Marcos family gives contradictory statements about Bongbong Marcos COVID-19 test result

by Bernie V. Franco
Mar 27, 2020
Bongbong Marcos and son Sandro are one in saying that the former senator is still awaiting the result of his COVID-19 test. In a separate statement, Atty. Liza Marcos, Bongbong's wife, says they have all been tested and that the result is they're all negative for COVID-19.
PHOTO/S: Sandro Marcos Instagram

Tila magkakaiba ang pahayag ng mga kapamilya ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., 62, tungkol sa COVID-19 test result nito.

Base sa lumabas na pahayag ni Bongbong mismo kahapon, March 26, nagpa-test na ang dating senador ngunit hindi pa niya nakukuha ang resulta.

Sabi ni Bongbong: “As my sister said, a few days ago I was feeling a little under the weather and as a result went to get checked. We are still waiting for the results.”

Pero sa hiwalay na statement ng misis niyang si Atty. Liza Araneta Marcos, lumabas na raw ang resulta ng COVID-19 test ni Bongbong.

Negatibo raw ito.

Ayon pa kay Atty. Liza, hindi lang si Bongbong ang nagpa-COVID-19 test, kundi pati silang pamilya at ang buong staff nila, at lahat sila ay negatibo.

Maliban dito, isang araw lang ay nakuha na raw nila ang resulta.

Bahagi ng statement ni Atty. Liza: “Yesterday, we had ourselves and our entire staff tested for COVID-19. Fortunately, we all tested NEGATIVE.”

Continue reading below ↓

Naglabas ng magkahiwalay na pahayag ang mag-asawang Bongbong at Liza matapos lumabas ang balitang nasa kritikal na kundisyon ang tanging anak na lalaki ng yumaong President Ferdinand Marcos at Imelda Romualdez.

Ito raw ay matapos magbihaye si Bongbong sa Spain, ang bansang sa ngayon ay nagtatalaga ng pangalawang pinakamataas na bilang ng patay mula sa COVID-19, matapos ng Italy.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon naman sa bali-balita, inilipad diumano sa Singapore ang dating presidential son para doon gamutin, at sakay ito ng eroplano ni Chavit Singson, isang kaalyado ng mga Marcos sa Ilocos.

Mahigpit itong pinabulaanan ng misis ni Bongbong.

Kalakip ng mga pahayag nina Bongbong at Liza ang larawan ng dating senador, na nakaupo sa kama at may hawak na isyu ng isang pahayagan noong araw na iyon.

Ito ay upang patunayang mali umano ang mga lumalabas na balita tungkol sa kalusugan ni Bongbong.

Narito ang magkahiwalay at tila taliwas na pahayag nina Bongbong at Liza na lumabas sa social media at sa news websites:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SANDRO MARCOS ON RESULT OF DAD'S COVID-19 TEST

Ayon naman sa panganay na anak nina Bongbong at Liza na si Sandro Marcos, hindi pa nakukuha ng kanyang ama ang resulta ng COVID-19 test nito.

Base ito sa sagot ng 25-anyos na binata sa isang netizen na nagtanong kung bakit nakapagpa-COVID-19 test na ang pamilya ni Bongbong at nakuha agad ang resulta.

Ikinumpara ng netizen ang estado ng pamilya Marcos sa estado ng frontliners at Persons Under Investigation (PUIs) na namamatay na lang ay wala pa ring resulta ang kanilang COVID-19 tests.

Sa tweet niya kahapon, March 26, itinanggi ni Sandro na may resulta na ang COVID-19 test sa kanyang ama.

Itinanggi rin ng binata na sumailalim siya sa parehong test.

Pahayag ni Sandro: “Sorry po but my dad has not yet received the test results, pending pa.

“He went to St Lukes BGC alone.

“I have not taken the test anywhere because no symptoms but am on self quarantine.”

Continue reading below ↓

Wala nang iba pang detalyeng ibinigay si Sandro.

Nitong mga nakalipas na araw, malaking usapin ang impormasyong nangunguna ang top-ranking government officials sa COVID-19 testing, at inaakusahang lumalabag sa Department of Health protocol.

Sa naturang protocol, ang direktiba ay unahin sa COVID-19 testing ang mga pasyenteng 65-anyos pataas, at iyong mga nagtataglay ng marami at malubhang sintomas.

Continue reading below ↓

BONGBONG SERIOUSLY ILL DUE TO COVID-19?

Kahapon, sa panayam ni Erwin Tulfo kay Senator Imee Marcos sa radyo, tinawag nitong “fake news” ang balitang malubha ang lagay ng kapatid na si Bongbong at inilipad ito sa Singapore.

Tanong ng radio-TV broadcaster: “Actually, Ma’m, e, si Utol ninyo, napi-fake news ngayon na serious daw si BBM, at sinugod na sa Singapore dahil hindi na raw kaya ng mga doktor dito, e.

“Tinawagan ko ang kanyang chief-of-staff, sabi, ‘Sir, nagpapahinga si BBM at mag-e-exercise pa maya-maya.’

“Ano ho ba talaga ang totoo?”

Sagot ng senadora, fake news daw ito.

Pero inamin niyang hindi pa sila nagkikita ni Bongbong mula nang bumalik ito sa Pilipinas.

Sabi ni Imee, “Naku, Erwin, hindi naman totoo yun kasi ang balita ko… hindi rin kami nagkita, e.

“Hindi pa kami nagkikita ni Bongbong, kasi last week, dumating galing sa Spain yata, e.

“Masama yung lagay, dire-diretso sa bahay, wala naman daw pupuntahang quarantine, e.

Continue reading below ↓

“After a few days, nagpa-test na siya, e."

Komento pa Imee, ang panganay sa mga anak ni Ferdinand at Imelda, “Talaga namang itong mga fake news, hindi nakakatulong sa panahon ng tunay na sakuna, ano ba naman ito!”

Kahapon din ay nagpadala ng mensahe si Senator Imee sa reporters at sinabing wala pang resulta ang COVID-19 test ng kapatid.

Banggit pa nito, nalaman lang niya ang kumakalat na balita tungkol kay Bongbong sa pamamagitan ng Messenger group ng kanilang pamilya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bongbong Marcos and son Sandro are one in saying that the former senator is still awaiting the result of his COVID-19 test. In a separate statement, Atty. Liza Marcos, Bongbong's wife, says they have all been tested and that the result is they're all negative for COVID-19.
PHOTO/S: Sandro Marcos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results