Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Senator Sonny Angara tests positive for COVID-19

by Rachelle Siazon
Mar 26, 2020
Senator Sonny Angara on increasing number of COVID-19 patients in the Philippines: "I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge."
PHOTO/S: Sonny Angara Facebook

Dumarami ang bilang ng mga senador na nagpopositibo sa COVID-19.

Ngayong Huwebes, March 26, kinumpirma ni Senator Juan Edgardo "Sonny" Angara na dinapuan din siya ng novel coronavirus.

Si Angara ay 47 years old.

Sa kanyang official Facebook account, pahayag ni Angara: "I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it is positive for COVID-19.

"I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness."

Nakiusap din si Angara na isama sa dalangin ang mabilis niyang paggaling.

"I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge.

"Let us continue to support all efforts to fight the further spread of the virus. Let us support our frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort.

"With hope, sacrifice, and unity of effort, we shall overcome."

THIRD SENATOR TO TEST POSITIVE

Unang nagpositibo sa COVID-19 ang kapwa niya senador na si Juan Miguel Zubiri noong March 16.

Continue reading below ↓

Huling pumasok sa trabaho si Zubiri noong March 11.

Labing-apat daw silang senador na dumalo sa afternoon session ng Senado noong araw na iyon.

Kaya raw ang iba pa niyang kasamahan ay sumailalim din sa COVID-19 testing.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maliban kina Angara, Zubiri, at Senator Koko Pimentel, hindi malinaw kung sino ang 14 senador na pumasok noong March 11.

Pero simula March 12 ay boluntaryong nag-self-quarantine na sina Angara, Zubiri, Ralph Recto, Franklin Drilon, Panfilo Lacson, at Lito Lapid.

Gayundin sina Imee Marcos, Francis Tolentino, Bong Revilla, at Risa Hontiveros.

Ito ay matapos inanunsiyo ng kapwa nila mga senador na sina Sherwin Gatchalian at Nancy Binay na sasailalim sila sa self-quarantine.

May nakahalubilo kasi sina Binay at Gatchalian na COVID-19 patient sa isang Senate hearing noong March 5.

Una namang nag-self-quarantine si Francis "Kiko" Pangilinan noong March 10.

KOKO PIMENTEL'S CONTROVERSIAL SIGHTINGS

Sumunod na nagpositibo sa virus si Pimentel.

Sabi ni Pimentel, natanggap niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test noong gabi ng March 24.

Continue reading below ↓

March 12 pa lang ay sumailalim na rin daw siya sa self-quarantine.

Pero taliwas sa kanyang sinabi na nilimitahan niya ang kanyang paglabas-labas, naiulat na namataan siya sa isang party, grocery, at ospital.

Ang pagtungo niya sa Makati Medical Center noong March 24 ang naging mitsa nang matinding pambabatikos kay Pimentel.

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Sonny Angara on increasing number of COVID-19 patients in the Philippines: "I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge."
PHOTO/S: Sonny Angara Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results