Senator Dick Gordon defends Senator Koko Pimentel against public outrage

by Arniel C. Serato
Mar 27, 2020
Senator Richard "Dick" Gordon on Senator Aquilino "Koko" Pimentel III: "Now is not the time na magsisihan tayo. I think nag-apologize na yung tao. Alam mo, bagong kasal 'yan at may anak siyang caesarean ang mangyayari.”
PHOTO/S: Courtesy: Dick Gordon / Senator Koko Pimentel on Facebook

Nakahanap ng kakampi si Senator Aquilino "Koko" Pimentel III sa katauhan ng kapwa mambabatas na si Senator Richard "Dick" Gordon.

Kaugnay ito ng paglabag ni Pimentel sa hospital infection control protocols ng Makati Medical Center (MMC).

Sinamahan ng senador ang asawang si Kath Yu-Pimentel sa ospital noong March 24, gayong isa na pala siyang Person Under Investigation (PUI).

Sa panayam kay Gordon ng Dobol B sa News TV ngayong araw, March 27, umapela ang mambabatas sa publiko na huwag masyadong husgahan si Pimentel sa nagawa nito.

Saad pa ni Gordon, "Kilala ko si Koko.

"Matinong tao 'yan, hindi salbahe ‘yan, hindi nang-aabuso.

“Huwag naman nating pagpiyestahan.”

Hindi raw panahon ngayon para magsisihan dahil nahaharap ang Pilipinas at ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng senador, "Now is not the time na magsisihan tayo.

“I think nag-apologize na yung tao.

"Alam mo, bagong kasal 'yan at may anak siyang caesarean ang mangyayari.”

Continue reading below ↓

Alam daw ni Gordon na nagkamali ang kapwa senador. Lumabas kasi ng bahay si Pimentel kahit dapat ay sumailalim na ito sa self-quarantine matapos magpasuri para sa COVID-19.

Sabi ni Gordon, "Ang daming taong umiikot na mayroong ganyan, hindi lang ho senador 'yan.

“Pero dapat talaga nagbigay siya ng magandang halimbawa.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngunit, sa kaso ng mga ordinaryong mamamayang lumalabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, hindi sila tinatrato ng mga awtoridad with kid gloves gaya ng pagtrato nila kay Pimentel.

Kaagad silang hinuhuli at dinadala sa barangay hall o di kaya'y diretso sa police station. Ang iba ay pinagmumulta pa.

PIMENTEL FACES PUBLIC OUTRAGE, POSSIBLE COURT CASE

Dahil sa nangyari, umusbong ang galit ng taumbayan sa senador.

Hindi raw ito nag-iisip gayo't marami pa siyang maaaring mahawaan.

May mga nanawagan na ring magbitiw ito sa tungkulin.

Naghayag din ng kanyang pagkadismaya si Angel Locsin sa senador na kanyang inendorso noong 2007 elections.

Continue reading below ↓

Humingi na ng paumanhin si Pimentel sa pamunuaan ng MMC, na kinondena ang kanyang ginawa.

Ayon sa pahayag ng ospital: “We denounce the irresponsible and reckless action of the senator.

“He added to the burden of a hospital trying to respond in its most competent and aggressive manner to cope with the daunting challenges of this CoViD-19 outbreak.”

May grupo rin ng abugado na naghahanda ng reklamong isasampa nila sa korte laban kay Senator Pimentel.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Richard "Dick" Gordon on Senator Aquilino "Koko" Pimentel III: "Now is not the time na magsisihan tayo. I think nag-apologize na yung tao. Alam mo, bagong kasal 'yan at may anak siyang caesarean ang mangyayari.”
PHOTO/S: Courtesy: Dick Gordon / Senator Koko Pimentel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results