Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Senator Koko Pimentel draws fire for reportedly contaminating MMC delivery room; lawmaker and wife deny accusation 

by Jet Hitosis
6 days ago
Kathryna Yu-Pimentel defends husband Senator Koko Pimentel from bashers accusing him of contaminating Makati Medical Center's delivery room after the lawmaker tested positive for COVID-19. The senator denies the accusation.
PHOTO/S: @kathyupimentel on Instagram

Pinutakti ng batikos, mura, at insulto si Senator Koko Pimentel matapos nitong ianunsiyong nagpositibo siya sa coronavirus disease.

Sa halip na makatanggap ng mga mensahe ng pag-aalala at well wishes, kinuyog ng bashers ang 56-anyos na senador.

Personal kasing dinala ng senador noong March 24 sa Makati Medical Center (MMC) ang misis niyang si Kathryna Yu-Pimentel dahil manganganak ito.

Walong-buwang buntis ang misis ng senador.

Base sa GMA News Online report, Martes ng gabi, March 24, nang malaman ng senador ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Siya ay Person Under Investigation (PUI) nang mga panahong iyon, ayon sa Department of Health protocol para sa mga nagpapa-COVID testing.

Kung siya ay PUI, dapat naka-self quarantine siya, ayon din sa protocol.

Hindi naman nilinaw ito ni Senator Koko.

Imbes na ito, ang ipanaliwanag niya ay nasa MMC na raw siya nang tumawag sa kanya ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang sabihang nagpositibo siya sa virus.

Continue reading below ↓

Ayon pa rin sa senador, agad-agad daw siyang umalis ng ospital nang malaman ang resulta.

“I RECEIVED THE CALL FROM RITM WHEN I WAS ALREADY IN THE HOSPITAL”

“Yes (kasama ko si Kath nitong Martes ng gabi), as she was scheduled to give birth this morning,” ang sabi ni Senator Koko sa GMA News.

Dagdag niya, “I received the call from RITM when I was already in the hospital last night, hence I left immediately.”

Sa parehong report, sinabi ng senador na March 20 siya sumailalim sa swab test.

Gayunman, inamin niyang nilagnat siya noong March 18 “and experienced slight sore throat, body pain, and diarrhea,” saad pa rin ng report.

Alinsunod naman sa direktiba ng Department of Health (DOH), ang lahat ng sumasailalim sa COVID-19 testing ay obligadong mag-self quarantine habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri.

Walang banggit dito ang senador.

CONTAMINATING THE DELIVERY ROOM WITH COVID-19

Kasunod nito, kumalat sa social media ang screenshots ng iba’t ibang pag-uusap ng medical workers umano ng MMC.

Continue reading below ↓

Mababasa sa mga pag-uusap na inilihim daw ni Senator Koko sa MMC na COVID-19 positive siya, para masamahan ang asawa sa delivery room ng ospital.

May naglutangan pang kuwento na ilang beses nagpalakad-lakad sa delivery room ng ospital ang senador, na walang suot na face mask.

Nakasaad naman sa ibang thread na galit na galit kay Pimentel ang ilang doktor ng MMC sa pagiging “irresponsible” ng senador na nagkalat ng kinatatakutang virus sa loob ng ospital.

Continue reading below ↓

Dahil daw sa nangyari, mababawasan pa ang medical workers sa MMC dahil kailangan ngayong ma-quarantine ang mga nakasalamuha ng mambabatas.

Ang isa namang nagkomento sa Facebook, nagkuwento kung paanong nagpasaklolo raw ang senador kay Health Secretary Francisco Duque III nang tumanggi ang MMC na doon magsilang si Kath.

Continue reading below ↓

Pinagre-repost ng mga netizen ang naturang screenshots ng mga conversation upang ilabas ang galit sa senador.

Nagsuod-sunod na ang pang-aalipusta so social media sa dating Senate president.

Ang ilan sa kanila, hiniling ang pagbibitiw sa puwesto ni Senator Koko, na tinawag nilang "disgusting," "selfish," at "evil."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nag-suggest pang kasuhan ang senador.

Dahil dito, nag-trend sa Twitter Philippines si Senator Koko ngayong Miyerkules.

Continue reading below ↓

SENATOR KOKO DENIES "TOURING" THE HOSPITAL

Sa text message ni Senator Koko sa reporters ngayong Miyerkules ng hapon, itinanggi niyang naglakad-lakad siya sa ospital.

Iginiit din niyang hindi siya pumasok sa delivery room.

"Since I was already inside, then I had to leave.

"Hence, I had to walk out of the hospital.

"Walking out po iyon, not touring."

Nilinaw rin ng senador na kaagad niyang kinausap ang obstetrician-gynecologist ni Kath tungkol sa natanggap niyang tawag mula sa RITM.

"I told the OB even before I told my wife.

"Then I left her in the hospital.

"I never went inside the delivery room," saad sa text ni Senator Koko sa media.

Itinanggi rin ng senador na tinawagan niya si Secretary Duque upang tanggapin sa ospital si Kath.

"Sec. Duque has and had nothing to do with our getting a room and any room at the hospital."

