Nora Aunor prays for ex-husband Christopher de Leon’s speedy recovery from COVID-19

by Arniel C. Serato
Mar 20, 2020
Superstar Nora Aunor on ex-husband Christopher de Leon testing positive for COVID-19: "Alam kong malulusutan niya ano mang nangyayaring pagsubok na ibinibigay ng Diyos sa kanya ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Isa si Superstar Nora Aunor, 66, sa labis na nalungkot sa balitang positibo sa COVID-19 ang dating asawa nitong si Christopher de Leon, 63.

Umamin ang Love Thy Woman actor na mayroon siyang COVID-19 sa pamamagitan ng Instagram at Facebook noong Miyerkules, March 18.

Ngayong araw, March 20, ibinahagi ni Nora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text messaging, ang kanyang pag-aalala sa dating asawa at perennial love team.

Continue reading below ↓

Saad ng Superstar: “Alam kong malulusutan niya ano mang nangyayaring pagsubok na ibinibigay ng Diyos sa kanya ngayon.

“Lagi niyang iisipin na nandiyan ang pamilya niya na kailangan siya, laging nasa tabi niya at nagmamahal sa kanya."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Alam din daw ng Bilangin ang Bituin sa Langit actress na ipinagdadasal din ang beteranong aktor ng anak nilang si Ian de Leon.

Dagdag ni Nora, “Huwag rin sana niyang kalilimutan na nandiyan pa rin ang anak niyang si Kristoffer Ian, na inidolo siya simula noong bata magpahanggang ngayon, kahit may sarili na ring pamilya.

“Alam kong pinagdarasal din niya ang iyong paggaling."

Umaasa si Nora na malalampasan ni Christopher ang karamdaman nito ngayon.

“Dasal ko sa DIYOS na gumaling siya agad.

"Nawa'y malusutan niya ang pagsubok na ito na nangyayari sa kanya ngayon. Samahan nyo ako na ipanalangin si Papa Boyet na malagpasan ang pagsubok na ito sa kanya."

Maliban kay Ian, sina Nora at Christopher ay may apat na adopted children: sina Lotlot, Kiko, Kenneth, at Matet de Leon.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang sumasailalim si Christopher sa 14-day home quarantine.

Si Christopher ay kasal sa second wife niyang si Sandy Andolong. Mayroon silang limang anak—sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mic.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor on ex-husband Christopher de Leon testing positive for COVID-19: "Alam kong malulusutan niya ano mang nangyayaring pagsubok na ibinibigay ng Diyos sa kanya ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results