Ito ang ginawa ni Willie Revillame sa Puerto Galera nang maabutan ng enhanced community quarantine

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 26, 2020
Dahil hindi na siya makalabas ng Puerto Galera, Mindoro, nag-ipon ng maraming bigas, tubig, at iba pang pagkain si Willie Revillame para ipamudmod sa mga residente roon na limitado rin ang pagkilos dulot ng enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Screenshot from Wowowin YouTube Channel

Dahil sa banta ng COVID-19, pinatigil muna ni Willie Revillame ang regular programming ng Wowowin at Wowowin Primetime para na rin sa kaligtasan ng kanyang studio audience at mga empleyado.

Video: GMA-7.

Nagkaroon tuloy ng oras ang TV host na bisitahin ang kanyang resort sa Puerto Galera, Mindoro.

Pero nang maabutan siya ng pagdeklara ng pamahalaan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, hindi na nakabalik si Willie sa kanyang tahanan sa Quezon City.

Kasama sa idineklarang ECQ ni Pangulong Rodrigo Duterte nung March 16 ay ang Timog Katagalugang Rehiyon ng Luzon.

Sakop dito ang Southern Tagalog Region IV-B na mas kilala ngayon bilang MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).

Pinairal ang ECQ nung March 17.

Sa report ni Cata Tibayan ng 24 Oras, mapapanood na habang nasa Puerto Galera si Willie ay patuloy pa rin ito sa pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Sakay ng kanyang bangka, nilibot TV host ang Puerto Galera at nakita ang epektong dulot ng ECQ sa mga residente.

Continue reading below ↓

"Yun nga, napag-alaman ko na bawal silang pumunta sa palengke dahil una, wala silang transportasyon, bawal silang lumabas. Isa lang ang kailangan.

"E, wala naman ho silang masasakyan, walang traysikel," kuwento ni Willie sa kanyang Wowowin vlog.

Kaya naisipan ni Willie na magsagawa ng relief operations sa nasabing lugar sa abot ng kanyang makakaya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Eto kahit papa'no, maliit na bagay lang. E, kahit sa isang araw, dalawang araw, makatulong tayo sa kanila," patuloy ni Willie.

Kaban-kabang bigas, mga instant noodles, tubig, at iba pang makakain ang ipinamudmod ni Willie sa mga residente ng Puerto Galera sa tulong ilang volunteers.

At para mapabilis ang paghatid ng tulong, isinakay pa nina Willie ang ilang relief goods sa kanyang sariling speedboat.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga residente kay Willie.

Paalala ni Willie sa ating mga kababayan, kahit sa simpleng paraan ay may maitutulong ang lahat kung susunod lang sa pakiusap muna ngayon ng gobyerno ukol sa ECQ.

Continue reading below ↓

"Isipin niyo ho, kung lalabas kayo at nahawa yung inyong mga mahal sa buhay, napakahirap ho, e.

"Sana matapos na ho ito para hindi nagsa-suffer tayong lahat, hindi tayo nahihirapan."

At bilang patuloy na pagtulong ni Willie simula ngayong araw, Biyernes, March 26, mapapanood na muli ang Wowowin sa official Facebook account ng show, kunsaan mamimigay muli siya ng cash at iba pang papremyo sa mga manonood.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil hindi na siya makalabas ng Puerto Galera, Mindoro, nag-ipon ng maraming bigas, tubig, at iba pang pagkain si Willie Revillame para ipamudmod sa mga residente roon na limitado rin ang pagkilos dulot ng enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Screenshot from Wowowin YouTube Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results