Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ruby Rodriguez receiving condolences on death of doctor-sister; says that's "fake news"  

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2020
Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez is incensed by news saying her sister has died from COVID-19.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Umalma ang Eat Bulaga! host na si Ruby Rodriguez dahil biktima ng fake news ang kanyang kapatid na kasalukuyang nasa ospital.

Sa pamamagitan ng Twitter, nag-post ng mensahe si Ruby, 54, para ipaalam ang kalagayan ng kapatid na si Dr. Salvacion “Sally” Rodriguez-Gatchalian.

Si Dr. Gatchalian ang presidente ng Philippine Pediatric Society.

Paglilinaw ni Ruby, hindi patay ang kanyang kapatid, salungat sa lumabas na balita ng isang netizen.

Ayon sa TV host-comedienne, nakakatanggap na siya ng pakikiramay, kahit “weak but stable” pa ang kanyang kapatid.

Tweet ni Ruby nitong Sabado, March 21: “I have been quiet all this time about Dr Sally Gatchalian status.

“Yes she is my sister.

“Yes she is confined.

“Yes we all are praying and scared.

“But when Fake News spreads and people texting me Condolences.

“I Ask Please She is fighting! She is weak but stable. Please [praying emojis]”

HIndi tinukoy ni Ruby ang dahilan kung bakit naospital ang kapatid.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

FAKE NEWS ABOUT RUBY'S SISTER

Noon ding Sabado, isang netizen ang nag-tweet na pumanaw na ang kapatid ni Ruby dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Continue reading below ↓

Mabilis namang nag-react ang ibang netizens, at pinuna ang nag-post ng maling impormasyon.

Bumuhos din ang pakikisimpatiya ng netizens kay Ruby, at ipinagdarasal ang agarang paggaling ng kapatid.

Continue reading below ↓

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez is incensed by news saying her sister has died from COVID-19.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results