Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

(UPDATED) Bongbong Marcos, wife, entire staff test negative for COVID-19

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2020
A relative of Bongbong Marcos posts on Facebook the latest photo of the former senator to squash rumors about his health condition. "He did return from Spain and became ill with the flu. But he isn’t in some hospital or private jet at the moment," says Mike Acebedo Lopez.
PHOTO/S: Courtesy: Liza Marcos / Mike Acebedo Lopez on Facebook

Kasunod ng usap-usapang hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan ni Bongbong Marcos Jr., naglabas ng pahayag ang misis niyang si Atty. Liza Araneta Marcos.

Kalakip nito ang bagong larawan ni Bongbong.

Makikita sa larawan na nakangiti ang dating mambabatas, nakaupo sa kama, at hawak ang isyu ng broadsheet na Daily Tribune ngayong araw.

Nakalagay sa headline: "Duque dictates on donors."

Continue reading below ↓

Makikita naman sa online edition ng pahayagan na ganito rin ang headline ng hawak na peryodiko ni Marcos.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

LIZA ARANETA-MARCOS STATEMENT

Sa kanyang pahayag, pinabulaanan ni Liza ang kumakalat na balitang nag-collapse ang baga ni Bongbong.

Itinanggi rin niya ang balitang inilipad ang dating senador, gamit ang eroplano ni Chavit Singson, upang magpagamot sa Singapore.

Continue reading below ↓

Diin pa ni Liza: "He is not dying. Nor is he dead."

Tungkol sa larawan ni Bongbong, aniya: "I'm sending you a photo of Bong which my sons & I took this morning. As you can see, he is at home and is very much alive."

Sinabi rin Liza na nagpa-test sila at ang lahat ng kanilang staff para sa COVID-19. Negatibo raw lahat ang resulta nila.

Base sa pahayag ng misis ni Bongbong, isang araw lang ang hinintay nila upang makuha ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Karamihan ng mga tinit-test ay ilang araw ang hinihintay bago malaman ang resulta.

Ang iba pa nga, kung kailan namatay ang pasyente ay saka lang malalaman na positibo ito sa COVID-19.

Tiyak na marami ang magre-react dito lalo pa't mainit na pinag-uusapan ngayong ang "palakasan system," kung saan ang mga VIP ay binibigyan ng prayoridad at special treatment sa COVID-19 testing.

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Liza Marcos:

Continue reading below ↓

BONGBONG'S RELATIVE FROM CEBU

Ipinadala rin ni Liza ang parehong larawan sa kamag-anak ng kanyang mister na si Mike Acebedo Lopez, na taga-Cebu.

Kaagad itong ipinost ni Mike sa kanyang Facebook account ngayong araw, March 26.

Mensahe ni Mike: “So many people messaging me about Sen Bongbong Marcos aka BBM supposedly being in bad shape, airlifted to Singapore, etc.

“He did return from Spain and became ill with the flu. But he isn’t in some hospital or private jet at the moment. Here he is, at home, with today’s paper:”

Continue reading below ↓

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mike sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong hapon, sinabi nitong nagpa-test din ang misis ni Bongbong para sa COVID-19.

Sa tweet naman ng nakatatandang kapatid ni Bongbong na si Senator Imee Marcos ngayong araw, sinabi nitong nasa bahay ang kapatid at nagpapahinga.

BONGBONG Marcos STATEMENT

Kasunod nito, nagpadala rin si Mike sa PEP.ph ng statement ni Bongbong.

Pahayag ng Bongbong Marcos: "I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition.

"Don't worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine.

"As my sister said, a few days ago I was feeling a little under the weather as a result went to get checked.

"We are still waiting for the results.

"Fortunately, I feel much better and am getting stronger by the day.

“I have no doubt in my mind that this is partly due to the excellent work of the nurses and doctors who helped me during this time.

Continue reading below ↓

“I am inspired and moved by the show of courage and commitment of our health workers.

"You are our true heroes in these most trying times. Thank you!

“I am hoping and praying for everyone’s safety and good health.

“Please don’t let the sacrifices of health workers and other frontliners go to waste.

“Let us stay home.

“Again, thank you for your love and concern.”




Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A relative of Bongbong Marcos posts on Facebook the latest photo of the former senator to squash rumors about his health condition. "He did return from Spain and became ill with the flu. But he isn’t in some hospital or private jet at the moment," says Mike Acebedo Lopez.
PHOTO/S: Courtesy: Liza Marcos / Mike Acebedo Lopez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results