Ai-Ai delas Alas supports enhanced community quarantine; lauds Duterte, Metro Manila mayors

by Arniel C. Serato
Mar 17, 2020
Kapuso star Ai-Ai delas Alas on Luzon-wide enhanced community quarantine: "I WILL FULLY SUPPORT THE PLAN OF MY GOVERNMENT BECAUSE COOPERATION IS MORE IMPORTANT THAN BEING TOO CRITICAL.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Suportado ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang pinaiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon simula kahapon, March 16.

Ito ay matapos magkaroon ng kaguluhan at kalituhan ang maraming tao sa ikalawang araw ng pagpapatupad ng community quarantine kahapon.

Nahirapan din ang commuters sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan papasok ng trabaho kaya hindi nasunod ang ipinatutupad ding social distancing.

Bumabagal at tumutukod din ang pila ng mga sasakyan sa boarders ng Metro Manila, kaya nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na i-quarantine ang buong Luzon upang tigil-trabaho na sa buong rehiyon.

Sa Instagram, inihayag ni Ai-Ai ang kanyang opinyon ukol sa Luzon-wide community quarantine.

Sabi niya (published as is): “KUMALMA , MAGDASAL, MAKINIG , SUMUNOD .. kaya naten to PINOY TAYO MAGKAISA LANG TAYO AT MAGING DISIPLINADO .. kakayanin naten to .. (praying hands) PANGINOON KAYO NAPO ANG BAHALA SA AMING LAHAT (green heart emoji) #beclean #behealthy #becalm

Continue reading below ↓

AI-AI THANKS DUTERTE, METRO MANILA MAYORS

Sa bago niyang post ngayong Martes, March 17, nagbahagi si Ai-Ai ng isang photo message na may nakalagay na Philippine flag.

May nakasulat dito na: “I WILL FULLY SUPPORT THE PLAN OF MY GOVERNMENT BECAUSE COOPERATION IS MORE IMPORTANT THAN BEING TOO CRITICAL.”

Sa caption, nagpasalamat si Ai-Ai kay President Duterte at sa ilang alkalde sa Metro Manila dahil sa maagap na aksiyon nila sa panahong nababalot ang buong bansa sa delubyong dulot ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Mensahe niya (published as is): “Nabasa ko kanina dumalaw si PPRD sa valenzuela maycauyan boundary ng pag ka aga aga ..

"salamat pangulo at papalakpakan ko din ang mayor ng san juan , manila, pasig at marikina .. good job mga mayors .. (four clapping hands emojis) ...

"mag ingat po kayo at GOD BLESS YOU ALL ... GOD BLESS THE WHOLE WORLD (praying hands emoji)”

Continue reading below ↓

Kilalang tagasuporta ng Pangulo si Ai-Ai.

Samantala, mukhang naka-move on na si Ai-Ai sa bashing na naranasan niya kahapon dahil sa akusasyong naghu-hoard diumano siya ng alcohol at hand sanitizers.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Ai-Ai delas Alas on Luzon-wide enhanced community quarantine: "I WILL FULLY SUPPORT THE PLAN OF MY GOVERNMENT BECAUSE COOPERATION IS MORE IMPORTANT THAN BEING TOO CRITICAL.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results