Three transwomen accuse multimedia artist Sam Morales of catfishing, a practice of internet predators  

by Rachelle Siazon
Mar 31, 2020
Transwomen who identify themselves as Jzan Vern (wearing specs), Josh dela Rosa (in tube top), and Ish Coldura (rightmost) tell shocking details of what they allege Sam Morales (leftmost) made them go through. "I just wanted to love and be loved. I DON'T DESERVE THIS. NO ONE DOES," tweets Jzan Vern, the first among them to speak up about catfishing.
PHOTO/S: CTTO / @jzanvern / @illuminaticurls / @ishsexi6 Twitter

"I got catfished."

Isa-isang lumantad ang tatlong transgender women na biktima diumano ng catfishing modus operandi ng isang nagngangalang Sam Morales.

Ang catfishing, ayon sa urban dictionary, ay ang mapang-abusong gawain ng "internet predators" na nagki-create ng fake online identities at fake social circles para makabitag ng mga taong makakarelasyon.

Trending topic sa Twitter ang "Sam Morales" mula Lunes ng gabi, March 30, hanggang sa habang isinusulat ang artikulong ito.

Si Sam ang tinukoy na mastermind diumano ng catfishing na isiniwalat ng tatlong nagpakilalang transwomen—sina Jzan Vern Tero (@JzanVern), Josh dela Rosa (@illuminaticurls), at Ish Coldura (@ishsexi6).

May makisig na lalaki raw silang nakarelasyon, pero natuklasan nilang lahat sa huli na ang tunay na katauhan nito ay si Sam Morales.

Makikita sa Vimeo account ni Sam ang ilan sa ginawa nitong videos para sa ilang beauty at fashion brands.

Tila naman deactivated na ang Instagram (@samrmorales) at Twitter (@moralessamr) accounts nito.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram bio ay tinukoy ni Sam ang sarili bilang isang filmmaker. Hilig niya ang paggawa ng videos at photography.

JZAN VERN OF CEBU

Unang lumantad si Jzan Vern, na naninirahan sa Cebu City at nag-aaral ng kursong interior design.

Idinetalye ni Jzan kung paano niya nahuli ang panloloko sa kanya ni Sam at ang pakikipagsabwatan umano nito sa isang lalaking akala niya ay minahal siya nang totoo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Naka-match ni Jzan sa Tinder ang isang lalaking nagngangalang "Bill Iver Reyes."

Ang Tinder ay isang online dating app kung saan makakapalitan ng mensahe ng isang netizen ang sinumang maka-match nito roon.

Si Bill ay nagpakilalang art director at part-time model na naninirahan sa Makati. Twenty-four years old daw ito.

Ilang weeks pa lang daw silang magkakilala nang magsabi raw si Bill na lilipad ito pa-Cebu para sa trabaho.

Talagang excited daw si Jzan na makita sa personal si Bill, pero kabado rin daw siya dahil baka poser lang ang lalaki.

"Ive had many experiences with catfishing so obv i had my doubts. Lagi ko tinatanong 'you’re really coming diba?' 'Ure not a poser diba'

"Annoyed, Sabi niya 'Oo papunta na nga ako airport eto flight number ko PR ####'

"Obv flight details are public records so medj suspicious parin ako but dinedma ko 'okay ill shower then ill go to the airport na.'"

Continue reading below ↓

Laking-gulat daw ni Jzan na pagkaligo lang niya ay biglang iniwasan na siya ni Bill, na susunduin pa lang sana niya sa Cebu airport.

"Literally after i showered, wala na.

"Blocked na ako sa viber, inunmatch na ako sa Tinder and i was mad AF.

"Ofcourse he’s fake lol Naluha ako kasi naging close kami after weeks of talking.

"Tapos poser pala. I was right all along...until..."

Tapos, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sinuyo raw siya uli ni Bill.

Nangatwiran daw si Bill na naging abala siya sa isang "shoot," at nagpadala pa ng "screenshots" bilang patunay na may iba itong inasikasong trabaho.

Ayon kay Jzan, "HALATANG EDITED" ang ipinakitang mga litrato sa kanya ni Bill kaya ayaw niyang maniwala sa "palusot" nito.

Pero naglaho ang pakiramdam niyang "100% poser" si Bill nang biglang mag-video call ito sa kanya.

