Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Angelika dela Cruz takes on netizen calling her "gaga, walang kuwentang kapitan"

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2020
Angelika dela Cruz to netizen accusing her of not doing her duties as barangay captain of Longos, Malabon City amid COVID-19 pandemic (published as is): "Hoy mas gaga ka... Bash ka ng bash mali naman ang information mo."
PHOTO/S: @angelikadelacruz Instagram / @angelicadlcrz_ Twitter

Inalmahan ni Angelika dela Cruz, 38, ang akusasyong wala siyang ginagawang aksyon bilang barangay captain ng Longos, Malabon City.

May kinalaman ito sa trabaho ng local officials na siguruhing nasusunod ang safety measures na ipinapatupad ng gobyerno.

Ipinataw ang community quarantine at curfew sa buong Luzon, para makatulong sa hindi paglaganap pa ng new coronavirus o COVID-19.

Kaugnay nito, ilang netizens ang hindi raw bilib sa pamumuno ni Angelika.

Si Angelika ay nagsisilbing barangay captain ng Longos mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

May nagsabi pang nauna pa raw si Angelika magtago sa bahay nito, liban pa sa nagbubura raw ito ng comments ng constituents na hindi nito gusto.

Taliwas daw ito sa kilos ng actress-politician noong panahon ng eleksyon kung kelan todo raw itong makabeso sa mga residente sa lugar.

Tweet ng isang netizen: "Hoy gaga ka pagnapuna ka sa facebook page mo dahil wala kang kwentang kapitan binubura mo ang comment?

Continue reading below ↓

"Wala ka parin kwentang kapitan.

"Wag ka nang tumakbo sa susunod na election."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ito pinalampas ni Angelika.

Ni-retweet ni Angelika ang mensahe sa kanya ng basher.

Matapang na buwelta ni Angelika (published as is): "hoy mas gaga ka ay Ikaw ang walang kwentang tao bash ka ng bash mali naman Ang information mo!

Continue reading below ↓

"Hindi porket hindi ako mag popost ng work ko Sa barangay wala akong ginagawa..

"ayan isaksak mo Sa baga mo ang pictures ng matahimik ka! TROLL!"


Base ito sa Twitter post ni Angelika ngayong Martes ng hapon, March 17.

Ipinakita nga niya ang ilang litrato ng kanyang paglilibot sa nasasakupang barangay sa Malabon.

Continue reading below ↓

Nakasuot ng face mask si Angelika at may dalang backpack ng disinfectant.

Makikita rin sa mga larawan na ang mga kasamahan niya'y may gamit na hose para sa pang-disinfect ng mga pampublikong lugar.

Ininspeksyon din ni Angelika ang ilang mga eskinita roon.


Paliwanag pa ni Angelika, tatlong araw na siyang naglilibot sa Barangay Longos, Malabon.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Angelika (published as is):

"Hindi porket hindi ako nagpopost ng pictures and videos wala kaming ginagawa ..

"I understand na lahat tayo nagaalala at kinakabahan kaya emotional tayo sa mga nangyayri Sa bansa natin

"pero pakiusap sana bago kayo manira alamin nyo muna ang totoo [peace emoji]"

Umapela rin si Angelika na sana ay maintindihan ng kanyang mga nasasakupan kung hindi man siya makapag-house-to-house visit.

Pagpapatuloy ni Angelika:

"and paglilinaw lang sa mga hindi nakaintindi Sa post ko na Yes hindi po kami nagbabahay bahay na parang election na kumakamay at nag bebesobeso sa lahat

"dahil totoo na we need social distancing at dapat daw wag masyado lumapit Sa tao

"pero nagiikot kami para mag disinfect at nagtatrabaho kaming lahat sa barangay."

Continue reading below ↓

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz to netizen accusing her of not doing her duties as barangay captain of Longos, Malabon City amid COVID-19 pandemic (published as is): "Hoy mas gaga ka... Bash ka ng bash mali naman ang information mo."
PHOTO/S: @angelikadelacruz Instagram / @angelicadlcrz_ Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results