Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Elmo Magalona apologizes to non-showbiz girlfriend for going public about their relationship

by Rachelle Siazon
Mar 25, 2020
Kapamilya actor Elmo Magalona on decision to delete photos of his non-showbiz girlfriend from his social media account: "I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them."
PHOTO/S: Noel Orsal

Burado na sa Instagram account ni Elmo Magalona ang sweet photos nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Isang araw pa lang ang nakalipas mula nang ihayag niya ang tungkol sa bago niyang pag-ibig at ang pagdiriwang nila ng unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Pero kinailangan daw niyang tanggalin ang post alang-alang sa privacy ng nobya.

Paliwanag ni Elmo, "I feel like I need to share to everyone why I removed my post from yesterday.

"I should have been more considerate.

"I posted without telling anybody."

Humingi rin ng dispensa si Elmo sa pamilya ng kanyang nobya dahil hindi raw niya naisip na pribadong tao ang mga ito.

Si Elmo ay anak ni Pia Magalona sa yumaong rapper/songwriter/actor na si Francis Magalona.

Nakalakihan na niya ang buhay-artista ng ama, hanggang sa siya naman ang sumabak sa showbiz 11 taon ang nakakaraan.

Patuloy ni Elmo, "Honestly, it was irresponsible thinking.

"I’d like to apologize to her, and her family for my actions and putting them in such a position.

Continue reading below ↓

"I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them."

Sa huli, umapela si Elmo na sana ay maintindihan ng kanyang Instagram followers ang desisyon niyang gawing pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

"To everyone reading this, please disregard what I had to share last night.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Let’s just focus on what matters right now. Peace to everyone."

Continue reading below ↓

Sa naunang post ni Elmo kagabi, March 24, tanging nickname lang ng kanyang girlfriend ang nakalagay sa post.

Makalipas ang ilang minuto ay in-edit pa ni Elmo ang caption sa kanyang post at tinanggal ang nickname ng nobya.

Hanggang sa tuluyan na nga niyang binura ang mismong post kasama ang couple photos nila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Elmo Magalona on decision to delete photos of his non-showbiz girlfriend from his social media account: "I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results