Naisip ni Jzan na sinsero pala sa kanya ang lalaki dahil naglakas-loob itong ipakita ang kanyang mukha.

Continue reading below ↓

"Basically ini-in your face niya ko na 'hoy di ako poser.' At that point I WAS CONFUSED AF. T*ng ina? Ano yun."

Hinayaan daw ni Jzan na maging "marupok" at "gullible siya" sa ngalan ng umuusbong na pagtatangi niya para kay Bill.

Pag-amin pa ni Jzan, "It went on for MONTHS this time.

Continue reading below ↓

"Sobrang saya ko with him, he really made me feel like I was special.

"That i was accepted, that my flaws didn’t matter. He made me feel beautiful and loved."

Jzan FALLS FOR BILL

Lalo pa raw napalapit si Jzan kay Bill dahil ulilang lubos umano ito.

Kuwento niya (published as is): "He became very open to me about his parents died when he was still young, and how he had to live by himself at such a young age until he became an orphan living with his bestfriend and his mom na kumupkop sa kanya.

"About how his ex cheated on him etc.

"SOBRANG MMK NG STORY NIYA LOL"

Bukod dito ay nagkasundo nang husto sina Jzan at Bill dahil sa pareho nilang hilig ang arts at design.

Bilang interior design student, hanga raw si Jzan na narating ni Bill ang pagiging "art director" sa murang edad.

Bilib din si Jzan sa financial capability ni Bill na magpundar ng sariling condo unit at mag-ipon para makabili ng kotse.

Continue reading below ↓

Higit sa lahat, ipinadama raw ni Bill ang lubos na pagpapahalaga nito sa kanya bilang transwoman.

"He would always push me to become better, we were growing together.

"I would help him with design choices sa branding ng clients na hinahandle niya, he would help me with my plates presentation and would do my layouts for me.

"And pinakaimportante he saw the woman in me."

Araw-araw raw magpalitan ng text messages sina Jzan at Bill.

Bihira raw silang magkausap sa Facetime, na isang video call app.

Pero nagkasya na raw si Jzan sa paliwanag ni Bill na "Hindi daw talaga siya maphone how much more facetimes or phonecalls."

Naniwala naman si Jzan.

"Kasi naririnig ko siya, nakikita ko siya sa videocall minsan.

"So my mind was set na, 'Okay, totoo siya' i didn’t have to worry about that issue anymore."

SAM ENTERS THE PICTURE

Patuloy na nakipagrelasyon si Jzan kay Bill kahit na nagkaroon sila ng "big fight" dahil sa selosan, na nauwi umano sa pagkawala ng trabaho ni Bill.

Continue reading below ↓

Isang linggong AWOL (Absent Without Leave) si Bill dahil sa pagdaramdam umano kay Jzan.

Sa puntong ito unang binanggit ni Jzan ang pangalang Sam Morales.

Si Sam daw ang nag-iisang "contact" niya na "friend" ni Bill.

Ipinakita ni Jzan ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Sam tungkol sa pag-aalala nila kay Bill.

Continue reading below ↓

Umabot daw sa puntong umalis si Bill sa bahay ng foster parents nito at lumipat sa isang condo unit, na hindi raw nito tinitirhan noon dahil takot mapag-isa.

Pero nagkaayos pa rin daw noon sina Jzan at Bill.

Pagkalipas ng dalawang buwan, bigla raw iminungkahi ni Bill kay Jzan ang plano nitong manirahan sa Cebu.

Handa raw si Bill ibenta ang condo nito sa Makati at lumipat sa Cebu para mas mapalapit kay Jzan.

MEETING BILL FOR THE FIRST TIME

Paniwalang-paniwala si Jzan. Dito na siya nagdesisyong bisitahin si Bill sa Maynila bago nito gawin ang big move papuntang Cebu.

Kuwento ni Jzan, "So fast forward i was otw to the airport, may dala pa akong extra luggage kasi di na daw kasya gamit niya lol.

"I WAS NERVOUS AS HELL.

"Alam ko naman totoo siya pero i was still uneasy. 'What if he doesnt show up? What if he gets cold feet? F*k! First time namin magkikita.'"

Continue reading below ↓

Naiyak sa sobrang tuwa si Jzan nang sa wakas ay makita sa personal si Bill sa Terminal 4 ng NAIA.

