QC Mayor Joy Belmonte quashes chatter that she's hiding during COVID-19 crisis

by Rachelle Siazon
Mar 19, 2020
"Umasa ang mga mamamayan natin na aktibo tayong kumilos," says QC Mayor Joy Belmonte, in response to criticisms of her handling of the COVID-19 outbreak. Right photo shows screenshot of checkpoints in areas declared as "hot zones" and "hospital quarantines."
PHOTO/S: @mayorjoybelmonte Instagram

Hindi totoo ang "tsismis."

Pinabulaanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, 50, ang usap-usapang nagtatago siya at hindi mahagilap habang ang mga constituent niya ay nangangamba dahil sa COVID-19.

Sa social media, may comments mula sa netizens na ganito: "Finding Mayor Joy Belmonte where na u?"

May memes din kunsaan naikukumpara si Mayor Joy sa ibang alkalde na hinahangaan dahil ramdam daw ang malasakit ng mga ito sa mga nasasakupang lugar.

Kalmadong hinarap ni Mayor Joy ang isyu sa kanyang presscon nitong Miyerkules ng hapon, March 18.

"Ako ang inyong punong-lungsod.

"Ako ang ina ng Lungsod Quezon at hindi ko po pababayaan ang mga mamamayan ng Lungsod Quezon."

Dagdag niya, "Umasa ang mga mamamayan natin na aktibo tayong kumilos.

"Bagkus, hindi tayo mahilig mag-post, pero tayo po ay kumikilos para sa kapakanan ng sambayanan ng Lungsod Quezon."

Sinagot ni Mayor Joy ang pasaring ng netizens tulad ng mga sumusunod:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

29 COVID-19 CASES

Pagkatapos ay detalyadong inihayag ni Mayor Joy na mayroon nang 29 cases na positibo sa novel coronavirus disease, o COVID-19, as of March 18, sa Quezon City.

Tatlo rito ay mula sa Barangay Bagong Lipunan sa Crame at may tatlo ring kaso sa Barangay Kalusugan. May dalawa ring kaso sa Barangay Old Balara.

Sa 29 cases, tatlo na raw ang gumaling.

Isa roon ay nakatira sa Barangay Paligsahan.

Ang dalawa pang kaso na gumaling ay magkapatid, isang 13-year-old teen at isang 26-year-old male, mula sa Barangay Lipunan ng Crame. Ang ina ng magkapatid ay naiwan pa raw sa Quirino Memorial Hospital.

Dagdag ng Quezon City mayor: "Ako ay nalulungkot na banggitin na may isa na tayong kaso na sumakabilang-buhay.

"Ito ay isang shop owner ng Greenhills shopping center. Siya ay nakatira sa Barangay Matandang Balara."

Negatibo naman daw sa COVID-19 ang mga nakahalubilo ng pumanaw na COVID-19 patient.

Continue reading below ↓

Sa datos pa rin ng Quezon City, ang bilang naman ng persons under investigation (PUIs) ay 16 at ang persons under monitoring ay 54.

Tinatayang 15 percent ng kabuuang bilang ng 187 COVID-19 pasyente sa bansa ay nasa Quezon City.

NO CITYWIDE LOCKDOWN, BUT "HOT ZONES" IDENTIFIED

Sa public advisory ng Malacañang, nakasaad na dapat magpatupad ng citywide quarantine sa oras na magkaroon ng "at least two positive COVID-19 cases" mula sa magkaibang barangay sa iisang lungsod.

Pero hindi raw iyon applicable sa Quezon City, "kasi it's much larger than a regular city," at bukod-tangi raw itong mayroong anim na congressional districts.

Dagdag ni Belmonte, "None of our double cases in one barangay belong to a single district."

Sa halip, ipatutupad ang "extreme enhanced quarantine" para sa mga piling lugar na natukoy na "hot zones."

HOT ZONES & WARM ZONES

Si QC Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Chief Michael "Mike" Marasigan ang nagpaliwanag ng procedures para sa natukoy na hot zones.

Continue reading below ↓

Ang "hot zone" ay ang mismong bahay ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Hindi na papayagang lumabas ng bahay ang household members nito.

Tanging delivery ng supplies para sa household members ang papayagang mag-drop off, pero sa labas ng bahay lang at walang contact sa nakatira rito.

Tatawagin namang "warm zone" ang 500 meter perimeter radius mula sa hot zone. Ito ay para masigurong maiiwasan ang contact sa mga taong naroon sa hot zone.

May quarantine checkpoints at 24/7 surveillance rin sa lugar. Hindi basta makakapasok ang kotse at may screening sa mga taong dadaan sa checkpoints.

Tanging health workers na titingin sa pasyente at person delivering supplies ang papayagang makapasok sa area.

Ang isang "gated subdivision" sa Barangay Kalusugan at isa pang "exclusive subdivision" sa Barangay Tandang Sora ang natukoy na hot zones.

Continue reading below ↓

HOSPITAL QUARANTINES & ROAD CLOSURES

Ang primary hospitals sa Quezon City ay sasailalim din sa istriktong quarantine.

Ito ay upang proteksyunan ang frontliners—ang health workers—na direktang nakakahalubilo ng COVID-19 patients na naoospital.

Partikular na rito ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney Medical Center, Philippine Heart Center, at St. Luke's Medical Center.

Ang papayagan lang na magtungo sa ospital ay persons in need of care, health workers, person delivering essential supplies, family member of patient confined in the hospital. Hanggang two caretakers ng pasente ang maaaring manatili sa ospital.

