Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Valenzuela Mayor Rex Gatchalian on adopting moves of Pasig Mayor Vico Sotto: "Kopyahan na eto!!!"

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2020
Valenzuela Mayor Rex Gatchalian (L) on plan to copy Pasig City Mayor Vico Sotto's (R) Mobile Palengke: "Kopyahan na eto!!! Wala naman tayo sa school eh...in this case copying is allowed i think.”
PHOTO/S: Courtesy: Rex Gatchalian / Vico Sotto on Facebook

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga mayor.

Ito ay dahil mahirap talaga ang pagkilos sa buong Metro Manila dahil sa enhanced community quarantine.

Bukod pa rito, may 8p.m.-5.a.m. na curfew na ipinatutupad sa ilang siyudad.

May mga Metro Manila mayor na mas pinupuri. Maayos daw ang pamamalakad sa kanilang lugar ngayong may COVID-19 pandemic.

Kabilang dito sina Makati City Mayor Abby Binay, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Manila Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Sa social media, kadalasang nagti-trend si Mayor Vico dahil pro-active ito sa kanyang ginagawa sa Pasig.

Kamakailan lamang ay inilunsad ni Mayor Vico ang Mobile Palengke.

Layunin nitong ilapit sa mga kababayan ang mga bilihin sa palengke sa parehong halaga, dahil nga naman halos walang pampublikong transportasyon at mahirap pag nakukumpulan ang mga tao sa iisang lugar.

Limang Mobile Palengke sa ngayon ang umiikot sa lungsod ng Pasig.

Sa Twitter, may netizen ang nagtanong kay Mayor Gatchalian kahapon, March 26, kung maaari ba silang maglunsad din ng Mobile Palengke sa Valenzuela.

Continue reading below ↓

Saad ni @gettcrble97: “@rex_gatchalian Hi mayor, kung sakali pwede rin po kaya tayo magkaroon ng Mobile Palengke?

“Maraming salamat po and Godbless, Ingat po kayo lagi”

Kaagad namang sumagot si Mayor Rex.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tugon niya: “Plano nga natin gayahin sila sa pasig sa pamumuno ni mayor @VicoSotto.”

Dagdag pa ni Mayor Rex, sa panahon ngayong nakararanas tayo ng kakaibang laban sa virus, hindi na mahalaga kung masabihan siyang nangongopya sa iba.

Aniya, “Kopyahan na eto!!! Wala naman tayo sa school eh...in this case copying is allowed i think.”

Continue reading below ↓

Kinaaliwan naman ng netizens ang mga plano at sagot ni Mayor Gatchalian.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valenzuela Mayor Rex Gatchalian (L) on plan to copy Pasig City Mayor Vico Sotto's (R) Mobile Palengke: "Kopyahan na eto!!! Wala naman tayo sa school eh...in this case copying is allowed i think.”
PHOTO/S: Courtesy: Rex Gatchalian / Vico Sotto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results