Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Alden Richards nangilid ang luha para sa kapatid sa California

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 24, 2020
Nangilid ang luha ni Alden Richards (kanan) nang mabanggit ang nakatatandang kapatid na si RD Faulkerson (kaliwa) na kasalukuyang nasa California at nagtatrabaho bilang nurse.
PHOTO/S: @daddy_bae instagram / 24 Oras, GMA-7

Hindi napigilan ni Alden Richards na maging emosyunal nang maalala ang kanyang kuya na nasa California.

Video: GMA News.

Sa panayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras via video call, ibinaling ni Alden ang mukha para hindi sana makita ang pangingilid ng luha sa mga mata.

Nabanggit ni Alden ang kanyang kuya na si RD Faulkerson na nagtatrabaho sa California, U.S.A., bilang isang nurse.

Sabay nito'y pinasasalamatan niya ang mga frontliners—nurses, doctors, at military personnel na patuloy na nagtatrabaho laban sa paglaganap ng COVID-19 cases.

"Lahat ng medical workers... like my brother. Yung kuya ko kasi frontliner siya sa California ngayon.

"Pinipilit ko siya na huwag nang pumasok ngayon kasi naka-lockdown sila, but sabi niya sa 'kin, parang, kawawa yung mga pasyente niya. Naiiyak tuloy ako," lahad ni Alden kay Aubrey, na naiiyak din nang mga sandaling iyon.

Patuloy ng Kapuso actor, "I feel for him, kasi kailangan niyang gawin yung trabaho niya sa community."

Continue reading below ↓

Bago magtapos, pinasalamatan muli ni Alden ang frontliners dahil sa sakripisyong ginagawa ng mga ito para sa mga mamamayan.

"Thank you so much sa inyong lahat. Andito lang kami, kahit hindi man kami nandiyan physically. But our prayers, our hearts, our minds, goes to them.

"And sana, matapos na 'to," pagtatapos ni Alden.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nangilid ang luha ni Alden Richards (kanan) nang mabanggit ang nakatatandang kapatid na si RD Faulkerson (kaliwa) na kasalukuyang nasa California at nagtatrabaho bilang nurse.
PHOTO/S: @daddy_bae instagram / 24 Oras, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results