Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Lawyers’ group to file raps against Senator Koko Pimentel

by Jet Hitosis
Mar 26, 2020
Atty. Rico Quicho will lead a group of lawyers that will file charges against Senator Koko Pimentel (in photo) for violating quarantine protocols and endangering lives.
PHOTO/S: Koko Pimentel Facebook

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

Malinaw na nilabag ng 56-anyos na senador ang protocol sa quarantine nang nagtungo ito sa Makati Medical Center (MMC) nitong Martes, March 24, ayon kay Atty. Rico Quicho.

Saad sa Facebook post ni Atty. Quicho: "We are already preparing the Complaint based on RPC provisions and Special Laws.

"Malinaw na may paglabag si Koko sa mga batas."

Continue reading below ↓

Martes ng gabi nang personal na inihatid ni Senator Koko sa MMC ang misis niyang si Kathryna Yu-Pimentel, na scheduled magsilang via caesarean operation.

Kinabukasan, Miyerkules, March 25, nang inanunsiyo ng senador na positibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Katuwiran ni Senator Koko, nasa loob siya ng MMC nang malaman niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Gayunpaman, inamin ng senador sa isang press statement na March 20 pa siya sumailalim sa swab test dahil sa nararamdamang mga sintomas ng virus.

Ibig sabihin, Person Under Investigation (PUI), na dapat ay naka-quarantine, ang mambabatas nang pumunta siya sa MMC.

“COMPASSION” FOR LAW VIOLATORS

Kinondena ng MMC ang paglabag ni Senator Koko sa “MakatiMed hospital infection control protocols.”

Tinawag ng ospital na “irresponsible and reckless” ang ginawa ng senador, na nagbunsod ng pag-quarantine ng ilang medical workers ng MMC.

Kailangang-kailangan pa naman ng ospital, sabi ng pamunuan nito, ang bawat health worker.

Continue reading below ↓

Humingi na ng paumanhin sa Makati Med ang mambabatas.

Ngunit iginigiit ng ilang netizens, na nanatiling galit na galit, na kasuhan si Senator Koko.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra: “During abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion.”

Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na aaksiyunan ng DOJ ang anumang kasong isasampa laban kay Senator Pimentel.

LAWYERS UNITE, APPEAL FOR MEDICAL WORKERS TO TESTIFY

Noong Huwebes ng umaga, March 26, inanunsiyo ni Atty. Quicho sa Facebook na magtutulung-tulong ang grupo ng mga abogado at ang law students upang panagutin ang senador.

“We cannot let such ineptitude into positions of power,” bahagi ng Facebook post ni Atty. Quicho.

“We will rely on the full force of law — we are looking into criminal, civil, administrative charges.

“Not only to make him accountable, but also to set an example.”

Continue reading below ↓

Si Atty. Quicho ay dating dean ng University of Makati School of Law, at founder ng Quicho & Angeles law firm.

Nagsilbi siyang tagapagsalita noon ni dating Vice President Jejomar Binay at ng yumaong Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Hinimok din ni Atty. Quicho ang mga doktor, nurses, at pamilya ng mga pasyente sa MMC na tumestigo laban sa dating Senate president.

“We are coordinating with different medical associations, individuals, and concerned citizens and we encourage MMC to review its CCTV footage and join us in clarifying the facts of the situation and holding those responsible to account.

“We owe this not only to the other MMC patients exposed, but also to the frontliners who were put at risk,” dagdag pa ng abogado.

Continue reading below ↓

At press time, hindi pa naisasapinal ng grupo ni Atty. Quicho ang partikular na kasong ihahain laban kay Senator Koko.

SENATOR KOKO WENT GROCERY SHOPPING IN TAGUIG

Ngayong Huwebes din, kinumpirma ng S&R, isang membership shopping club, na namili ang senador sa kanilang BGC branch sa Taguig City nitong March 16.

Ayon sa official statement ng S&R, naka-quarantine na ang mga empleyadong nakasalamuha ni Senator Koko.

Na-disinfect na rin daw ang naturang branch nila sa Taguig City.

Continue reading below ↓

SPECIAL TREATMENT FOR THOSE IN POWER?

Lumalabas na mas maluwag ang mga nagpapatupad ng enhanced community quarantine sa mga nasa puwesto.

Sa maraming lugar sa Luzon ay daan-daang ordinaryong mamamayan ang hinuhuli dahil sa paglabag sa curfew, pagtanggi at hindi pagsunod sa awtoridad, at iba pang violations.

Ang ilan pa nga sa mga nahuli ay dinala sa mga istasyon ng pulis para imbestigahan.

Ngunit sa kaso ni Senator Pimentel, ayon na rin sa DOJ, dapat daw magpakita ng "human compassion" sa pagpapatupad ng batas dahil sa abnormal na sitwasyon ngayon.

Ito ay sa kabila ng paglalagay niya sa kapahamakan sa mga taong nakasalamuha sa panahong dapat ay nasa bahay lamang siya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Rico Quicho will lead a group of lawyers that will file charges against Senator Koko Pimentel (in photo) for violating quarantine protocols and endangering lives.
PHOTO/S: Koko Pimentel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results