seryosohin ang social distancing measures ng gobyerno.

Partikular na rito ang pananatili sa bahay kung wala rin lang essential activities, dahil grabeng makahawa ang COVID-19.

"Pero ang mahalaga rito is, basically, lumabas po ako ng balitang ito.

"Hindi ko na itinago sa taumbayan para malaman nila kung gaano kadali mahawaan ng virus na ito."

Sa kaso niya, ipinaliwanag ni Zubiri na naging maingat siya sa kanyang kalusugan pero nagkaroon pa rin ng COVID-19.

"Ingat na ingat po ako sa Senado.

"Wala na akong kinakamayan for two weeks na. Halos nag-a-alcohol ako almost every five minutes.

"I practice social distancing, and yet, nahawaan pa rin ako."

Wala naman daw siyang pinupuntahang ibang lugar.

Tiniyak din niyang hindi siya nagpunta sa ibang bansa nitong mga nakaraang linggo.

Patuloy ni Zubiri, "Hindi ko po alam kung paano, but I’m sure, sa Senado po ‘yan.

Continue reading below ↓

"As my functions as a senator nakuha dahil ano naman po ako, Senado-bahay.

"After work, uwi po ako sa bahay. Kaya kailangan po mag-ingat ang ating mga kababayan.

"Gusto ko lang malaman nila kung gaano kadelikado at kung gaano kadaling mahawaan."

OTHER SENATORS TESTED NEGATIVE

Nang itanong ni Mike kung magkakaroon ng contact tracing sa Senado para matukoy ang kanyang ibang mga nakasalamuha, sumagot si Zubiri na may ibinigay na siyang instructions sa mga kasamahan sa trabaho.

"Actually, sinabihan ko na lahat ng staff ko.

"Noong Wednesday pa lang, in-isolate ko na yung pamilya ko.

"Nasa second floor po ako [ng bahay namin]. Isolated na po ako dito.

"Yung asawa ko at mga anak ko, nandoon sila sa first floor."

Noong March 11, Miyerkules, huling pumasok sa Senado si Zubiri.

Nag-aalala raw siya sa mga katrabaho sa Senado na nakasalamuha niya noong araw na iyon.

"I guess, the best way to contact trace is noong Wednesday.

Continue reading below ↓

"Noong last Wednesday, meron po kaming Commission on Appointments hearing noong umaga.

"At meron din po akong… yung open and close suspension noong Wednesday afternoon. Meron pong labing-apat na senador.

"May mga senador po na nagpa-testing na at negative naman po sila. Salamat sa Panginoon."

Sabi pa ni Zubiri, "Sana, ako na lang po ang nahawaan at wala nang iba."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Miguel Zubiri on testing positive for COVID-19: "Sana, ako na lang po ang nahawaan at wala nang iba."
PHOTO/S: Miguel Zubiri Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results