Congressman Eric Yap negative for COVID-19; RITM apologizes

by Arniel C. Serato
Mar 27, 2020
ACT-CIS Party-list Congressman accepts apology of RITM: "Naintindihan ko, they are the busiest medical facility in the country right now. Its not an excuse pero normal na nagkakaroon ng pagkakamali sa dami at sa pressure na tinatanggap ng RITM ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: Cong. Eric Yap Go / Mindavote on Facebook

Negatibo sa COVID-19 si ACT-CIS Party-List Representative Eric Go Yap.

Ito ang kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang nagproseso sa COVID-19 test ng mambabatas.

Kaagad din silang humingi ng paumanhin kay Yap.

Pahayag ng RITM, na naka-post sa official Facebook page nito:

"We wish to publicly apologize to Cong. Eric Go Yap of ACT-CIS Partylist for forwarding a report of his COVID-19 results that displayed a clerical oversight.

"Rep. Yap remains negative of COVID-19."

Isolated incident lamang daw ito ng encoding error.

Dagdag pa sa statement: "His results are by no means a false positive.

"This isolated incident was brought about by an encoding error which was discovered late last night by the Molecular Biology Laboratory (MBL) of the Department of Health-Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM).

"We maintain that our testing process is compliant with the World Health Organization (WHO) protocol, and that our results remain accurate despite this incident.

Continue reading below ↓

"The polymerase chain reaction (PCR) testing procedure still stands as the gold standard in detecting the genetic sequence of the SARS-CoV-2—the virus that causes COVID-19."

Kasunod nito, sinabi ng RITM na nahaharap sa administrative sanction ang nagkamaling staff, na hindi raw bahagi ng kanilang regular workforce.

"Again, we profusely and sincerely apologize to Hon. Eric Go Yap for the unnecessary discomfort this incident has caused.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"The individual responsible for the incident was enlisted as an augmentation staff from outside the regular workforce of the laboratory.

"Said employee is already being dealt with administratively."

Sinabi rin ng RITM na gumawa sila ng double-checking sa mga nailabas na nilang results.

"For the assurance of the public, we have reviewed all results we have previously forwarded and we affirm that this incident remains isolated."

Naglagay din daw sila ng karagdagang pag-verify ng results sa hinaharap.

"We have also added another layer of verification for all succeeding reports we will submit.

"We promise that this, and other associated incidents, will never happen again."

Continue reading below ↓

APOLOGY ACCEPTED

Sa isang pahayag, tinanggap naman agad ni Congressman Yap ang apology ng RITM.

Sa pamamagitan ng Facebook page ng Mindavote, inamin ng kongresista na labis siyang nahirapan sa nakalipas na 48 oras dahil sa pagpositibo niya sa COVID-19.

Saad niya, "Its official: my test came back as negative to COVID-19.

Continue reading below ↓

"Inaamin ko, the past 48 hours has been very hard for me and to everyone around me.

"Hindi naging madali ito pero buong puso kong tinatanggap ang apology ng DOH-RITM.

"No less than DR. (Celia) Carlos called me up to explain what happened.

"Naintindihan ko, they are the busiest medical facility in the country right now.

"It's not an excuse pero normal na nagkakaroon ng pagkakamali sa dami at sa pressure na tinatanggap ng RITM ngayon."

Hindi naman daw ito nangangahulugang kailangan na niyang magsaya dahil maraming Pilipino ang apektado ng krisis.

Sabi pa niya, "I will not harbor hard feelings towards anybody and I urge everybody to stay home and keep safe from this virus.

"This is just a clerical error and should not be taken against RITM, hindi sila nagkamali ng pagprocess ng samples ko, hindi sila nagkamali ng basa ng resulats ko.

"I thank God for this news but let us not keep our guards down.

Continue reading below ↓

"Sama sama pa din natin sugpuin ang COVID!."

Hindi pa malinaw kung itutuloy pa ng Presidential Security Group (PSG) ang paghahain ng reklamo laban sa mambabatas ngayong negatibo na siya sa COVID-19.

Ayon sa naunang pahayag ng PSG, inilagay raw ni Yap sa alanganin ang ilang gabinete at ang Malacañang noong dumalo pa ito sa isang pagpupulong gayong Person Under Investigation (PUI) na pala ito.

Continue reading below ↓

Ngunit ngayon nga ay nalamang negatibo pala sa COVID-19 si Yap.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ACT-CIS Party-list Congressman accepts apology of RITM: "Naintindihan ko, they are the busiest medical facility in the country right now. Its not an excuse pero normal na nagkakaroon ng pagkakamali sa dami at sa pressure na tinatanggap ng RITM ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: Cong. Eric Yap Go / Mindavote on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results