Ellen Adarna intends to protect son with John Lloyd Cruz from "chismosas"

by Bernie V. Franco
Mar 27, 2020
While Ellen Adarna's presence in showbiz is gradually being felt again, the actress is now more careful about sharing details about her private life.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Tinabla ni Ellen Adarna, 31, ang isang netizen na nagtanong tungkol sa kanyang anak na si Elias Modesto.

Si Elias, na magdadalawang taon na sa Hunyo, ay anak ni Ellen sa dati niyang partner na si John Lloyd Cruz, 36.

Noong Huwebes, March 26, nag-post si Ellen ng video kung saan ikinuwento niya ang pinagdaanang depression sa loob ng halos tatlong taon.

Sa comments section, isang netizen ang nag-usisa sa aktres kung ilang taon na si Elias, at kung bakit wala siyang post tungkol sa anak nila ni John Lloyd.

Sarkastikong sagot ng aktres: “his father and I are protecting him and his privacy from chismosas like you”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

ELLEN MUM ABOUT CAUSE OF HER DEPRESSION

Sa video, nagkuwento ang aktres kung bakit siya sumailalim sa isang two-week mental training sa Bali, Indonesia kamakailan.

Aniya, na-diagnose siyang may depression, anxiety, at post-traumatic stress disorder.

Pero pinili ni Ellen na huwag nang ikuwento ang dahilan ng kanyang depresyon sa loob ng tatlong taon.

Masyado raw itong personal.

Lahad niya: “I don’t really want to talk about it in detail, because it’s something really personal.

“But let’s just say so many things happened all at once, in a span of four months, less than four months… everything happened.

“All the bad things that I imagined happened, and so it was very traumatic.”

Sabi pa ni Ellen, “I am the type of person who bounce back quick.

“I move on fast, I was never really the depressive kind of person.

“I always had this thing in my mind that everything is gonna be okay.

“If it’s not okay, it’s not the end.

Continue reading below ↓

“I live by that quote.”

Sa nakalipas na tatlong taon ay nagsimula ang relasyon nila ni John Lloyd, nagkaanak sila, hanggang sa magkahiwalay sila. Sa loob din ng panahong iyon, pumanaw ang ama ni Ellen.

DARK PLACE FOR ALMOST TWO, THREE YEARS

Noong simula ay hindi raw maintindihan ni Ellen ang kanyang pinagdaraanan.

“At that time I didn’t know what it was.

“I never had that anxiety that serious.

“At first, I thought that I was gonna die because everything was getting hard.

“My muscles were getting so stiff like I couldn’t breathe.

“I was just also very sad.

“I was in very dark place for two years, almost three years.

“I thought I wasn’t gonna snap out of it.

“It was that bad.”

Sa gabay ng dalawang psychiatrists, uminom siya ng anti-depressants.

Pero bandang huli ay itinigil din daw niya ito dahil hindi niya nakuha ang hinahangad na resulta.

Continue reading below ↓

Nitong kalagitnaan ng Marso ay nag-post si Ellen tungkol sa kanyang dalawang linggong retreat sa Bali, Indonesia.

Sa recent video, ipinaliwanag ni Ellen na ang kanyang training ay tinatawag na "Kokoro Program."

Ang Kokoro raw ay salitang Hapon na nangangahulugang “connecting the mind, body, and spirit or soul.

“Those three should be in harmony,” ani Ellen.

Base sa mga post ni Ellen, ang program ay kinapapalooban ng mga mahihirap na exercises na nangangailangan ng focus at meditation.

Kabilang na rito ang “standing tree meditation,” kung saan kailangan niyang tumayo sa loob ng maliit na bilog, na iginuhit sa sahig, hanggang limang oras.

Sa caption, binanggit pa ni Ellen ang mga katagang “mastering my emotions” at “it’s all in the mind.”

NEW YEAR, NEW LIFE

Pinagtuunan nina Ellen at John Lloyd ang kanilang pribadong buhay mula nang maugnay sila noong 2017.

Kung may panaka-naka mang balita tungkol sa dalawa, ito ay mula sa mga post na galing sa kanilang fans.

Continue reading below ↓

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd noong June 27, 2018.

August 2019, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sila.

Ayon sa isang PEP.ph source, co-parenting na lang umano ang dalawa.

Iba-iba ang mga lumabas na espekulasyon sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

May isyung hindi na raw masakyan ni Ellen ang gusto ni John Lloyd.

May isyung nagising na lang isang araw ang aktres na ayaw na niya, at nakipaghiwalay sa aktor.

Gayunpaman, maging sa kanilang paghihiwalay ay tahimik ang kampo nina Ellen at John Lloyd.

Sa kanyang pagbabalik sa showbiz, tila gusto nang ihiwalay ng aktres ang kanyang pamilya at pribadong buhay.

Kapansin-pansing madalas ay tungkol lamang sa sarili ang ipinu-post ni Ellen sa Instagram.

Hindi siya nagpu-post ng tungkol sa kanyang anak at pamilya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While Ellen Adarna's presence in showbiz is gradually being felt again, the actress is now more careful about sharing details about her private life.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results