Bongbong Marcos "unwell" but "getting better" after Spain trip; tested for COVID-19

by Bernie V. Franco
3 days ago
Senator Imee Marcos (L) says her brother Bongbong Marcos (R) is "unwell" after returning from his Spain trip. She also confirmed that Bongbong took the COVID-19 test and is awaiting the result.
PHOTO/S: Facebook photos

"Unwell" ngunit "getting better at home."

Ito ang pahayag ni Senator Imee Marcos tungkol sa kalagayan ng kapatid na si former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagsalita si Imee kasunod ng mga kumakalat na usap-usapang positibo raw sa COVID-19 si Bongbong, at naka-intubate na sa isang ospital dito sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Imee na sumailalim nga sa COVID-19 testing si Bongbong, pero wala pa raw ang resulta.

Ito ay matapos magbiyahe ni Bongbong ng Spain, ang bansa sa Europa na may pangalawang pinakamataas na numero ng mga namamatay mula sa coronavirus. Ang nangunguna sa Europa ay Italia.

Pero itinanggi ng senadora na naka-confine ngayon sa ospital ang nakababatang kapatid.

Mensahe ni Imee sa text message niya sa reporters ngayong Huwebes ng umaga, March 26:

“He came back from Spain unwell.

“Finally got a test two nights ago, getting better at home.”

Ayon naman sa tweet ng ABS-CBN News, nalaman lang daw ng senadora ang tungkol sa kondisyon ni Bongbong mula sa online group ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

BONGBONG IN SINGAPORE?

May kumalat pang report na inilipad umano sa Singapore si Bongbong dahil ayaw na siyang i-admit sa ospital dito sa Pilipinas.

Nagpatulong pa nga raw ang kampo ng dating senador sa isang pulitiko at isang bilyonaryo para makalapag ng Singapore at ma-admit sa ospital doon.

Ngunit hindi raw ito pinayagan ng gobyerno ng Singapore dahil puno na rin ng COVID-19 cases ang mga ospital nila.

Ngunit ang sinabi ni Imee ay nagpapagaling si Bongbong "at home."

Sa hiwalay na tweet, itinanggi ng senadora na kasama siya at ang inang si Imelda Marcos na lumipad sa Singapore para samahan si Bongbong.

“Nah, my mom and I [are] ok,” text ni Senator Imee sa ABS-CBN News.

Continue reading below ↓

BONGBONG TRENDING ON TWITTER

Nag-trending si Bongbong ngayong March 26.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang alegasyong positibo siya sa COVID-19, at naka-intubate sa isang malaking ospital sa Taguig.

Kumalat din sa social media ang kopya ng chext X-ray diumano ni Bongbong sa St. Luke's Medical Center noong March 22, 2020.

Base sa resulta, posibleng may "punemonia" ang dating senador.

Continue reading below ↓

IMEE MARCOS ALSO ON HOME QUARANTINE

Samantala, sa kanyang radio-online interview sa Radyo Pilipinas ngayong umaga, binanggit ni Imee na kahapon ang kanyang last day of quarantine.

Kasunod ito ng balitang nagpositibo ang kapwa senador na si Juan Miguel Zubiri noong March 16.

Isa si Imee sa mga senador na napaulat na sumailalim sa COVID-19 testing kasunod ng pagpositibo ni Senator Zubiri sa COVID-19.

Naging kontrobersiyal ang pagsasailalim sa COVID-19 testing ng mga senador at iba pang high-ranking government officials dahil sa alegasyong nilaabag nila ang Department of Health (DOH) protocol.

Sa DOH protocol, nakasaad na dapat unahin ang mga pasyenteng may edad 65-anyos pataas at mga nagtataglay ng marami at malubhang sintomas.

Sina Imee at Bongbong ay dalawa sa tatlong anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos. Ang isa pa nilang kapatid ay si Irene Marcos.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Imee Marcos (L) says her brother Bongbong Marcos (R) is "unwell" after returning from his Spain trip. She also confirmed that Bongbong took the COVID-19 test and is awaiting the result.
PHOTO/S: Facebook photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results