Sa isip daw niya, "P*TA HE’S F*CK*G REAL."

Dagdag ni Jzan, "I cried kasi na overwhelm ako and was very relieved.

"Sabi niya 'hello..' and then we hugged. It was awkward pero really good."

Pero ang sayang naramdaman niya ay agad-agad napalitan ng sakit dahil malamig ang pakikitungo sa kanya ni Bill.

Bandang alas dos ng umaga, habang kumakain sila sa isang fastfood restaurant sa airport, pilit daw niyang inaalam kung bakit "tahimik" si Bill.

"Biglang nagiba mood niya and he randomly said 'ayoko na.'

"MY HEART F*CK*G DROPPED 'ha? Ano problema? Napapangitan ka ba sakin?'

"'Hindi, ewan basta ayoko na. Iba parin talaga sa personal compared sa chat eh.' I was speechless at this point."

Hindi makapaniwala si Jzan na lumuwas siya ng Maynila para lang hiwalayan siya ni Bill.

Continue reading below ↓

"THEN HE F*CK*G WALKED OUT. 'Sorry Jzan, ayoko na talaga' literal na iniwan ako."

Maya-maya pa ay kinompronta raw ni Jzan si Bill tungkol sa pang-iiwan nito sa kanya sa ere.

"Please wag mo ko iwan i dont know where to go," nagmamakaawang sabi raw ni Jzan, na hindi malaman kung saan magpapalipas ng gabi sa Maynila.

Pero kahit nasira na raw niya ang jacket ni Bill sa kakahila raw niya rito, nagmatigas pa rin ang lalaki.

Sabi raw ni Bill kay Jzan, “AYOKO NGA BITAWAN MO NA AKO!!"

Continue reading below ↓

DISCOVERING "BILKO"

Isang kaibigang taga-Maynila raw ang sumaklolo kay Jzan.

Dito nagpalipas ng gabi si Jzan, na binisita rin ng iba niyang kakilala sa Maynila.

Hindi raw pumayag ang mga kaibigan ni Jzan na palampasin ang ginawa sa kanya ng nobyong si "Bill Iver Reyes."

Kaya todo-stalk daw ang mga ito sa social media para imbestigahan ang pagkatao ni Bill.

Makalipas lang ang ilang oras, nabisto ng isang kaibigan ni Jzan ang Instagram account na may username na "Bilko Argana."

Iba ang pangalan, pero ito ang mukha ng Bill na nobyo ni Jzan.

Continue reading below ↓

Ang malala pa raw nito, apat ang nahuli nilang Instagram accounts ni Bilko Argana.

Napag-alaman din daw ni Jzan na naninirahan si Bill sa San Pablo, Laguna, at mayroon itong girlfriend.

Sabi ni Jzan: "I WAS SHAKING.

"Wow i was talking to this guy for 4 months and he lied about his identity?!?

"No social media my ass."

Gusto sana ni Jzan na harap-harapang kumprontahin si Bill sa panlolokong ginawa sa kanya.

Pero hindi raw pumayag si Bill makipagkita sa kanya.

Sa halip ay nagpadala lang ito ng text message at isang video kunsaan inulit nito ang pakikipag-break kay Jzan.

Ipinakita ni Jzan ang kopya ng video ni Bill kunsaan tinawag nitong "Jason" si Jzan.

Bahagi ng video ni Bill: "Ayoko na makipagkita kasi lalo lang hahaha.

"Tapos na tayo di ba? Ayoko na. Tatapusin ko na talaga to.

"Sorry sa lahat... pagpunta mo rito... sa lahat. Yun lang. Mag-ingat ka, okey?"

Continue reading below ↓

Hindi raw nakapagpigil si Jzan. Tinawagan niya si Bill para ipaalam ditong alam na niya ang tunay nitong pagkatao.

"I got so mad i called him 'Bilko Wagan Argana pala ha?'

"Hindi siya nakasagot. Naiyak nalang ako and i said 'F*ck you!' and i dropped the call.

"I went back to Cebu. WASAK."

Continue reading below ↓

JZAN RECONCILES WITH BILL/BILKO

Sa tulong daw ni Sam Morales, nagkaroon ng pagkakataon si Jzan makausap si Bill nang masinsinan.

Si Bill ang tumawag kay Jzan sa telepono.

