UPDATE: How ABS-CBN News is dealing with COVID-19 threat? Karen Davila describes work setup

by Arniel C. Serato
Mar 18, 2020
Headstart and Bandila anchor Karen Davila: "Anchors, reporters, staff are assigned days to come in for their own safety while keeping the number of the people in the office down to a bare minimum."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / ABS-CBN News on Facebook

Kanya-kanyang precautionary measures ngayon ang malalaking kumpanya upang hindi na lumala ang paglaganap ng COVID-19.

Higit pa rito, mas lalong nag-iingat ang frontliners dahil kailangan nila ang malusog na pangangatawan upang matugunan ang mga nangangailangan ng tulong ngayong may COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Kabilang sa mga itinuturing na frontliners ay ang medical staff, pulis at sundalo, local and national officials, pati na ang media.

Simula March 18, ang ABS-CBN News ay nagsagawa ng mga pagbabago sa operations nito.

Ang Ibig sabihin, hindi lahat ng mga empleyado ay pinapapasok sa trabaho para na rin sa kaligtasan nila.

Ayon sa Facebook post ni Regina Reyes, ang head of integrated news and current affairs:

"We are deeply committed to bringing our audience the latest news and information on the COVID-19 pandemic. However, the threat of this health crisis and the limitations of the Luzon-wide quarantine have posed real challenges to our news organization.

Continue reading below ↓

"As we continue with our mission to serve, we also need to look after the health and safety of our frontline journalists, anchors, editors, producers, staff and crew.

"Please bear with us as we pool our resources to adjust our news programming for all our platforms during this period. Thank you! #COVID19PH #COVID19Quarantine #intheserviceoftheFilipino"

Sa katunayan, ang mga programang napapanood sa ABS-CBN News Channel o ANC ay ang coverage ng DZMM Teleradyo.

Ang ABS-CBN News ang isa sa pinakamalaking news organizations sa bansa.

KAREN DAVILA'S DAY OFF

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong umaga, March 18, inilarawan ng ABS-CBN News anchor na si Karen Davila ang kanilang work setup.

Si Karen ang host ng ANC program na Headstart.

Lahad ni Karen, “Rare mornings like this (coffe mug emoji)

"I am usually running out of the house every morning for #ANCHeadstart but for the safety of its employees, ABSCBN News is now running on skeletal mode with programs interlocking on all platforms.

Continue reading below ↓

“Our Rockwell studio is also temporarily closed.

“Anchors, reporters, staff are assigned days to come in for their own safety while keeping the number of the people in the office down to a bare minimum. (praying hands emoji)"

Pagbabahagi pa niya, “Like many of you, I am not used to NOT working. Working is our life.

"But this has also made me reflect on how fragile life is for all of us, how our enemy is invisible and not each other (praying hands emoji)

“Will be back on air tomorrow, Thurs 730-9am for our #covid19PH coverage.

“Stay safe everyone. Dont give in to fear (praying hands emoji)”

Continue reading below ↓

TV PATROL CONTINUES TO AIR

Isang follower ni Karen ang nagtanong tungkol sa iba pang news programs ng ABS-CBN.

Sabi ng isang netizen, “Hi Ms. Karen, Pero may TV Patrol po mamya? And yung program nyo before TV patrol?”

Tugon ng news anchor, “Hi po! Yes may TVPatrol later and it will even be replayed Bandila time.

“Unfortunately, cancelled ang 10 min Covid breaking news natin before TVP.

“Talagang consolidated po lahat ng shows and programming para konti ang tao sa loob ng newsroom (three praying hands emojis)”

Continue reading below ↓

Bago pa ito, ipinatupad ng ABS-CBN entertainment division ang pagtigil sa taping ng kanilang mga teleserye at live shows upang maiwasan ang interaksiyon ng mga tao.

Pansamantala nilang ibinalik ang mga lumang teleserye at iba pang programa bilang kapalit ng existing programs.

Ganito rin ang ginawa ng GMA-7.

Ito ay bilang pagtugon na rin sa social distancing na ipinatutupad ngayon ng Department of Health.

Samantala, 24 oras namang mawawala sa ere ang CNN Philippines dahil kasalukuyang dini-disinfect ang building na kirnaroroonan ng kanilang hearquarter.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado mula sa ibang opisina.

(Note: The official statement of Regina Reyes, head of integrated news and current affairs, has been added to this article)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Headstart and Bandila anchor Karen Davila: "Anchors, reporters, staff are assigned days to come in for their own safety while keeping the number of the people in the office down to a bare minimum."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results