Coney Reyes pleased about son Vico Sotto's good humor on the job as mayor: "Mana sa ama!" 

by Rachelle Siazon
Mar 20, 2020
Proud mom Coney Reyes commends not only her son Vico Sotto but his teammates "who "tirelessly work alongside" the Pasig City Mayor. Vico has been earning praises from netizens for his handling of COVID-19 concerns.
PHOTO/S: @vicosotto Instagram / CTTO Twitter

"Mana sa ama!"

Ito ang pahayag ni Coney Reyes nang makita ang kuwelang video ni Pasig City Mayor Vico Sotto nang pumasok ito sa City Hall noong Huwebes ng umaga, March 19.

Makikita sa video na dumaan si Vico sa disinfection protocol bago makapasok ng City Hall ng Pasig.

Naka-arms sideward at nakatalikod siya habang may nag-spray sa kanya ng disinfectant.

Nakatanggal din ang sapatos ni Vico para pati paa niya ay malagyan.

Pero pagkatapos na ma-disinfect, humarap si Vico at nag-spray ng alcohol sa taong nag-screen sa kanya

Sabi ni Vico, "Ikaw naman."

Nagtawanan ang mga kasamahan ni Vico sa City Hall na tila sanay na sa kakulitan ng binata.

Bilang ina, ikinatuwa ni Coney na makitang positibo ang disposisyon ng anak sa kabila ng pagiging abala ni Vico sa trabaho.

Si Vico ay anak ni Coney, 65, kay Vic Sotto, 65.

"I thank God for his sense of humor (which I’m sure he got from his Papa) amidst all that we are experiencing as a people... as a nation," saad ni Coney patungkol sa anak.

Continue reading below ↓

Proud mom din si Coney dahil sa pagiging hands-on ni Vico at ng team nito sa pagsugpo sa COVID-19 sa Pasig City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico!

"Bilib ako sa inyo! Maraming Salamat sa walang patid na tulong at suporta!

"God is your ultimate Rewarder!"

Tila nakarating din kay Coney na marami ang humahanga kay Vico sa mabilis nitong pagresponde sa krisis.

"I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team!"

Dasal pa ni Coney, "God bless us all and keep us in His loving care. God is our Refuge and Strength!

"Our ever-present help in times of need! Mga kapwa Filipino! Stay strong! Konti nalang ito, di ba Lord?!"

Continue reading below ↓

Una nang ibinahagi ni Vico sa kanyang Instagram Stories ang masusing disinfection protocol para sa skeletal work force o essential personnel na pumapasok sa Pasig City Hall.


Bukod raw kay Vico, pati ang isa niyang kasamahan ay nagbirong "nilinis muna ang buong pagkatao" sa pagdaan sa disinfection.

Natawa naman si Vico sa joke na iyon.

Continue reading below ↓


NETIZENS supporting VICO

Nitong nagdaang tatlong araw ay consistent na nag-trend ang pangalan ni Vico sa Twitter.

Noong Miyerkules, March 18, humanga ang netizens sa malasakit ni Vico sa nasasakupang lugar.

Sinubukan noon ni Vico na payagan ang pagpasada ng tricycle sa Pasig City para maghatid ng mga residenteng kailangang pumunta ng ospital pero walang sariling sasakyan.

Continue reading below ↓

Lumabas daw kasi sa "risk assessment" na may mga loob-loobang lugar sa Pasig City na hindi maseserbisyuhan ng malalaking sasakyan.

Noong araw ding iyon nabalita ang pagbili ng tatlong MG-1P drone na may spray system para sa safe at mabilis na pag-disinfect sa mga lugar sa Pasig City.

"#PROTECTVICO, #VIVICO"

Noong Huwebes, March 19, nag-trend naman ang "#ProtectVico" nang ipagtanggol si Vico ng netizens laban sa mga paninira sa binatang alkalde.

Naiulat din ang hindi pagpayag ng national government sa proposal ni Vico na magpasada ang mga tricycle.

Kontra raw ito sa transportation ban na ipinatutupad kaugnay ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Bandang hapon, siniguro ni Vico na susunod siya sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government na "be more creative" sa paghanap ng transportation means sa Pasig.

Ngayong araw, March 20, nag-trend ang "ViVico" dahil sa patuloy na pagdagsa ng supporters ng Pasig Mayor.

Continue reading below ↓

Nito ring araw inilunsad ng Pasig City ang paggamit ng COMET electric vehicles, o eco-friendly buses, bilang shuttle service ng frontliners sa kanilang lugar.

Mayroong ding pinagamit ang pamahalaan ng Pasig na "bike share units" para sa "frontline personnel" ng Pasig City General Hospital at iba pang healthworkers sa lugar.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud mom Coney Reyes commends not only her son Vico Sotto but his teammates "who "tirelessly work alongside" the Pasig City Mayor. Vico has been earning praises from netizens for his handling of COVID-19 concerns.
PHOTO/S: @vicosotto Instagram / CTTO Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results