Umamin daw si Bill na nagsinungaling ito tungkol sa pangalan niya. Hindi rin daw totoong ulila na siya.

"He thought na it was just libog and fun. That’s why he lied about his name," kuwento pa rin ni Jzan ukol sa confession ni Bill.

Continue reading below ↓

Sabi pa raw ni Bill kay Jzan: "But EVERYTHING ELSE IS TRUE. Totoo lahat ng nararamdaman ko."

Sa kabila ng panloloko sa kanya ni Bill, nakipag-ayos muli si Jzan sa nobyo.

Lumipas ang ilang buwan at muling nagplano sina Jzan at Bill kung kailan sila susunod na magkikita.

Nangako raw si Bill na lilipad ng Cebu, at nakapag-book umano ito ng e-ticket na may departure date na December 25, 2019.

Pero naunsiyami ito dahil sa hindi raw pinayagan si Bill ng kanyang mga magulang.

Kaka-out lang daw kasi ni Bill noon sa mga magulang nito na mayroon siyang dine-date na transgender woman—si Jzan.

Si Jzan naman ang nagplanong lumipad ng Maynila para sa Wanderland musicfest na nakatakda sanang ganapin noong March 7 & 8, 2020.

(Kinansela ng Wanderland organizer ang musicfest dahil sa COVID-19 pandemic).

Nakapag-book pa raw si Jzan ng hotel room. Pero ilang araw bago lumipad pa-Maynila, ayaw nanaman daw makipagkita sa kanya ni Bill.

Continue reading below ↓

Humingi na raw ng tulong si Jzan kay Sam Morales para mapilit nila si Bill makipagkita sa kanya.

THE SECOND MEETING WITH BILL

Sa huli, natuloy si Jzan sa Maynila, at binisita siya ni Bill.

Kasama ni Bill si Sam.

Ipinakita ni Jzan ang kopya ng video kunsaan inabutan pa siya ng bouquet of flowers ng nobyo.

Base rito, bumati pa si Jzan ng "Hi, Sam!" na ang tinutukoy umano ay si Sam Morales na siyang kumukuha ng video.

Continue reading below ↓

Hanggang sa mag-lunch sila sa BGC ay magkakasama raw silang tatlo.

Pagbalik ng hotel, tumambay pa raw si Sam kasama nila, pero umalis din ito.

"So nung kami nalang sa room. He rested for a bit and we cuddled (lol) and i tried kissing him pero ayaw niya.

Continue reading below ↓

"So i was put off at that point.

"Nangulit ako and told him 'why won’t you kiss me?' 'Ayaw lang.'"

Nakaramdam daw ng inis si Jzan sa panlalamig ng nobyo.

Pero sa huli ay may nangyari rin daw sa kanilang dalawa.

Naguguluhan man sa kilos ni Bill, sa isip-isip daw ni Jzan, "I was shocked pero ok lol sige pang last lmao."

Pagkatapos may nangyari sa kanila, sinumbatan daw siya ng lalaki at tinanong: "Masaya ka na?"

Sabi raw ni Jzan, "I WAS LIKE T*NG INA?!?! You f*ck*d me. I just wanted a kiss.

"Anong MASAYA NA BA AKO?!?!?

"I came back to my senses we dressed up and I sat down with him. 'What the f*ck is going on? Ano ba to?'"

Sa gitna ng kanilang kumprontasyon ay pareho raw naiyak sina Jzan at Bill.

SAM MORALES's ALLEGED DUPLICITY EXPOSED

Dito na raw umamin si Bill na kasabwat siya umano ni Sam Morales, at si Sam Morales ang totoong karelasyon ni Jzan.

Continue reading below ↓

Sabi raw ni Bill, “Si Sam... si sam lahat.. hindi naman ako yung kausap mo. Si sam..."

Noon na lang daw napagtagni-tagni ni Jzan na kaya pala panay Viber messages lang ang communication nila ni Bill ay dahil ang totoong nakakausap niya ay si Sam.

"Kaya pala text lang kami palagi. Kaya pala he doesnt like calling or Facetiming me.

"Kaya pala he never showed up.

"Everything is starting to make sense now."

Lumalabas na inutusan lang daw ni Sam si Bill na i-add si Jzan sa Facebook para maging kapani-paniwala ang catfishing modus operandi nito.

