Assunta and Alessandra de Rossi's Mommy Nenita finally joins husband in Italy

by Bernie V. Franco
4 days ago
LEFT: Nenita Schiavone (2nd from right)—mom of Assunta de Rossi (far left) and Alessandra de Rossi (far right)—arrives in Italy to join husband Luigi Schiavone (2nd from left). RIGHT: Nenita, who is now in self-quarantine, takes a photo of her husband from a distance.
PHOTO/S: @ermatsko on Instagram

So near and yet so far.

Tila ganito ngayon ang love story ng mga magulang nina Alessandra at Assunta de Rossi—ang Pinay na si Nenita Schiavone at ang Italyanong si Luigi Schiavone.

Ibinahagi ni Mommy Nenita sa kanyang Instagram post nitong Martes, March 24, na dumating na siya sa Italy galing Canada.

Pero dahil sa banta ng pandemic na COVID-19, sinusunod ng ina nina Alessandra at Assunta ang protocol ng social distancing at self-quarantine na 14 days.

Lalo pa't ang Italy ang nangungunang bansa ngayon sa bilang ng pinakamaraming namamatay dala ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Mommy Nenita ang larawan ng mister na nasa landing ng hagdanan.

Matutukoy na may distansiya sa pagitan ng mag-asawa.

Ang nakakaaliw na caption ni Mommy Nenita sa photo: “Oh lumapit ka, kung gusto mo akong halikan.”

Mula ito sa lyrics ng OPM song na "O Lumapit Ka" ng Hotdog.

Kalakip din sa caption ang hashtags na #selfquarantine at #day1

Continue reading below ↓

MOMMY NENITA HAPPY TO SEE DADDY LUIGI

Sa comments section, game na nakipagkulitan sa netizens si Mommy Nenita.

Game din sa pakikipagbiruan sina Alessandra at Assunta.

Isang netizen ang nakapansin sa masayang mukha ni Daddy Luigi.

Kaya naman sabi nito kay Mommy Nenita: “He’s so happy to see you.”

Sagot ni Mommy Nenita: “me too dolce”

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagtanong kung magkasama na ba ang mag-asawa.

Ani Mommy Nenita (published as is): “yaaas, pero nandito ako bunker, sinisilip@lang niya kalagayan ko hahhaha”

Continue reading below ↓

Hirit naman ni Assunta sa ina: “Eh, ayaw lumapit.”

Sagot ng nanay sa anak: “@assuntaledesma flying kiss ang inabot ko, buti hindi flying kick”

Biro ng isa pang netizen: “ang aga naman ng manliligaw mo.”

Sagot ni Mommy Nenita: “pasulyap sulyap lang hahaha”

Continue reading below ↓

Joke ng isang netizen, kung magkahiwalay sila ng kuwarto, paano na ang “loving loving?”

Reply ni Mommy Nenita: “LDR” o long distance relationship.

Natawa naman dito si Alessandra.

Paalala naman ng isa pang netizen, huwag kalimutan ang social distancing.

Sagot ni Mommy Nenita: “yes, I know.”

Nakakaaliw na quote ng isang netizen para kay Mommy Nenita: “We will stay separated today, so we can hug each other tomorrow.”

Continue reading below ↓

Positibong sagot naman ni Mommy Nenita: “yes we can”

ALESSANDRA WORRIED FOR HER FAMILY ABROAD

Noong March 19, nag-post sa Instagram si Alessandra para batiin ang ama dahil noong araw na iyon ang Father’s Day sa Italy.

Pero bakas sa caption ang pag-aalala ng aktres dahil wala sa kanyang tabi ang pamilya.

Continue reading below ↓

Caption niya: “[H]irap malayo sa pamilya. Nakakabaliw.”

Isang netizen ang sinabihan si Alessandra na sana raw ay nanatili na lang muna sa Canada ang ina dahil mas ligtas doon.

Katuwiran naman ng aktres: “hindi mo mapipigilan ang isang ina na bumalik kung nasaan ang asawa at anak niya.”

May dalawa pang kapatid ang dalawang aktres, sina Mhargerita at Isabel.

Hindi naman nabanggit ni Mommy Nenita sa kanyang post kung kasama rin sa Italy ang dalawa pa niyang anak.

Habang isinusulat ang balitang ito, pumapangalawa na ang Italy sa mga bansang may pinakamaraming naiulat na kaso ng pandemic na COVID-19.

Ngunit ito naman ang may pinakamaraming bilang ng namamatay.

Mayroon nang higit 69,000 cases at higit sa 6,800 na ang namamatay.

Nangunguna pa rin ang China na may higit sa 80,000 ang confirmed cases at higit sa 3,000 ang nasawi.

Pangatlo ang U.S. na may halos 55,000 confirmed cases at 782 ang nasasawi.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LEFT: Nenita Schiavone (2nd from right)—mom of Assunta de Rossi (far left) and Alessandra de Rossi (far right)—arrives in Italy to join husband Luigi Schiavone (2nd from left). RIGHT: Nenita, who is now in self-quarantine, takes a photo of her husband from a distance.
PHOTO/S: @ermatsko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results