Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Angeline Quinto opens up about recent heartbreak with non-showbiz guy; reveals real score with mystery guy

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2020
Aside from opening up about her recent heartbreak with a non-showbiz guy, Angeline Quinto speaks up about the mystery guy she greeted on Instagram account a few days ago.
PHOTO/S: Instagram

“Hindi ko po alam na may anak at ka-live in.”

Ito ang pahayag ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto, 30, hinggil sa isang non-showbiz guy na naging dahilan ng kanyang recent heartbreak.

Ibinunyag ito ng singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Instagram direct messaging nitong Martes, March 17.

Noong March 16, Lunes, nag-message ang PEP.ph kay Angeline upang tanungin tungkol sa mystery guy na ipinost niya sa Instagram noong weekend.

May ilang netizens kasi ang naintriga at nag-akalang ito na ang boyfriend ni Angeline.

Kinabukasan, sumagot si Angeline sa amin.

Pero sa palitan namin ng mensahe, umamin ang singer tungkol sa kanyang recent heartbreak.

Iba pa ito sa tinatanong naming mystery guy na ipinost niya sa Instagram kamakailan.

“Honestly, hindi ko pa po kayang magkaroon ng relationship dahil, recently, medyo nasaktan din po ako sa isang guy.

"Pero ayoko na rin po open yun," sabi ni Angeline.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, hindi naging madamot si Angeline sa ilan naming katanungan tungkol sa lalaking dahilan kung bakit siya heartbroken.

“Non-showbiz din po yun, at hindi ko po alam na may anak at ka-live in,” pagbubunyag niya.

“So nung nalaman ko, medyo dumistansiya na po ako. Mahirap na po, e.”

Inamin ng singer na nasa mutual understanding o M.U. stage na sila ng tinutukoy niyang lalaki.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon kay Angeline, dalawang buwan na silang mag-M.U. nang nalaman niyang may kinakasama na pala ang lalaki at may anak na sila.

“Then, last week ng February, nag-stop na po.”

Pero ang mas masakit daw kay Angeline, sa mga kaibigan pa niya nalaman ang tungkol sa estado ng lalaki.

Itinago raw ng kanyang ka-M.U. ang tungkol sa pamilya nito.

“Dun ako medyo nasaktan,” mensahe ni Angeline sa PEP.ph.

Mas pinili raw ni Angelina na layuan ang lalaki dahil ito ang tamang gawin.

“Kung sarili ko lang po ang iisipin ko, puwedeng-puwede naman, magiging masaya din ako.

Continue reading below ↓

"Pero yung may iiwanan siya, hindi ko kaya.

“Alam ko naman na mas tama yung ginawa ko, na pinabalik ko siya sa family niya, at ayokong may iiwanan siya dahil sa akin.”

ANGELINE ON MYSTERY GUY

Nilinaw rin ni Angeline ang ugnayan niya sa mystery guy na kanyang ipinost sa Instagram noong weekend.

Lumalabas na birthday post ito ni Angeline sa lalaking nagngangalang Chris Marcos Chan, pero naka-private ang Instagram account nito.

Tila stolen shot ang kuha sa lalaking naka-shades at nakasandal sa isang magarang dilaw na kotse.

Simpleng caption ni Angeline: Happy Birthday. God bless you”

Komento ng lalaki: “Thank you so much @loveangelinequinto.. made my day extra special [praying hands, heart emojis]”

Continue reading below ↓

Naintriga ang ilang netizens, at tinanong si Angeline kung sino ang lalaki.

Ang iba naman, tinanong kung ito na ba ang special someone o boyfriend ni Angeline.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Angeline sa PEP.ph ang ugnayan niya kay Chris.

“Actually, matagal ko nang kilala si Chris, pero hindi ko po siya boyfriend.

“Sweet lang talaga yung tao at naa-appreciate ko naman po yun, at kilala din naman po siya ni Mama Bob” pagtukoy ni Angeline sa kanyang guardian.

May “romantic” ba sa kanila ni Chris?

Continue reading below ↓

“Konti po ahahahaha!” makahulugan niyang sagot.

Pero pagbawi ni Angeline, “Pero sa ngayon, talagang magkaibigan lang po kami.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from opening up about her recent heartbreak with a non-showbiz guy, Angeline Quinto speaks up about the mystery guy she greeted on Instagram account a few days ago.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results