Is TikTok the way to Mayor Vico Sotto's heart? Angeline Quinto reacts

by Rachelle Siazon
Mar 27, 2020
"Gagalingan ko pong mag-TikTok." Kapamilya singer Angeline Quinto quips about wanting to apply as Pasig City Mayor Vico Sotto's girlfriend.
PHOTO/S: @vicosotto / @loveangelinequinto Instagram

Tila kada araw ay nadadagdagan ang mga babaeng humahanga kay Pasig City Mayor Vico Sotto, 30.

Isa na rito ang singer na si Angeline Quinto, 30, na nag-post ng meme tungkol sa umano'y ideal girlfriend ni Vico.

Sa meme, makikita ang litrato ni Vico na may kalakip na quote.

Sabi raw ni Vico: "Simple lang naman ang gusto ko sa isang babae, yung mahilig kumain, at medyo kalog, lalo na yung NAGTITIKTOK.

"Tumatanggap na po ako ng mga aplikante ngayon."

Pabirong kinilig si Angeline sa nabasang meme tungkol kay Vico.

Tweet ni Angeline: "Mayor Vico, hayaan niyo po mas gagalingan ko pa Mag Tiktok para siguradong pasado po."

Nilagyan pa ito ni Angeline ng angel, praying, at smile emojis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ang TikTok ang sikat na video-sharing app na pinagkakaabalahan ngayon ng netizens sa social media.

Mapapanood doon ang mga dance craze, dubsmash, at iba pang kuwelang videos.

May logo ng isang publication ang meme tungkol kay Vico para magmukha itong kapani-paniwala.

Pero napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na walang inilabas ang The Philippine STAR na ganoong quote mula sa alkalde.

Gawa-gawa lang ito ng ibang netizens.

May isa lang pagkakataon na napa-react si Vico sa isang TikTok video.

Iyon ay nang nagulat siya na pati ang ina niyang si Coney Reyes ay nakisali sa TikTok video ni Samantha Lopez noong March 4.

Magkasama sina Coney at Samantha sa GMA-7 primetime series na Love of My Life.

NO TIME FOR LOVE

Sa kaso ng love life ni Vico, malinaw na hindi ito ang prayoridad niya ngayon.

Sa panayam ng DZMM noong March 19, pasimpleng tinanong si Vico kung kailan niya planong mag-asawa.

Continue reading below ↓

"Pagkatapos po nitong ano natin... Pokus muna tayo," natatawang sabi ni Vico.

Pang-uusisa pa rin ng news anchor kay Vico, "Artista ba ang girlfriend, Mayor?"

Sagot ulit ni Vico, "Naku! Huwag na nating pag-usapan yung mga ganyan. Pokus muna tayo sa trabaho."

Abala si Vico sa pagpapatupad ng iba't ibang paraan para mapanatiling safe at maayos ang pamumuhay ng mga nasasakupan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ito ang lalong ikinabilib ng mga tagasuporta ng alkalde, na sa edad na 30 ay nagagawan ng paraan na mabilis ang pagresponde sa krisis na pinagdadaanan ng bansa.

STILL SINGLE

Single si Vico at minsang nagsabi kung ano ang hinahanap niya sa isang ideal girlfriend.

"Ang gusto ko po sana—although hindi naman po tayo magiging choosy ano—gusto ko ho sana yung matalino.

"May hitsura naman. Nothing special," saad ni Vico.

Dagdag niya, "Actually, more than matalino, gusto ko ho sana yung same wavelength kami.

Continue reading below ↓

"Nagkakaintindihan, lalo na pagdating sa mga topic tungkol sa governance."

Base ito sa panayam kay Vico sa GMA News TV show na Bawal Ang Pasaway noong August 2019.

Sabi pa noon ni Vico, siguro ay mapagtutuunan niya ng pansin ang love life bago siya tumuntong ng 40 years old.

"Sa ngayon, masasabi ko na lang po diyan, Diyos na lang po bahala," ani Vico.

Sabay biro niya, "Pero tumatanggap naman po ako ng aplikante."

Mula noon ay mailap na si Vico tungkol sa mga tanong na may kinalaman sa love life.

NETIZENS CRUSHING ON VICO

Sa kabilang banda, hindi mapigilan ang netizens na humahanga kay Vico.

Marami na sa kanila ang gustong "mag-apply" bilang girlfriend ng Pasig mayor:

Continue reading below ↓

May iba ring netizens ang kuwelang umaaktong girlfriend ni Vico.

Pati ang pagsalang ni Vico sa Facebook Live para mag-update sa mga Pasigueño ay ginamit na meme.

Kunwari ay personal na nagbi-video chat daw sa kanila ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gagalingan ko pong mag-TikTok." Kapamilya singer Angeline Quinto quips about wanting to apply as Pasig City Mayor Vico Sotto's girlfriend.
PHOTO/S: @vicosotto / @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results