Group of freelance artists raising funds for jobless members

by Jet Hitosis
Mar 29, 2020
Artists Welfare Project, Inc. (AWPI) hopes to raise funds for its freelance workers who are affected by the enhanced community quarantine against COVID-19 pandemic. One of the group's board members, Lisa Macuja-Elizalde, held a Ballet Barre online class last March 27 to raise money for jobless freelance artists.
PHOTO/S: Artists Welfare Project Inc. on Facebook, @lisamacuja on Instagram

Nangangalap ngayon ng pondo ang isang grupo ng freelance artists para masuportahan ang mga hindi nakakapaghanapbuhay sa kanila.

Kabilang sa mga wala ngayong pinagkakakitaan ay mga creative artists mula sa audio visual, entertainment, at performing arts.

Aabot sa 7,000 ang miyembro ng Artists Welfare Project, Inc. (AWPI) na labis daw naapektuhan ng tigil-trabaho.

Ang pansamantalang tigil-operasyon ay epekto ng enhanced community quarantine laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa AWPI, sila ang mga “creative industry workers who live from one gig to another, one show to the next, one production, one concert, one screenplay, one film to the next.”

Nangangahulugang per project ang bayad sa mga performers, designers, technicians, production personnel, at iba pa.

At dahil sa tigil-trabaho sa entertainment industry, walang kinikita ngayon ang libu-libong freelance artists.

CREATIVE INDUSTRY WORKERS SUFFERING SINCE JANUARY

Ayon sa AWPI, matumal na ang kita ng freelance artists simula pa noong January.

Paliwanag ng grupo, marami kasing events ang nakansela dahil sa matinding ash fall na dulot ng pagsabog ng Taal Volcano noong January 12.

Continue reading below ↓

Saad sa official statement ng AWPI, ang mga creative industry workers “have been terribly affected due to the cancellation of many events that started as early as the Taal Volcano eruption and now, the Corona Virus Outbreak and worse the Lock Down.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa gitna ng pakiusap ng gobyerno sa mga negosyante na ayudahan ang kani-kanilang empleyado, nilinaw ng AWPI na ang mga freelance artists ay walang “employer-employee relationship.”

Dagdag ng grupo, “They do not have 13th month pays, leaves, nor monthly pay slips.

“Freelance artists have no employer to run to.”

“FOOD ON THE TABLE” FOR FAMILIES OF JOBLESS ARTISTS

Ito ang dahilan kaya umaapela ang AWPI ng donasyon para sa mga apektado nitong miyembro at kanilang mga pamilya.

“Your donations go to at least 7,000 creative workers in different disciplines who seek help to get food on the table for their families.”

Ang AWPI ay pinamumunuan ni Jennifer Bonto, executive director.

Continue reading below ↓

Board of Directors ng AWPI sina Carmela Millado Manuel, Fernando Jose, Dennis Marasigan.

Kabilang din sa Board of Directors ang beteranong aktor na si Ronnie Lazaro at ang prima ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde.

Para sa mga donasyon, maaaring mag-donate sa AWPI sa mga sumusunod:

Landbank of the Philippines:

Artists Welfare Project Inc.

CA 1772-1030-73

010350025

For Credit Cards:

Paypal – jennybonto@yahoo.com

Bank of the Philippine Islands:

Jennifer Bonto CA 3130002934

Swift Code 010040018

BDO:

Jennifer Bonto SA 000500423806

Swift Code 010530667

GCash: 09266165206

I-email lang ang deposit slips at transaction receipts sa artistswelfareproject@gmail.com.

ONLINE FUNDRAISING THROUGH SHOWS, WORKSHOPS

Sa layuning makakalap ng mas maraming pondo, inilunsad din ng AWPI ang “Open House: An Online Fundraising Project for the Benefit of the Performing Arts Community.”

Saad sa AWPI website: “Through live online classes, shows, and workshops, Open House will raise funds to help our Filipino artists and creative workers in need.

Continue reading below ↓

“Donations will be used as cash assistance for the most vulnerable of artists and creative workers to help them survive this difficult period until employment (and the world) returns to normal.”

Nitong March 26, napanood ang "Co-Video 2: Chismis of the Week" online show.

Special guest sa show ang filmmaker-producer na si Quark Henares.

Nag-Facebook live naman si Lisa Macuja-Elizalde sa Ballet Barre Class nitong March 27.

Ngayong Linggo, March 29, 8:00-9:30 ng gabi, ang Third World Improv’s Powerpoint Partwi.

Sa Lunes, March 30, may Asian Movement For You classes si Jack Yabut ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Sa Martes, March 31, may Song Interpretation lectures ang mahusay na theater actor na si Audie Gemora.

At sa Miyerkules, audition workshop ang alok ng composer-musical director na si Rony Fortich.

Narito ang mga natitirang events para sa Open House sa March 30, 31, at April 1.

Continue reading below ↓

FREELANCE ARTISTS ASK FOR DOLE’S HELP

Nauna rito, lumiham na rin ang AWPI sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang humingi ng ayuda.

Hangad ng grupo na mapabilang ang mga freelance artists sa pagkakalooban ng gobyerno ng P5,000 financial assistance.

Ito ay alinsunod sa nauna nang ipinangako ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Habang hinihintay ang approval ng DOLE, sinisikap ng AWPI na mangalap ng pondo para sa mga miyembro nito.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Artists Welfare Project, Inc. (AWPI) hopes to raise funds for its freelance workers who are affected by the enhanced community quarantine against COVID-19 pandemic. One of the group's board members, Lisa Macuja-Elizalde, held a Ballet Barre online class last March 27 to raise money for jobless freelance artists.
PHOTO/S: Artists Welfare Project Inc. on Facebook, @lisamacuja on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results