Alessandra de Rossi worried about family's safety in Italy

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2020
Alessandra de Rossi is very worried about her parents who are now in Italy: "Hirap ng malayo sa pamilya. Nakakabaliw." (Right photo) Alessandra's Italian father, Luigi Schiavone.
PHOTO/S: Jasyon Villafuerte / @msderossi on Instagram

Nag-aalala ngayon si Alessandra de Rossi, 35, para sa kaligtasan mula sa COVID 19 ng kanyang pamilya sa Italy.

Kasalukuyang nasa Italy ang Italyanong ama ni Alessandra na si Luigi Schiavone at ang Pilipina niyang inang si Nenita Schiavone, na bumiyahe papunta sa Italy mula sa Canada.

Ang Italy ang nangunguna ngayon sa mga bansang matinding tinamaan ng pandemic, kasunod ang Estados Unidos.

As of March 22, ayon sa worldometers.info, mayroon nang higit sa 53,000 confirmed cases ng COVID-19 sa Italy, at halos 5,000 na ang namatay sa mga ito.

Mababanaag ang pangamba ni Alessandra sa kanyang Instagram post ngayong Linggo ng umaga.

Mensahe ng Filipino-Italian actress (published as is): “#prayforitaly hirap malayo sa pamilya. Nakakabaliw.”

Naka-tag dito ang kanyang ina at mga kapatid na sina Margherite, Isabel, at ang aktres ding si Assunta de Rossi.

Kalakip ng post ni Alessandra ang Italian flag.

Continue reading below ↓

Noong Biyernes, March 19, nag-post si Alessandra sa Instagram ng larawan ng ama.

Binati niya ang ama dahil noong araw na iyon ipinagdiwang ang Father’s Day sa Italy.

Sa caption, humiling si Alessandra na ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Mensahe ng aktres (published as is): “Father's day pala sa italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home.

“Please help me pray for italy [prayerful emojis] and for @ermatsko who will be flying from canada pabalik ng italy very soon.

“Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras magpray with me! Much appreciated [prayerful and heart emojis] may God bless us all!”

Continue reading below ↓

A MOTHER'S LOVE

Sa comments section, isang netizen ang nagkomento na sana raw ay nanatili na lang sa Canada ang ina ng aktres dahil mas ligtas doon.

Sabi naman ng aktres, “hindi mo mapipigilan ang isang ina na bumalik kung nasaan ang asawa at anak niya.”

Sa comments ay nakipagkulitan din kay Alessandra ang kanyang ina.

Mensahe ng aktres kay Mommy Nenita: “galingan mo okay! Wag puro puring!”

Hirit naman ni Mommy Nenita: “handa na lahat pagbaba ko ng airport, goggles, shades and kapote na ginamit ko sa Niagara para sina daddy mo di ako makita”

“at guantes pa pala na ginamit ko sa paghahalo ng kalamay”

Continue reading below ↓

At press time, higit sa 300,000 na sa buong mundo ang positibo sa COVID-19, habang higit 13, 000 na ang nasasawi.

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi is very worried about her parents who are now in Italy: "Hirap ng malayo sa pamilya. Nakakabaliw." (Right photo) Alessandra's Italian father, Luigi Schiavone.
PHOTO/S: Jasyon Villafuerte / @msderossi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results