Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Heart Evangelista replies to netizens criticizing her for being rich: "You seriously want to kill me?"

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2020
Heart Evangelista to people making assumptions about her privileged life: "You really think I don't have problems so bad I can't function?"
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Hindi lahat ay idinadaan sa social media.

Ito ang mensahe ni Heart Evangelista sa isang netizen na binatikos siya dahil sa pagiging mayaman niya.

Ayon kay Heart, "pet peeve" niya ang panghuhusga sa kanya ng ibang tao base sa estado ng aktres sa buhay.

Ipinakita ni Heart ang mensaheng natanggap mula sa isang netizen na nagsabing kapag nagkagulo ay una ang Kapuso actress sa mga nakakaangat sa buhay na pupuntiryahin.

Sabi ng netizen: "Heart Evangelista is such a darling but she'll be first in line when we start to guillotine the rich."

Nagulat si Heart sa hate message na iyon.

Reaksiyon niya: "People like that. You really think a perfect life exists?

"You really think I don't have problems so bad I can't function?

"I've been working so so hard for 23 years and I can't be happy for myself and actually share my blessings?

"You seriously want to kill me?"

Continue reading below ↓

Umapela si Heart na sa halip na batikusin siya ay maging positibo na lang sana ang kanyang basher.

"People wake up. Pray... pls pray we should all be helping each other and that doesn't mean posting it on social media.

"Help cause that's what God wants. Stop hating. Start loving one another. Start making a difference. Small or big.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Try harder to be better and the universe will work towards giving you more happiness."

Ipinost ito ni Heart sa kanyang Instagram Story ngayon Martes ng hapon, March 17.

Continue reading below ↓

LIKES IN HEAVEN VS LIKES IN SOCIAL MEDIA

Noong Linggo, March 15, may isang netizen ang kumuwestion kung may naiaambag na raw ba si Heart na tulong sa mga nangangailangan.

Kaugnay ito ng pagsubok na pinagdadaanan ng taumbayan dulot ng novel coronavirus disease o COVID-19.

Nagbahagi kasi si Heart ng mensahe tungkol sa simula ng community quarantine sa Metro Manila noong Linggo.

Sa comments section ng Instagram post ni Heart nag-iwan ng komento ang netizen.

Sabi ng netizen, "When you ask the community to buy the products you endorsed, watch and support your shows they never hesitate.

"NOW, the community needs you as you have the resources (because of the community) - I hope you are giving back."

Tumanggi si Heart na idetalye kung mayroon man siyang aksiyon para makatulong sa iba.

Ani Heart, "That my dear is between God and I.

"My 'likes' in heaven is more important than my likes on social media."

Continue reading below ↓


"I KNOW WHAT'S IN MY HEART"

Nagugulat man siya sa pananalita ng iba niyang detractors, nanindigan si Heart na hindi siya basta padadala sa panghuhusga ng ibang tao.

Hindi na raw siya people pleaser tulad noong kabataan niya.

Sa kanyang hiwalay na Instagram Story ngayong araw, tinanong kasi si Heart ng isang netizen kung kailan niya natutunang mahalin ang sarili.

Continue reading below ↓

"I tried so hard to change myself just so people will like me," sagot ni Heart.

"I've been working for 23 years and making people 'like' you is the only thing that matters. I got tired of that...

"I realized - walk on water and they say you can't swim! So why will I pretend to be someone I'm not."

Dagdag pa niya, "Now even if they say nasty things about me it's ok...

"I am me and I know what's in my heart. It's liberating or shall I say FREEDOM."

Continue reading below ↓

"LONG-DISTANCE RELATIONSHIP"

Sa kasalukuyan, magkalayo si Heart at ang asawa niyang si Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero.

Nasa Sorsogon si Chiz, 50, habang nanatili naman si Heart, 35, sa bahay nila sa Quezon City.

Update ni Heart sa kanyang post Lunes ng gabi, March 16:

"Because my husband knows that I’ve been anxious lately, he bought me this oversized hoodie which I use as my security blanket.

"This was my look for today while I work on this long distance relationship as he is busy in Sorsogon.

"By staying home, we do our part in helping keep others safe. Let’s continue to pray for our country and for the world.

Continue reading below ↓

Noong mga nakaraang araw, naging abala si Heart sa paggawa ng personalized face mask na tinahian niya ng ribbons—bagay na ginaya ng ilan sa kanyang mga Instagram followers.

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista to people making assumptions about her privileged life: "You really think I don't have problems so bad I can't function?"
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results