Netizen not satisfied with Bela Padilla posts about how cash donations were spent; twits actress: “3M na yun?”

by Jet Hitosis
Mar 31, 2020
Bela Padilla answers netizen's query on how she used the PHP3.3-million cash donations that she raised two weeks ago, with the help of a crowd-funding website: "Everything was already donated and distributed."
PHOTO/S: @bela on Instagram

Sinagot ni Bela Padilla ang pag-uusisa ng isang netizen sa kung saan napunta ang PHP3.3 million cash donations na nakalap ng aktres.

Katatapos lang isailalim ang Metro Manila sa community quarantine nang maglunsad ng online fundraising si Bela noong March 15.

Layunin ng 28-anyos na aktres na magbigay ng food donation sa pamilya ng mga vendors at iba pang informal workers na hindi nakakapagtrabaho dahil sa quarantine.

PHP1 million lang ang initial target na malikom ng Pagkain Para Sa Pinoy ni Bela sa crowdfunding website na gogetfunding.com.

Pero wala pang tatlong araw, nakakalap na ang aktres ng kabuuang PHP3.3 million cash donations.

BELA LAUNCHES RELIEF OPERATIONS

Nitong March 19, ibinahagi ni Bela sa isang Instagram post ang litrato niya sa loob ng bus kasama ang mga tauhan ng Philippine Army.

Kasama ng aktres ang Army sa pamamahagi ng relief goods sa pami-pamilya ng informal workers.

Batay sa caption ni Bela, inaabutan din ng kanyang grupo ng relief goods ang mga nakatira sa lansangan, at maging ang frontliners sa nadadaanan nilang checkpoints.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang iba pang mga litrato at videos sa relief operations ay ipinost ni Bela sa kanyang Instagram Stories.

Maliban sa naturang litrato kasama ang Army, wala nang ibang post sa Instagram feed ng aktres tungkol sa pamamahagi niya ng tulong.

“ANO NA KAYA NANGYARI SA 3M DONATION?”

Ito marahil ang napansin ng isang netizen, na direktang nag-usisa kay Bela nitong Linggo, March 29.

Continue reading below ↓

Nagkomento ang netizen sa latest post ni Bela ng litrato nito habang nakangiti at kumakain.

Ti-nag ni Bela sa caption ang isa niyang kaibigan (published as is): “Until tomorrow.

“Thank you @yukaohno_ [face with tears of joy emoji] (it’s the 23rd hour now and I can delete this soon, but I won’t. Because who the hell cares what we look like, specially now?) [face with tears of joy emoji]

“Be silly. Be funny. Be lovely.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, mababasa ang tanong ng netizen kay Bela: “Ano na kaya nangyari sa 3M donation? [thinking face emoji]”

Sinagot ng aktres ang tanong: “everything was already donated and distributed.

“Please check my highlights for reference [smiley]”

Kaagad namang kinuyog ang netizen ng mga batikos mula sa Instagram followers ni Bela.

Continue reading below ↓

Tinawag nila itong “rude” at “bastos.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pero mistulang hindi nakuntento ang netizen sa sagot ni Bela kaya may bahid ng sarcasm ang kasunod nitong tanong:

“3M na yun? Hahahaha”

Maayos ang panibagong reply ni Bela: “yup [smiley] last donations went out last Friday. [OK hand sign emoji]”

Continue reading below ↓

Ang "Friday" na tinukoy ni Bela ay nitong March 27.

THREE BATCHES OF RELIEF OPERATIONS

Sa Instagram highlights ng aktres noong nakaraang linggo, makikita ang mga litrato at videos niya sa relief operations.

Katuwang ang ilang tauhan ng Army, nagtungo si Bela sa membership shopping store na Landers para mag-pick up ng kahun-kahong de-lata, instant noodles, at iba pang food items.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga kahon ng food items ang isinakay sa hiwalay na mga sasakyan para i-deliver sa Caritas Manila.

Ang Caritas ang isa sa pinakamalalaking Catholic non-profit organizations sa bansa, na regular na nagbibigay-ayuda sa mahihirap.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ipinaabot ng Caritas ang pasasalamat kay Bela.

Continue reading below ↓

Matapos i-repack ang iba pang grocery items, sa Maynila at Makati City namahagi ng tulong ang grupo ni Bela.

Sa highlights din makikita ang detalye ng tatlong batch ng relief operations ng aktres.

Paliwanag niya, “we divided everything into 3 so we could cover more areas.”

Ayon kay Bela, ang unang batch ay para sa Caritas Manila.

Continue reading below ↓

Ang ikalawa ang naghatid ng pinakamalaking bulto ng relief packs sa Quezon City at Pasay City.

Sa 3rd batch, sumama si Bela sa Army sa Maynila at Makati “to personally check how it was being done.”

Continue reading below ↓

“NONE OF THE FUNDS ARE IN MY HANDS YET”

Sa breakdown ng nagastos sa nakalap na cash donations, sinabi ni Bela na PHP2 million pa lang sa PHP3.3 million ang nagastos niya.

Paliwanag ng aktres, “Out of 3.3M pesos I only used 2M first because none of the funds are in my hands yet.”

Sa post na ito ni Bela noong nakaraang linggo, sinabi niyang 21 araw pa ang hihintayin bago i-release ng PayPal ang natitira pang PHP1.3 million sa cash donations.

Pero para maikasa na kaagad ang relief operations, “I used my own money first.”

Ang unang PHP1 million ay ipinamili ni Bela ng mga pagkain para sa Caritas Manila.

Ang isa pang PHP1 million, ginastos ng aktres sa pamimili ng mga food at grocery items sa Landers.

Hinati-hati raw niya ito "between the PWDS, the homeless, the street vendors" sa Maynila, Makati, Quezon City, at Pasay.

Binanggit ni Bela na naghihintay pa siyang makumpleto ang PHP3.3 million cash donations upang maisagawa ang “part 2” ng relief operations.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, ang binanggit ng aktres na "last donations" sa mausisang netizen ay bahagi ng part 1 ng relief operations.

Nagpasalamat din si Bela sa lahat ng nagpaabot ng tulong—at sa mga nagnanais pang mag-donate.

Mababasa sa post ni Bela: “Looking forward to part 2 and thank you to the people reaching out now and are willing to donate more.

“I hope you understand that I won’t accept further donations first until I finish sending out food from the initial funds.”

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla answers netizen's query on how she used the PHP3.3-million cash donations that she raised two weeks ago, with the help of a crowd-funding website: "Everything was already donated and distributed."
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results