Sa bandang East Avenue Medical Center, isasara ang Elliptical Road hanggang BIR Road.

Ibig sabihin, sarado ito sa mga kotse. Ang tanging makakadaan ay ang mga nabanggit na essential people na puwedeng magtungo ng ospital.

Ang daan na ito ay patungo rin sa Lung Center at Philippine Heart Center.

Continue reading below ↓

Sa St. Luke's, isasara ang bahagi ng E. Rodriguez Avenue mula sa Trinity College hanggang sa stoplight sa bandang McDonald's at KFC fastfood restaurants.

Mayroon ding surveillance team na magbabantay sa ingress at egress ng St. Luke's para siguruhing di makakalusot ang mga non-essential people sa lugar.

Sa Quirino Memorial Medical Center, walang isasarang daanan. Ngunit lalagyan na ng checkpoint sa entrance ng ospital.

Continue reading below ↓

Ayon kasi kay Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, apat na medical doctors sa lungsod ang positibo na sa COVID-19.

Isa raw rito ay may history of travel abroad, pero ang tatlo pa ay dinapuan ng virus dahil sa exposure sa COVID-19 patients.

Kaya sa tulong ng kapulisan mula Quezon City Police District, lalagyan ng checkpoints sa nabanggit na lugar para siguruhing ma-screen ang mga maaaring maglabas-pasok sa ospital.

Sa gayon, maiiwasan ang posibleng community transmission ng virus.

March 19 ng 6 a.m. snsimulan ipatupad ang hospital quarantine, select road closures, at hot zones sa Quezon City.

Continue reading below ↓

QCPD Chief Police Brigadier General Ronnie Montejo, DRRM Chief Michael "Mike" Marisagan, Mayor Joy Belmonte, DILG Under Secretary Bernardo Flores Jr., and Dr. Rolly Cruz.

FOOD PROVISIONS FOR "DISPLACED FAMILIES"

Para matigil ang kanyang detractors, inisa-isa na ni Mayor Joy Belmonte ang mga "aksyon" na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City para sugpuin ang krisis.

Umabot daw sa 400,000 ang displaced families na nawalan ng pangkabuhayan sa Quezon City dahil sa COVID-19 pandemic.

Sabi ng alkalde: "Tayo ang pinamalaki at pinakamaraming kailangang susustentuhan in the next few weeks leading up to April 12."

Nakiusap siya sa mga kapitan ng 142 barangays sa Quezon City na kunin muna sa kani-kanilang quick-response funds ang pambili ng food provisions para sa kani-kanilang barangay ngayong Linggo.

Simula March 20 hanggang March 27: "Quezon City [government] will be able to provide food for these 400,000 families."

Ganun din daw sa week mula March 30 hanggang April 5.

Continue reading below ↓

Sa "fourth week" ay magkukulang na raw ang pondo ng lungsod na nakataya sa PHP400 million.

Kaya para sa April 6 hanggang April 12, kailangan na raw nila ng tulong na food provisions mula sa Department of Social Welfare and Development at sa national government.

Narito ang iba pang ini-report ni Mayor Joy na ipinatupad ng kanyang lokal na pamahalaan sa Quezon City:


SECURITY measures

  • Checkpoints at three key points coming from Region 4A
  • Enchanced community quarantine multiple cases of COVID-19
  • Hotline 122 for COVID-19 queries and emergency response team (increased number of call center agents and on-call doctor who can diagnose symptoms of COVID-19)

HEALTH measures

  • Free transportation (buses and shuttles for government and private health workers)
  • Implementation of skeletal work force
  • Secured 100 rooms at unnamed hotel for health workers' temporary residence
  • 49 rooms at unnamed hotels as quarantine facility for PUIs starting March 19
  • Designated schools as additional quarantine facility if necessary
  • Set up barangay isolation wards
  • Set up barangay health emergency response teams (including ambulance for each of the 142 barangays in QC
  • Trained barangay officials on how to implement home quarantine procedures
  • Disinfect city hall compounds, all public schools, some private schools, condo buildings, and select public places
Continue reading below ↓

OTHER SPONSORSHIPS

  • Sponsored partitioned tents and cremartory services at Philippine Heart Center
  • Sponsored crematory services at Philippine Lung Center
  • Distributed health kits and care packs for 100,000 families at barangay level
  • Packed food for displaced workers and families
  • Secure food donations from private sectors

LEGISLATION AND EXECUTIVE ORDERS

  • Incident command system (12 clusters for various concerns led by DRRM Chief Mike Marasigan)
  • First city to declare "state of calamity" to access quick-response funds for necessary equipment and food privisions.
  • Issued guidelines about enhanced community quarantine (i.e. indicating establishments that will remain open)
  • Executive order for emergency measures prohibiting hoarding and overpricing during COVID-19 pandemic

OTHER MEASURES

  • Extended tax deadlines (real property tax and business tax with accompanying incentives to be granted)
  • Halted constructions
  • Work-from-home policy for City Hall employees (ensured both plantilya and contractual employees will receive salary)
  • Shelter for City Hall personel who cannot go home but needed as skeletal work force
  • Vehicles to carry City Hall personnel and other services
  • Road clearing infrastructure
  • Ensure compliance to measures set up by Inter-Agency Task Force for COVID-19 outbreak
    HOT STORIES
Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Umasa ang mga mamamayan natin na aktibo tayong kumilos," says QC Mayor Joy Belmonte, in response to criticisms of her handling of the COVID-19 outbreak. Right photo shows screenshot of checkpoints in areas declared as "hot zones" and "hospital quarantines."
PHOTO/S: @mayorjoybelmonte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results