Vico Sotto ignores trolls; Ethel Booba slams a Mocha Uson criticizing Pasig mayor

by Rachelle Siazon
Mar 19, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto on trolls spreading hate against him on social media: "Lahat na lang gusto nilang gawin politika. We are just trying to do our best to SAVE LIVES."
PHOTO/S: @vicosotto Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Aminado si Pasig City Mayor Vico Sotto na marami ang bumabatikos sa diskarte niyang payagan ang tricycle drivers pumasada sa siyudad.

Ito ang nakitang solusyon ni Vico para matugunan ang pangangailan ng mga kailangang magpa-ospital, pero walang access sa private vehicles.

Para rin daw sana ito sa health workers at ibang essential personnel na hindi maka-avail ng #LibrengSakay sa Pasig, o hindi makakapunta sa piling bus stops para sa mga pasaherong exempted sa quarantine.

Pero hindi ito pinayagan ng national government.

May ilan pang government officials ang bumatikos sa apela ni Vico.

Bakit hindi na lang daw niya tularan ang ibang lungsod na gumagamit ng shuttle/bus services para sa mga kailangan talagang bumiyahe sa Pasig City?

Pinuntirya rin si Vico sa social media at tinawag na "pabebe" at "madaming hanash."

UNFAZED VICO

Nakarating ito kay Vico dahil sa isang netizen na nag-comment sa Facebook account ng alkalde, Huwebes ng umaga, March 19.

Continue reading below ↓

Sabi ng netizen: We love you, mayor! Huwag papa-apekto sa mga bashers & trolls.

"Hayaan mo lang sila at kami na bahalang mag-defend sa yo.

"Kahit mga hindi taga-Pasig suportado ka. We got your back, Mayor."

Ipinagkibit-balikat ni Vico ang paninira ng "trolls."

Pahayag ng alkalde: "Wala po kaming panahon makipaglaban sa mga trolls at paninira.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Lahat na lang gusto nilang gawin politika.

"We are just trying to do our best to SAVE LIVES."

Ayaw na raw niyang patulan ang "trolls" na panay ang tirada sa kanya.

"Alam nyo naman po wala akong troll farm.

"Kayo na po bahalang tulungan ang pasig para di mabahala/malito ang mga pasigueno sa mga trolls. SALAMAT PO."

Continue reading below ↓

MOCHA'S REPOST

Lumalabas na ni-repost ng vlogger na si Mocha Uson sa kanya namang sariling Facebook account ang pambabatikos kay Vico ng isang netizen.

Ang sabi ng netizen ay "pabebe, madaming hanash, at sablay" ang diskarte ni Vico sa Pasig City.

Ang "pabebe" raw ni Vico ay pagsabi sa tweet nito na hindi siya nakatulog sa pagdarasal na payagan ng national government ang pagpasada ng mga tricycles sa Pasig.

Dagdag ng netizen, dapat daw ay supalpalin si Vico ng mandato na tigil-pasada ang mga mass transportation, kabilang na ang mga tricycle.

Continue reading below ↓

ETHEL TO THE RESCUE

Dinepensahan ng comedienne na si Ethel Booba si Vico.

May nag-tag kasi kay Ethel sa isang tweet ng netizen na nagsasabing "may katangahan" na ginawa si Mocha sa pambabatikos nito kay Vico.

Banat ni Ethel: "Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!"


Sabi pa ng comedienne, "Mga virus lang ang galit sa magandang ginagawa ni Mayor Vico Sotto para sa kaligtasan ng nasasakupan nito sa Pasig City. Charot!"

Continue reading below ↓

Sinasabi ng mga kontra kay Vico na mawawalan daw ng saysay ang paglimita sa mga motoristang nagkalat sa daan kung papayagan ang mga tricycle na pumasada.

Sagot dito ni Ethel, masusunod pa rin ang social distancing measures kung isa-isa lang ang pasahero sa tricycle.

Suggestion ni Ethel, "Put plastic cover between side car and motorcycle.

"Make sure na may suot na mask ang pasahero at driver.

"Dapat one passenger allow lang sa side car at bawal ang pasahero sa likod ng driver.

"Pwede pa din naman ang social distancing sa tricycle. Charot!"


Continue reading below ↓

#PROTECTVICO

Mabilis ding rumesponde ang netizens na sumusuporta kay Vico.

Muling nabuhay ang memes ng eksena sa pelikulang Four Sisters And A Wedding, kunsaan sinabunutan at kinaladkad ng karakter ni Angel Locsin ang karakter na ginampanan ni Mocha.

Sa pelikula, magkakapatid sina Angel, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga, aka Salazar sisters. Gumanap na nanay nila si Coney Reyes.

Sa tunay na buhay, si Vico ay anak ni Coney kay Vic Sotto.

Kaya biro ng netizens: "DO NOT MESS WITH THE SALAZARS, MOCHA OR ELSE, HISTORY WILL REPEAT ITSELF. #ProtectVico"

Sa kaso ng paninira ni Mocha kay Vico, ang supporters daw ng alkalde ang magsisilbing "Salazar sisters" na bubuwelta sa vlogger-dancer.



Continue reading below ↓

ON HATE CAMPAIGN AGAINST VICO

Sabi pa ng supporters ni Vico, kahina-hinala ang paglunsad ng hate campaign laban kay Vico gayong ginagawa lang nito ang trabaho bilang alkalde.

Kaya lalong nag-trend sa Twitter ang "#ProtectVico" kasabay ng "Ethel Booba" at "Mocha Uson."



Continue reading below ↓

Matapos ang ilang oras, naglabas ng statement si Mocha sa kanyang Twitter account.

Tinawag ni Mocha na "fake news" ang hindi niya pagpabor kay Vico.

Hindi raw siya ang personal na umatake kay Vico dahil ibang "admin" umano ang may hawak ng Mocha Uson Blog Facebook account.

Tweet ni Mocha: "FYI, Mocha Uson Blog FB page is now composed of different bloggers and admins.

"We practice free speech though we differ in opinions on different matters.

"So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin.

"I hope this clears everything."

Ganunpaman, ayaw itong paniwalaan ng netizens dahil gamit ang pangalan ng vlogger-dancer sa naturang Facebook page.


Continue reading below ↓

DIFFERENCE BETWEEN TRIKES AND E-TRIKES?

Sa kabila ng pagnanais ni Vico na pumasada ang mga tricycle sa ngalan ng "public health at safety," siniguro niyang susunod siya sa gusto ng national government.

Hahanap din daw siya ng ibang paraan para matugunan ang pangangailangan ng mga nasasakupan.

Pero may mga netizens ang pumuna na si Manila Mayor Isko Moreno ay nag-deploy ngayon ng 189 na e-trikes para masakyan ng health workers papunta sa kanilang mga ospital sa Manila.

Tanong ng netizens: "Ano ang pinagkaiba ng tricycle sa e-trikes? Kay Isko puwede, kay Vico hindi?"

Bakit daw tila may "favoritism" sa pagpayag sa Maynila at hindi sa Pasig City.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto on trolls spreading hate against him on social media: "Lahat na lang gusto nilang gawin politika. We are just trying to do our best to SAVE LIVES."
PHOTO/S: @vicosotto Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results