Paliwanag ng senador, ngayong Miyerkules ng umaga lang niya nakausap ang kalihim.

Continue reading below ↓

Nang mga oras na iyon, naka-admit na raw ang misis niyang si Kath.

SENATOR’S SISTER-IN-LAW APPEALS AGAINST “EXAGGERATED NA MGA KUWENTO”

Nauna rito, sa Facebook, naglabas ng pahayag ang nakababatang kapatid ni Kath na si Pamela Yu-Chua.

Nanawagan si Pamela “not to judge or Give unnecessary bashing” kay Senator Koko.

Pinalagan ni Pamela ang “Exaggerated na ang mga kwento.”

Umapela rin siya sa publiko na huwag nang ikalat sa social media ang mga kuwentong iyon.

Aniya, hindi kailanman sasadyain ng mag-asawa na ilagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga health workers sa MMC.

Giit ni Pamela, sa “isolation room” nanatili ang kanyang kapatid, at hindi sa delivery room ng ospital.

KATH: “SEN KOKO NEVER ENTERED THE DELIVERY ROOM”

Sa parehong post, ibinahagi rin ni Pamela ang official statement ni Kath tungkol sa nangyari.

Pahayag ni Kath (published as is): “Sen koko never entered the delivery room of makati med.

“he went with me sa makati med yday to be admitted not knowing he was covid positive yet.

Continue reading below ↓

“Then ritm called him around 9pm that he was positive.

“But he was just in the room.

“As soon as he found out he was positive he left me already and told my OB about his situation.”

Ayon pa kay Kath, ilang linggo nang naka-self quarantine ang senador.

Sinamahan lang daw siya ng mister dahil excited ito sa pagsilang ng kanilang panganay.

“For weeks now he was in self quarantine and practicing social distance.

“We dont even share a room for 10 days already....

“It was only yday that he went with me for admission coz he was also excited to see me deliver ‘sana’ which was scheduled today at 7am But was cancelled.

“They required me to get a swab test first before im allowed to give birth.

“So he never entered the Delivery room. Even me, i didnt enter the Delivery room yet....”

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng text message, nagbigay din ng pahayag si Kath kay GMA-7 broadcast journalist Arnold Clavio.

Muli, iginiit ni Kath na hindi sila pumasok ni Senator Koko sa delivery room.

Kuwento ng misis ng senador, sa examination room siya nanatili, kung saan ginawa ang stress test sa kanya.

KATH TO MAKATI MED: “CHECK THE CCTV”

Iginiit ni Kath na mag-isa lang siya sa examination room dahil bawal daw may kasama roon.

Hamon pa ni Kath, maaari namang silipin ang CCTV (closed-circuit television) camera footage para malaman kung nagsasabi siya ng totoo.

Narito ang kabuuan ng text ni Kath kay Arnold, na inilabas sa media:

“Sir Igan... I feel really sad they are insisting I was in the DR & Sen Koko never reached inside the DR...

“I took the stress test for the baby inside the examination room.

“I even asked the nurse anong tawag sa room na pinagdalhan sa ‘kin.

Continue reading below ↓

“Examination room is beside their recovery room, which was still far from the DR.

“And Sen koko didn’t join me sa examination room last night, too.

“The stress test happened around 8:30pm last night in the examination room.

“Ako lang po mag-isa dyan. Kasi sabi din nila bawal ang husband or bantay.

“I even took a picture of the examination room during my stress test.

“Ayan po ang room. Pano po yan magiging DR?

“I no longer understand why Makati Med given their prestige name would insist on a story that is not even true.

“They can check the cctv too.”

At press time, hindi pa naisisilang ni Kath ang anak nila ni Senator Koko.

Hinihintay pa ang resulta ng mga test kay Kath, na naka-isolate at hinihinalang positibo rin sa COVID-19.

UNANSWERED QUESTIONS

Habang itinutuon ni Senator Koko at ni Kath ang pansin sa DR (Delivery Room) ng MMC, maraming isyu ang iniwan nilang masalimuot para sa taumbayan.

Kung nagpa-testing nga naman ang senador sa COVID-19 noong Marso 20, dahil may naramdaman na raw siyang sintomas ng "slight sore throat, body pain, and diarrhea," ang ibig sabihin nito ay pumasok na siya sa kategoryang Person Under Investigation.

Ayon sa DOH protocol, delikado na ito para sa pasyente at sa mga nakapaligid dito, kaya kelangan nang mag-self quarantine.

Dahil "excited" siyang makitang mag-deliver ang kanyang misis, binali niya ang protocol? Tanong ng netizens, Paano na kung gawing dahilan ng bawat PUI na "excited" lang sila kaya pumasok sila sa isang ospital?

Paano na ang mga maitatala pang nahawaan ng senador? Na malamang ay mga health workers, ang mga tinatawag na mga bayani sa frontlines?

Ano ang sagot ng senador at misis niya rito?

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryna Yu-Pimentel defends husband Senator Koko Pimentel from bashers accusing him of contaminating Makati Medical Center's delivery room after the lawmaker tested positive for COVID-19. The senator denies the accusation.
PHOTO/S: @kathyupimentel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results