Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Mocha Uson blog suspended from Facebook; Jake Ejercito, netizens party on Twitter

by Arniel C. Serato
Mar 20, 2020
Jake Ejercito reposts his old tweet "Mocha Uson is garbage" after Facebook suspended Mocha's blog Friday night, March 20. #MocaUsonIsOverParty also trends on Twitter following her blog's suspension.
PHOTO/S: Arniel Serato / YES! Magazine file

Nag-party sa Twitter ang mga kritiko ni Mocha Uson, Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator at dating sexy star, dahil sa pagkakasuspinde ng kanyang blog sa Facebook.

Ang Mocha Uson Blog, na tinatawag din niyang MUB—ay may lagpas limang milyong followers.

Ilang oras bago masuspinde ang kanyang blog, nagpasabi na si Mocha sa followers nito na baka pansamantalang mawala ang account niya.

Continue reading below ↓

Nabalitaan daw kasi niyang ni-mass report ito ng mga "troll."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pahayag niya: “Napag alaman po natin na may planong sabay sabay na irereport itong page ng MUB ng mga troll.

“Kung sakaling mawala po ang ating page, sa BANAT By page po muna ako magpopost.

Continue reading below ↓

“Maraming Salamat po.”

Ang Banat By na tinutukoy ni Mocha ay ang Facebook page ng kanyang manager na si Byron Cristobal.

Makalipas ang halos isang oras, hindi na nga mahanap sa Facebook ang Mocha Uson Blog.

#MOCHAUSONISOVERPARTY TRENDS ON TWITTER

Kasunod nito, kaagad naging number one trending topic sa Twitter ang hashtag na #MochaUsonIsOverParty.

Continue reading below ↓

Tila nagbunyi ang maraming netizens sa pagkakasuspinde ng blog ni Mocha.

Kabilang ang former presidential son na si Jake Ejercito sa nag-tweet kaagad gamit ang nasabing hashtag.

Kalakip nito ang kanyang tweet noong June 2018 kung saan sinabi niyang “Mocha Uson is garbage.”

Sa bago niyang post, ito ang caption ni Jake: “Still true today.”

Continue reading below ↓

Si Jake ay anak ni Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Isa rin si Jake sa nakisali sa online war nina Mocha at Kris Aquino noong 2018.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng social media personalities nang idawit ni Mocha ang pangalan ng yumaong ama ni Kris, si dating Senator Ninoy Aquino, sa controversial photo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinahalikan sa labi ang isang overseas Filipino worker sa South Korea.

Continue reading below ↓

Dahil dito, nag-tweet si Jake ng "Mocha Uson is garbage."

MOCHA'S POST ABOUT MAYOR VICO

Nag-ugat ang mass reporting ng netizens sa blog ni Mocha sa ni-repost niyang komento ng isang netizen laban kay Pasig Mayor Vico Sotto.

Nakalagay sa post ng netizen na "pabebe, madaming hanash, at sablay" ang diskarte ni Vico sa Pasig City.

Ito ay may kinalaman sa mga aksiyong ginagawa ni Vico sa lungsod upang labanan ang COVID-19 outbreak, kasabay ang pagsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kabilang sa aksiyong ginawa ni Vico ay ang patuloy na pagpasada ng tricycles sa mga barangay ng Pasig upang serbisyuhan ang medical frontliners.

Ngunit hindi pinayagan ng national government ang proposal niyang ito.

Kontra raw kasi ito sa transportation ban na ipinatutupad kaugnay ng quarantine.

Pinapurihan ng maraming netizens si Vico dahil sa ipinakita nitong liderato, habang may ilang hindi pabor sa mga ginagawa nito.

Continue reading below ↓

Marahil, dahil sa independent initiatives ni Mayor Vico, nainsulto si Mocha para sa Malacañang, na siyang pinanggagalingan ng mga quarantine directives.

Si Mocha ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una siyang na-appoint bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong January 2017.

Pero makalipas lamang ang apat na buwan, noong May 2017, itinalaga siya bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Matapos ang halos dalawang taon, nag-resign si Mocha.

Pero muli siyang pinabalik sa gobyerno nang in-appoint siya sa OWWA noong October 2019.

Ukol pa rin sa lumabas sa kanyang blog na hindi pagpabor sa ginagawa ni Vico, sinabi ni Mocha na hindi raw siya ang personal na umatake kay Vico dahil ibang "admin" umano ang may hawak ng Mocha Uson Blog Facebook account.

Tweet ni Mocha: "FYI, Mocha Uson Blog FB page is now composed of different bloggers and admins.

Continue reading below ↓

"We practice free speech though we differ in opinions on different matters.

"So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin.

"I hope this clears everything."

Ngunit hindi pa rin siya pinaniwalaan ng maraming netizens.

Madalas batikusin ng maraming netizens si Mocha dahil sa pagpu-post nito ng sa tingin nila'y "fake news" sa kanyang blog.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito reposts his old tweet "Mocha Uson is garbage" after Facebook suspended Mocha's blog Friday night, March 20. #MocaUsonIsOverParty also trends on Twitter following her blog's suspension.
PHOTO/S: Arniel Serato / YES! Magazine file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results