Senator Tito Sotto takes another COVID-19 test; Senator Kiko Pangilinan updates on self-quarantine

by Bernie V. Franco
Mar 23, 2020
Senator Tito Sotto (left) confirms taking another COVID-19 test after experiencing symptoms, while Senator Kiko Pangilinan remains in quarantine and says he has developed a dry cough.
PHOTO/S: Photos from Facebook accounts of Senators Sotto and Pangilinan

Nagpaliwanag si Senator Vicente “Tito” Sotto III hinggil sa isyung diumano’y nilabag niya ang Department of Health (DOH) protocol ukol sa paggamit ng COVID-19 test kits.

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ang kinakaharap na problema ngayon ay hindi sapat ang test kits.

Dahil dito, ang protocol ng DOH ay unahin ang mga may edad 60-anyos pataas at mga pasyenteng nagpapakita ng marami at malalang sintomas.

Nag-update naman si Senator Francis "Kiko" Pangilinan na, sa kabila ng pagkakaroon ng sintomas, ipinagpapatuloy niya ang self-quarantine.

Isa si Senator Kiko sa mga tumangging magpa-test alinsunod aniya sa DOH protocol.

Maingay ngayon sa social media ang paglabas ng impormasyong may government officials na humihiling na unahin sila sa COVID-19 testing at puntahan sila ng DOH surveillance team.

Ang ikinagagalit ng tao ay ang paggamit ng palakasan sa isang life-and-death situation, kunsaan ang nagi-invoke ng special treatment at privilege ay mismong mga tinatawag na servants of the people.

Para sa ordinaryong mamamayan, para na ring sinabi ng mga government officials: What are we in power for?

Continue reading below ↓

TITO SOTTO TAKES ANOTHER TEST

Nang magpositibo sa COVID-19 si Senator Miguel Zubiri, iminungkahi ni Senate President (SP) Sotto na magpa-test ang iba pang mga kasamahang senador, may sintomas man o wala.

"Health stability of key government officials is most important for the country," sabi ni Senator Sotto sa report ng ABS-CBN News.

"As SP, I cannot be away from work even for just a weekend.”

Negatibo ang lumabas na resulta ng senador.

Nitong Linggo, March 22, nag-post ng official statement si Senator Sotto hinggil sa isyu ng COVID-19 testing.

Aniya, nagpa-test siya noong March 16 upang matiyak na magagampanan niya ang trabaho sa pagharap sa kasalukuyang problema ng bansa.

Sabi ng ng Senate President, nakapagpa-test siya sa tulong ng isang kaibigan mula sa private sector, at ang test kit na ginamit niya ay “not yet accredited by DOH and FDA.”

“Its accuracy has not been certified yet, and it is a very simple testing strip with instant results.

Continue reading below ↓

“This testing kit is different from what the DOH is using right now," paliwanag niya.

“I know that a number of PUIs need the DOH-approved test kits more.”

Kaya naman daw isinusulong niyang ma-accredit na ang ginamit niyang test kit para sa ibang nangangailangan nito.

Dagdag dito, inamin din ng senador na muli siyang nagpa-test para sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Anito: “[S]ince I’m manifesting dry cough and sore throat for days now and due to my age and exposure to PUIs and PUMs, I took a confirmatory test.”

Pero hindi pa rin daw niya natatanggap ang resulta “as I never asked to be prioritized,” katwiran niya.

">

Continue reading below ↓

Matapos magpositibo si Senator Zubiri, sumunod na nagpa-test sina Senators Win Gatchalian, Nancy Binay, at Bong Go.

Nagpa-test din sina Senators Imee Marcos, Grace Poe, Pia Cayetano, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, at Richard Gordon.

KIKO PANGILINAN STILL ON QUARANTINE

Ngayong Lunes, March 23, nag-post sa Facebook si Senator Pangilinan para mag-update sa kanyang self-quarantine.

Aniya, ngayon ang ika-13 araw simula nang ma-expose siya sa taong positibo sa COVID-19.

“Upon the advice of my doctor and consistent with the DoH strict protocols on Persons Under Monitoring (PUM) I am constrained to stay at home in order to avoid the possibility of infecting others should I be positive yet asymptomatic.

“I have not been tested.”

Nakaramdam daw siya ng isang sintomas nitong weekend.

“Late Saturday night, I experienced a dry cough and I am now under observation,” lahad niya.

“My Doctor (my younger sister Donna) has advised me to monitor the cough.

Continue reading below ↓

“According to her, it may be viral or since I have a history of acid reflux, it may be an acid reflux induced cough.

“I have no fever. I have no cold.

“The above mentioned development plus the strict 14 day self quarantine are the reasons why I am unable to attend today's Special Session.”

Gayunpaman, tiniyak ni Senator Kiko na patuloy ang komunikasyon nila ng mga kapwa niya senador.

Patuloy raw ang kanilang pagtatrabaho sa pagsusulong ng mga batas para malabanan ang pandemic na kinakaharap ngayon ng bansa.

">

Continue reading below ↓

Bukod kay Pangilinan, tumanggi ring magpa-test sina Senators Risa Hontiveros at Leila de Lima bilang pagsunod sa DOH protocol.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Tito Sotto (left) confirms taking another COVID-19 test after experiencing symptoms, while Senator Kiko Pangilinan remains in quarantine and says he has developed a dry cough.
PHOTO/S: Photos from Facebook accounts of Senators Sotto and Pangilinan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results