Ilang Kapuso Stars at ang kanilang pinagkakaabalahan habang may community quarantine

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 18, 2020
Habang nakababa sa buong Luzon ang Enhanced Community Quarantine, ito muna ang pinagkakaabalahan sa bahay ng Kapuso stars na sina (upper left) Joyce Ching (with husband Kevin Alimon), Juancho Trivnio at Joyce Pring (upper right), Ken Chan (lower left), at Sofia Pablo (lower right).
PHOTO/S: @chingjoyce / @juanchotrivino / 24 Oras, GMA-7 / @sofiapablo

Sa kabila ng pagsunod sa nakababang enhanced community quarantine sa buong Luzon, naging productive pa rin ang ilang Kapuso stars habang nasa loob ng kani-kanilang bahay.

Video: GMA News.

Katulad na lang ng mga newlyweds na sina Joyce Ching-Kevin Alimon at Joyce Pring-Juancho Trivino.

Sina Kevin at Joyce, nag-prayer vlog sa kanilang Instagram account. Paraan daw nila ito para makapagbigay-pag-asa sa mga fans at kababayan nilang pinanghihinaan ng loob sa panahon ngayon.

Sina Juancho at Joyce naman, hindi nakalimot sa pag-attend sa kanilang church, pero ginawa na lang nila ito sa pamamagitan ng livestream worship.

Hinikayat ni Joyce ang kanilang followers na bigyang-pansin din ang pangangailangang-pangkaluluwa sa mga panahong ito.

Sina Ken Chan at Sofia Pablo, nagpaunlak ng online interviews.

Sabi ni Ken, bukod sa pag-aalaga sa katawan para hindi madapuan ng sakit, dapat din daw alagaan ang faith o paniniwala sa Panginoon.

Si Sofia, kahit miss na miss na ang kanyang Prima Donna stars, kailangang sundin ang community quarantine at social distancing kaya't habang nasa bahay, inaabala niya raw ang sarili sa pag-aaral, pag-eehersisyo, at pagtulong sa mga gawaing bahay.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang nakababa sa buong Luzon ang Enhanced Community Quarantine, ito muna ang pinagkakaabalahan sa bahay ng Kapuso stars na sina (upper left) Joyce Ching (with husband Kevin Alimon), Juancho Trivnio at Joyce Pring (upper right), Ken Chan (lower left), at Sofia Pablo (lower right).
PHOTO/S: @chingjoyce / @juanchotrivino / 24 Oras, GMA-7 / @sofiapablo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results