Ex-Mayor Herbert Bautista back to serve Quezon City as army reservist

by Rachelle Siazon
Mar 25, 2020
Former Quezon City Mayor Herbert Bautista helps frontliners fighting against COVID-19 pandemic: "#BatangQC Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city"
PHOTO/S: @herbertbautista Instagram

Napapanahon ang mala-Crash Landing On You na pagbabalik ni Herbert Bautista bilang army reservist.

(Ang Crash Landing On You ay ang hit Korean primetime series kunsaan ang bidang si Hyun Bin ay gumanap bilang North Korean military captain.)

Sinorpresa ng dating Quezon City mayor ang kanyang Instagram followers nang i-post niya ang litrato kunsaan matikas siyang nakasuot ng full army suit.

Hindi natiis ni Herbert ang tumulong sa pagpuksa ng COVID-19 sa lungsod, kunsaan siya nanilbihan bilang mayor ng siyam na taon at vice mayor ng 13 taon.

"#BatangQC Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city," masayang balita ni Herbert.

Ibinahagi niya ito sa Instagram noong March 20, 2020 o ang ikalimang araw ng community quarantine sa Metro Manila.

Agad na sumabak si Herbert sa inspeksyon sa Barangay Tandang Sora sa Quezon City, na aniya ay "ground zero" ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Kabilang ang Tandang Sora sa may mga naunang kaso ng COVID-19.

Noong March 19 ay idineklara ang isang subdivision dito na "hot zone" o nakasailalim sa "extreme enhanced community quarantine."

Sabi naman ni Herbert, trabaho ng kanyang tropa ang bantayan ang mga lugar sa Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lalo pa't patuloy pa ring ipinatutupad ng gobyerno ang istriktong curfew, mobility ng mga tao, at checkpoints para iwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Patuloy ni Herbert: "Our team has been doing round the clock inspection of borders to ensure the safety of the city and also distributing goods to our constituents who are in need.

"We are helping to the best way we can and we appreciate your support in every way.

"Please continue to Stay Home for the safety not just of our city but most especially our families.

"God Bless Us All. #AFPyoucanTRUST #RescuePH - BGen Herbert M Bautista AFP"

Continue reading below ↓

MEETING WITH QCPD

Nang sumunod na araw, March 21, nakipagpulong naman si Herbert sa mga opisyal ng Quezon City Police District (QCPD).

Caption niya sa kanyang post: "At the Command Conference with QCPD Director Ronnie Montejo and the team at Camp Karingal.

"The group together with other civilian volunteers tirelessly working nonstop to make sure all security details are taken care of and that our limited resources and manpower are maximized in order to protect thousands of others under quarantine in our city.

"My utmost respect to our Security Frontliners, GOOD JOB everyone!"

Continue reading below ↓

May litrato rin sina Herbert at Montejo na kuha sa control room na puno ng CCTV monitors.

SECURING "HOT ZONES" OR AREAS WITH COVID-19 PATIENTS

Ang kasa-kasama ni Herbert na si QCPD Director Montejo ay isa sa tumutulong sa frontliners sa pagpuksa ng COVID-19 sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Kasama si Montejo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa press briefing tungkol sa estado ng lungsod noong March 18.

Nabanggit noon sa presscon na kaagapay ng QCPD ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa seguridad ng siyudad.

Bilang pinuno ng QCPD, siniguro ni Montejo na ang mga natukoy na "hot zone" sa Quezon City o lugar kung saan may positibong kaso ng COVID-19 ay mababantayan.

Continue reading below ↓

Kapag naitalagang hot zone kasi ang isang lugar, tulad ng bahay ng pasyente, ay hindi na pinapayagang makalabas ng bahay ang household members dito.

Tanging delivery ng essential supplies at health workers na titingin sa pasyenteng may COVID-19 ang papayagang makapasok sa hot zones.

Ang tinatawag namang "warm zones" ay ang 500-meter perimeter radius mula sa hot zone.

Dito ay may nakatalagang checkpoints para hindi basta makapasok ang non-essential people sa lugar.

PROTECTING HOSPITALS AND HEALTH WORKERS

Idineklara rin ng local government ng Quezon City na sasailalim sa istriktong quarantine ang primary hospitals sa lungsod.

Partikular na rito ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney Medical Center, Philippine Heart Center, at St. Luke's Medical Center.

Ito ay upang proteksyunan ang frontliners—ang health workers—na direktang nakakahalubilo ng COVID-19 patients.

Lalo na ngayong tatlong doktor mula sa isang ospital ng Quezon City ay pumanaw dahil dinapuan ng COVID-19 dala ng paggamot sa mga pasyenteng may sakit nito.

Continue reading below ↓

Ang papayagan lang na magtungo sa ospital ay persons in need of care, health workers, person delivering essential supplies, family member of patient confined in the hospital.

Hanggang two caretakers ng pasyente ang maaaring manatili sa ospital.

BATANG QC

Certified "#batangQC" si Herbert na ipinanganak sa Quezon City.

Nanilbihan siya bilang alkalde mula 2010 hanggang 2019, at bilang vice mayor mula 2001 hanggang 2010.

Naging konsehal din siya sa Quezon City mula 1992 hanggang 1995.

Ang incumbent Quezon City mayor na si Joy Belmonte ay vice mayor ng lungsod noong panunungkulan ni Herbert bilang alkalde.

Bago ang community quarantine sa Metro Manila, si Herbert ay napapanood sa Make It With You, ang ABS-CBN primetime series na bida sina Liza Soberano at Enrique Gil.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Quezon City Mayor Herbert Bautista helps frontliners fighting against COVID-19 pandemic: "#BatangQC Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city"
PHOTO/S: @herbertbautista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results