Noli de Castro's "unsolicited advice" to Pasig Mayor Vico Sotto seen as a putdown

by Rachelle Siazon
Mar 18, 2020
Netizens react to TV Patrol news anchor Noli de Castro (left) trying to "school" Mayor Vico Sotto about mode of transportation in Pasig City amid COVID-19 outbreak.
PHOTO/S: CTTO / Jeff Canoy Twitter

"ANONG MALI SA TRIKES?? MAY NAISIP BA KAYONG ALTERNATIVE WAY? WALA DIBA??"

Ito ang himutok ng ilang netizens na nanggigil sa pagpuna ni TV Patrol news anchor Noli de Castro, 70, sa diskarte ni Pasig City Mayor Vico Sotto, 30.

Kaugnay ito ng pagpayag ni Vico na bumiyahe ang mga tricycle sa nasasakupang lugar, sa kabila ng utos ng gobyerno na tigil-pasada para sa lahat ng public utility vehicles.

Sa ABS-CBN primetime newscast ngayong Miyerkules ng gabi, March 19, umere ang panayam kay Vico sa first gap pa lang ng programa.

Umapela ang alkalde tungkol sa tricycle drivers ng Pasig City na tiniketan ng awtoridad kaninang hapon.

Pahayag ni Vico: "Nakikiusap po ako sa ating nasyonal na pamahalaan. Baka naman po puwedeng bigyan ng konsiderasyon yung tricycle

"Hindi na po para sa tricycle driver, hindi na po para sa tricycle driver. Para po sa public health and safety.

"Dahil ako po, sa risk assessment na ginawa namin, kapag hindi po natin pinayagan ang mga tricycle, mas marami pong mamamatay."

Continue reading below ↓

Ito ay para raw sa kapakanan ng mga residenteng may importanteng lakad pero walang sariling sasakyan.

"Iyong mga kailangan magpa-dialysis, yung mga post surgery po na kailangan po pumunta ng ospital.

"Paano po sa Manggahan nakatira, nasa PCGH [Pasig City General Hospital] yung doctor niya? Nandun yung medical records niya? Paano siya pupunta dito?"

Bago matapos ang ulat ng ABS-CBN news reporter na si Jeff Canoy, nagkomento si Noli na may designated bus ang gobyerno para magamit na transpo ng iba't ibang lungsod ng Metro Manila.

Nabanggit na baka raw kasi maging precedent sa ibang lungsod sa Metro Manila sakaling payagan sa Pasig City ang pagpasada ng tricycle drivers.

Ani Noli, "baka hindi alam" ni Vico na puwede nitong i-avail ang mga designated bus para sa Pasig City.

Hindi nakaligtas sa mga manonood ang "payo" ni Noli kay Vico at agad itong kumalat sa Twitter.

Nasa top trending list pa rin kasi si Vico, at sumunod na si Noli dahil sa komento niya sa TV Patrol.

Continue reading below ↓

Umalma ang netizens dahil tila pinagmumukha raw ignorante ni Noli si Vico.

Gayong una na raw naipaliwanag ni Vico na nagsagawa ng "risk assessment" ang lokal na pamahalaan ng Pasig City na mas malaki ang panganib para sa mga nasasakupan niya kung hindi niya payagang pumasada ang mga tricycle.

NETIZENS' REACTIONS


Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"ANO NAGAWA MO SA BAYAN?"

Nabatikos din si Noli ng ibang netizens na naikumpara ang pamumuno niya bilang vice president noong 2004 hanggang 2010 sa performance ni Vico mula nang manalo ito bilang alkalde noong 2019 elections.

Continue reading below ↓

TRYING TO PUT VICO DOWN?

Sabi pa ng iba, baka inggit lang daw ang iba kay Vico dahil "masyadong ginalingan" ang pamumuno nito bilang mayor ng Pasig City.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NOLI'S ADDITIONAL REPORT

Sa huling bahagi ng TV Patrol, biglang inere ang karugtong ng panayam ni Jeff Canoy kay Vico.

Inulat ni Noli ang tungkol sa apela ni Vico na payagan ang tricycle drivers na pumasada sa "loob-looban" ng Pasig City.

Napuna ng netizens na tila nakarating kay Noli ang negative feedback tungkol sa kanya at "bumabawi" kay Vico.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to TV Patrol news anchor Noli de Castro (left) trying to "school" Mayor Vico Sotto about mode of transportation in Pasig City amid COVID-19 outbreak.
PHOTO/S: CTTO / Jeff Canoy Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results