Tanong ni Jzan kay Bill, “Bat ka nga pumayag sa ganito?”

Sagot ni Bill, “Assistant lang kasi ako ni sam sa mga shoot. Tapos sa modelling binibigyan niya ako ng raket. Ayoko lang mawalan ng trabaho."

Hindi mapakapaniwala si Jzan na sa loob ng walong buwang pakikipagrelasyon niya kay Bill ay si Sam pala talaga ang ka-interact niya.

Continue reading below ↓

"Ginago nila ako for 8 long months."

Dagdag nito tungkol kay Sam, "I never expected someone this talented to be this f*ck*d up.

"She’s worked with big names and brands in the industry.

"WHO WOULD’VE F*CK*G THOUGHT?!?"

Pagmumuni ni Jzan, "No wonder SAM was always in the picture. Even from the start. I feel so stupid. Im embarrased. I feel like shit."

Continue reading below ↓

SAM CLAIMS "gay people" bullied her AS A CHILD

Nagkaroon daw ng pagkakataong magkausap sa telepono sina Jzan at Sam.

Kuwento ni Jzan, ipinaliwanag daw ni Sam na may trauma ito sa makailang-beses na pambu-bully daw sa kanya ng "gay people" noong bata pa lang ito.

Nalaman daw ito ng "homophobic uncle" ni Sam kaya ipinaghiganti raw nito si Sam.

May "nilandi" at pinaibig raw ang uncle ni Sam na isang gay, at nang magsawa ang tiyuhin ay ipinasa ito kay Sam.

Pag-amin daw ni Sam, "It became an addiction."

Umamin din daw si Sam na may kasabwat itong kaibigang babae at kaibigang lalaki, na siyang ipinapakausap nito kay Jzan sa telepono noon.

Sa huli, ayaw na raw sanang isapubliko ni Jzan ang kanyang karanasan.

Pero idiniin din niyang gusto niyang matigil na ang panloloko umano ni Sam.

"I had no one to share cos even ako don’t understand how f*ked up this situation is. So i stayed silent.

Continue reading below ↓

"But i realized im not let you motherfuckers get away with this. You guys are f*ked up in the head.

"I just wanted to love and be loved. I DONT DESERVE THIS. NO ONE DOES."


JOSH DELA ROSA OPENS UP AS "LATEST AND LAST VICTIM"

Usap-usapan na sa Twitter ang kontrobersiya sangkot sina Sam Morales at Jzan Jero nang makarating ang isyu kay Josh dela Rosa.

Continue reading below ↓

Si Josh, na tubong-Bataan, ay nagpakilalang transgender woman na nabiktima rin umano ni Sam.

"I got catfished by @moralessamr as well using the same guy," pahayag ni Josh.

Ayon kay Josh, bahagi raw ng kanyang "circle of friends" si Sam Morales, na minsan na rin niyang nakatrabaho.

Wala raw kaalam-alam si Josh sa catfishing modus operandi umano ni Sam.

Nitong February 20, 2020, naka-match ni Josh sa Tinder ang lalaking may code name na "B" pero nagpakilala bilang "Bil."

Base sa screenshots ng ipinakitang resibo ni Josh, nagpapalitan sila ng mensahe ni Bil sa pamamagitan ng Tinder at Viber.


Continue reading below ↓

Nagpadala pa raw si Bil ng private photos nito, at humingi nga raw sa kanya ng "explicit" video. Hindi lang daw pumayag si Josh.

Aminado si Josh na nahuhulog na ang kanyang loob kay Bil kaya patuloy pa rin siyang nakikipag-usap dito.

Nagpaplano raw silang magkita sa Maynila, pero hindi lang natutuloy dahil sa magkaiba nilang schedule.

Kuwento pa ni Josh, napag-alaman niya ang Facebook account ni Bil dahil namukhaan niya ito sa mga proyekto ni Sam.

"Btw, namukhaan ko pala si Bil sa mga sinesend niya na videos and pictures so nalaman ko real account niya sa Facebook and Instagram kasi nga friends kami ni Sam Morales and naging model siya once ni Sam sa isang brand.

"Alam ni Bil na alam ko yung tunay niyang accounts.

"Pero never kami naging friends sa social media kasi gusto muna daw niya magmeet kami in real life."

