Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

PSG probes Congressman Eric Yap for breaching Malacañang protocols

by Jet Hitosis
Mar 26, 2020
ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap is now being probed by the Presidential Security Group for breaching Malacañang protocols, after he joined Cabinet officials and other lawmakers at the Palace last March 21, when he was already a PUI. The lawmaker announced that he tested positive for COVID-19 on March 25.
PHOTO/S: @congericgoyap on Instagram

Posibleng maharap sa kaso si ACT-CIS Party-list Representative Eric Go Yap dahil sa paglabag sa Malacañang protocols.

Ayon kay Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III, pinaiimbestigahan niya ang kongresista sa umano'y pagsisinungaling tungkol sa pagiging Person Under Investigation (PUI).

Ang PUI ay silang mga sumalang sa COVID-19 test dahil may mga sintomas ng sakit makaraang ma-expose sa nagpositibo sa virus.

Obligadong mag-self quarantine ang mga PUI habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kanila.

Nitong Miyerkules, March 25, kinumpirma ni Congressman Yap na COVID-19 positive siya.

Sa press statement ni Congressman Yap, chairman ng House Committee on Appropriations, sinabi niyang March 15 nang nagpa-swab test siya.

Ito, aniya, ay matapos siyang ma-expose sa ilang posibleng positibo sa virus simula March 10.

Pero nitong Lunes, March 23, nakibahagi ang kongresista sa 17-oras na special session sa Kamara para sa pagpapasa ng Bayanihan to Heal as One Act.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nauna rito, Sabado, March 21, dumalo ang kongresista sa Cabinet meeting sa Malacañang.

Kasama ang ilang mambabatas, pinag-usapan sa meeting ang ibibigay na special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"MISDECLARED"

Gayunman, ayon kay Durante, hindi ipinaalam ni Congressman Yap sa mga tauhan ng Malacañang na PUI na pala ito nang mga panahong iyon.

Quoted ng Malacañang reports si Durante sa pagsasabing puro “No” ang isinagot ni Congressman Yap sa declaration form na pinapirmahan sa mga pumapasok sa Palasyo.

“Based on his declaration form, he specified ‘No’ to every question,” iniulat ng Manila Bulletin na sinabi ni Durante.

“Wherein the mere fact ng mga statement naman niya na lumabas is dapat ‘Yes’ yung sagot niya sa iba.

“He did not declare na may contact siya with some people who were found positive.

“He has coughs, he has been experiencing some symptoms, hindi niya lahat dineclare ito.

“Talagang misdeclared lahat yung other items, not all the top items, yung inilagay niya.

Continue reading below ↓

“So, isa yun, kaya pinapaimbestigahan ko.”

Ayon sa PSG Chief, hihintayin niya ang resulta ng imbestigasyon tsaka siya magpapasya ng isasampang kaso kay Congressman Yap.

Sinabi ni Durante, pinag-quarantine na niya ang anim na tauhan ng PSG na na-expose sa kongresista.

Tinaya rin si Durante sa nasa 20 katao ang nakasalamuha ni Congressman Yap sa Malacañang.

Continue reading below ↓

Bukod sa mga taga-Office of the President, kasama rin sa mga na-expose sa kongresista ang mga tauhan ng Malacañang at maging ilang waiter.

Nakasama ni Congressman Yap sa Palasyo nitong Sabado sina Senate President Tito Sotto, Senators Bong Go at Pia Cayetano, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte.

Dumalo rin sa meeting ang mga miyembro ng Gabinete na sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Wendel Avisado, at Interior Secretary Eduardo Año.

SENATOR BONG GO IN SELF-QUARANTINE

At press time, si Senator Bong Go pa lang ang nagkumpirmang naka-quarantine siya.

“We are currently initiating contact tracing, particularly to those who attended the meeting I attended last Saturday,” saad sa pahayag ni Senator Go sa media.

Wala ring report kung nag-quarantine o muling nagpa-COVID test si Pangulong Duterte.

Sa pahayag ni Congressman Yap nitong Miyerkules, una na siyang humingi ng “patawad at pag-unawa mula sa mga taong nakasalamuha ko.”

Continue reading below ↓

SAME CIRCUMSTANCES AS SENATOR KOKO

Ganitong-ganito rin ang mga pangyayaring nakapalibot kay Senator Koko Pimentel.

Nauna na siyang lumabag sa protocols ng Department of Health.

Habang siya ay isa nang PUI, pumasok siya at nanatili sa Makati Medical City para ihatid ang asawang manganganak via cesarian operation.

Wala siyang sinabihan ng kanyang kondisyon.

Nagdahilan pa itong nakuha niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test, na nagsasabing positibo siya, nang nasa ospital na ito.

Naglabas ng statement ang Makati Med, na nagsabing nakasama pa ang senador sa napakahirap nang kondisyon ng mga health workers nito, na kinailangang i-quarantine.

Bilang senador, walang naniniwalang hindi niya alam ang protocol na nagsasabing basta nagpa-virus test ka, ito ay dahil na-expose ka sa isang positibo sa COVID-19 at may sintomas ka na.

Ibig sabihin din, ikaw ay pasok na sa kategorya ng PUI.

Dagdag pa, napag-alaman ding nag-grocery pa ang dating Senate president sa S&R sa BGC, Taguig City noong panahong PUI na siya.

Mainit na hinihingi ng ilang netizens ang resignation ng senador.

Binabalak namang magsampa ng kaso ng isang pinagsanib na grupo ng mga abugado at law students.

Samantala, nagsabi ang Justice Secretary ng Duterte administration na kailangan ng "compassion" para sa senador sa ganitong panahon ng krisis.

Ibig sabihin ay hindi nito kinokonsidera ang pag-file ng charges laban sa senador.


Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap is now being probed by the Presidential Security Group for breaching Malacañang protocols, after he joined Cabinet officials and other lawmakers at the Palace last March 21, when he was already a PUI. The lawmaker announced that he tested positive for COVID-19 on March 25.
PHOTO/S: @congericgoyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results