Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ruby Rodriguez, husband, and son extend quarantine as PUIs

by Jet Hitosis
Mar 29, 2020
Ruby Rodriguez, husband Mark Aquino, and their son are now considered Persons Under Investigation (PUIs) after the TV host had close contact with her sister Dr. Sally Rodriguez-Gatchalian, who died from COVID-19 on March 26.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Pinalawig ang 14-day quarantine ni Ruby Rodriguez.

Itinuturing na kasing Person Under Investigation (PUI) ang 54-anyos na TV host matapos siyang magkaroon ng close contact sa kapatid na si Dr. Sally Rodriguez-Gatchalian.

Namatay si Dra. Sally, na presidente ng Philippine Pediatric Society, noong Huwebes, March 26, dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Isinasailalim sa masusing monitoring at istriktong quarantine ang mga PUIs pagkatapos ma-expose sa isang positibo sa COVID-19, at makitaan ng mga sintomas ng sakit.

PUIs na rin ang asawa ni Ruby na si Mark Aquino, at ang bunso nilang anak, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA nitong Sabado, March 28.

ONE MORE WEEK OF QUARANTINE

Ngayong Linggo, March 29, nakatakdang magtapos ang quarantine ng pamilya ni Ruby.

Pero iniulat ng 24 Oras Weekend na pinalawig pa ito ng isa pang linggo.

Hindi naman nabanggit sa report kung nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 si Ruby o ang kanyang asawa at anak.

Continue reading below ↓

Nitong Huwebes, nag-post si Ruby sa Instagram ng madamdaming mensahe para sa kanyang kapatid, na tinatawag niyang Manang Sally.

Sa kanyang post, idinaan ng TV host sa masayang pamamaalam sa kapatid ang kanyang pagluluksa.

THE NINTH DOCTOR TO LOSE THE COVID-19 BATTLE

Si Dra. Sally ang ikasiyam na healthcare frontliner na pumanaw dahil sa virus.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kasalukuyan, 12 doctors na ang namatay, ayon sa Philippine Medical Association.

Sa latest update ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo, March 29, may kabuuang 1,418 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 42 naman ang gumaling, at 71 ang namatay.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez, husband Mark Aquino, and their son are now considered Persons Under Investigation (PUIs) after the TV host had close contact with her sister Dr. Sally Rodriguez-Gatchalian, who died from COVID-19 on March 26.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results