Continue reading below ↓

SAM CHATS WITH JOSH

Nakarating daw kay Sam na friends na sa Facebook sina Josh at Bil.

Taong 2016 nang huling magkaroon ng komunikasyon si Josh kay Sam, pero bigla na lang daw nagparamdan muli si Sam nitong 2020.

Base sa screenshot ng palitan ng mensahe nina Josh at Sam, wari'y nagulat pa si Sam sa kuwento ni Josh na naka-match nito si Bil sa Tinder.

"Witty ko know na bet niya mga tranny! Ganda ni batluh!" ani Sam.

Makikita rin sa usapan nila na um-oo si Sam nang tanungin ni Josh kung kasama nito si Bil, patunay daw na magkakilala talaga sina Sam at Bil.

Ngunit hindi pa rin daw nakatunog si Josh, kaya patuloy lang sa komunikasyon nila ni Bil.


Continue reading below ↓

JOSH-BIL ROMANCE LEVELS UP

Hanggang sa may insidenteng naguluhan si Josh sa feelings ni Bil.

March 4, 2020 nang biglang nag-Viber message si Bil ng: "Josh. Ayoko na. Wag na tayo usap."

Ipinakita pa ni Josh ang screenshot ng message ni Bil na may time stamp na 9:43 a.m.

Pero bandang 7:59 p.m. ay nagparamdam uli si Bil at nangumusta kay Josh.

Nag-sorry pa ang lalaki bago ikinumpisal ang nararamdaman para sa kanya.

Viber message ni Bil kay Josh: "Narealize ko, ang gulo kasi kung ano tayo tapos pano tayo. Pero mas magulo pala pag wala ka na."

Gusto raw ni Bil na mas kilalanin pa si Josh, at ayaw nitong madaliin kung mauwi man sila sa relasyon.


Continue reading below ↓

JOSH DISCOVERS SAM'S ALLEGED SCAM

Makalipas ang dalawang araw, nitong March 6, 2020, isang kaibigan ang nagparating kay Josh tungkol sa umano'y catfishing modus operandi ni Sam at ang pakikipagsabwatan umano nito kay Bil.


Hindi raw agad kinompronta ni Josh si Sam. May kapatid daw kasi si Josh na transwoman, na kinukuhang account executive ni Sam.

Continue reading below ↓

Hanggang sa nag-aya raw si Sam makipagkita kay Josh at sa kapatid nito sa Balanga, Bataan.

Kuwento pa rin ni Josh, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Bil na nagsasabing nasa Balanga si Sam.

Nakakuha rin ng mensahe ang kapatid ni Josh mula kay Sam na nagsasabing magkita sila sa Balanga.


Continue reading below ↓

By this time, malinaw na raw kay Josh na magkakuntsaba sina Bil at Sam.

Pero nagkunwari raw siyang walang alam.

"So nagkita na nga kami pero act normal kasi we really want to press charges and we are planning something to really caught here.

"And ayun todo build up siya kay Bil na mabait daw and stuff and power acting si lola mo.

"Pero that time I really want to hurt her ego kaya sinabi ko Na hindi ko talaga gusto si BIL..."

Pag-uwi ng bahay, hindi na raw nagulat si Josh nang makausap niya si Bil, at alam na nito agad ang mga napag-usapan nila ni Sam.

Pilit pa raw na nakipaglapit si Sam sa kapatid ni Josh para mas "mapaikot" siya, pero hindi na raw mangyayari iyon.

JOSH'S MESSAGE TO SAM

Hindi na raw nagkaroon ng pagkakataon si Josh na kumprontahin si Sam dahil sa ipinatupad na community quarantine sa Metro Manila simula March 15.

Continue reading below ↓

Pero handa raw siyang labanan si Sam para matigil ang panloloko nito sa ibang tao.

Palipad-hangin niya kay Sam: "Naging friend kita kya proud ako nung maingay pangalan mo dahil succesful ka.

"Pero dahil sa nangyari’t ginawa mo sakin, at sa mga nababasa ko ngayon, di ito yung ingat na gusto ko para sayo."

Dagdag pa niya, "Hurt people hurt people but it stops from here.

"Not doing this to gain attention but to stand up for myself and for all the other victims.

"I WILL MAKE SURE I AM YOUR LAST VICTIM."


Continue reading below ↓

ISH, THE GIRLFRIEND OF THREE YEARS

Huling lumantad ang transgender woman na nagpakilalang Ish Coldura.

Nabiktima rin umano siya ng catfishing modus operandi ni Sam Morales mula July 25, 2012 hanggang simula ng taong 2016.

Tweet ni Ish, "Ako 3 yrs nia po nalokko hahahaha pinatattoo ko pa 'anniv' namen hjjahahahahhah antangatanga ko sa 3yrs wahahhaha."


Continue reading below ↓

First year college daw si Ish sa isang unibersidad sa Mandaluyong nang makilala niya sa Facebook ang isang lalaking nagngangalang "Jae Reyes" o "Jake Jazper Reyes."

Mabilis daw siyang "nafall" dahil noong panahong iyon ay isa raw siyang
"batang bakla sabik sa love sabik sa jowa."

Bukod dito ay gwapo at artistahin daw ang nakilala niyang Jae.

"Si jae na yun ay MATANGKAD, MAPUTI, MUKANG MABANGO, LAPAD NOO..

"KAWANGIS NI ALDEN RICHARDS pramis!

"Ayoko ishare yung pic kawawa naman yung lalake."

Ilang araw pa lang daw na magkarelasyon sina Ish at Jae nang mag-chat sa kanya si Sam Morales.

Nagpakilala itong pinsan ni Jae, kaya kilig na kilig si Ish.

Pakiramdam daw niya ay proud boyfriend si Jae kaya agad siyang ikinuwento sa kaanak nito.

ISH DISCOVERS JAE'S FAKE ACCOUNT

Lumipas daw ang isang taon bago nahuli ni Ish na peke ang Jae na nakilala niya.

Nadiskubre raw niya ang totoong nagmamay-ari ng Facebook account na may username na Jae Reyes—at hindi ito ang kanyang nobyo.

Continue reading below ↓

Kinumpronta raw ni Ish si Sam at pinilit itong ilantad ang "Jae" na nobyo niya.

Bilang sagot, nagpadala raw si Sam ng litrato ng isang lalaking "gwapo" rin na "moreno" ang kulay ng balat.

Si Sam din daw ang nag-ayos ng napagkasunduang meetup nina Ish at Jae sa Cubao.

Nag-text pa raw kay Ish si Jae na naghihintay na ito sa kanilang tagpuan.

Kasama ng isang kaibigan, hanap daw nang hanap si Ish ng isang moreno na naka-polong blue, na siyang suot na damit dapat ni Jae.

Pero bigla na lang daw hindi makontak si Jae at hindi nagpakita sa kanya.

"Basta umuwi akong luhaan. Tapos. Iyak sa bahay. Chat kay sam. Bat ganto bat ganyan...

"Sabi ni sam di pa daw ready makpag kita sakin si jae natatakot daw."

ISH CONTINUES RELATIONSHIP WITH JAE

Pero nagpatuloy raw si Ish sa pakikipagrelasyon kay Jae dahil todo-effort naman daw itong suyuin siya.

Continue reading below ↓

Magaling daw itong mambola sa mahahabang sulat na ipinapadala sa kanya.

Over the years, niregulahan pa raw siya ng isang jar na puno ng Post It Notes na may handwritten messages, chocolates, cake, at silver necklace.

Ang tanging hindi raw maibigay ni Jae sa kanya ay ang magkita sila nang personal.

Continue reading below ↓

Halos katawa-tawa na ang mga dinadahilan daw ni Jae.

"At andami namatay sa pamilya nila na mga reasons para di kami magkita.

"This month namatay lolo sunod tatay, nxt month namatay nanay pinatay daw ng kapatid ng nanay dahil s pera LOL so ako convinced."

Kapag naman daw makikipaghiwalay na si Ish ay nagbabanta si Jae na kikitilin ang sariling buhay.

"Btw, suicidal po si Jae. Yun ang lagi niang panakot sa akin pag mag bebreak kami," tweet ni Ish.


Continue reading below ↓

MEETING IN BATAAN AFTER MORE THAN TWO YEARS

Mahigit dalawang taon ang lumipas, nagkaroon ng pagkakataong makipagkita si Ish kay Jae sa Bataan.

Nagbiyahe raw si Ish mula Cubao patungong Bataan, kasama si Sam at ang kapatid nitong babae.

Pagdating ng Bataan, dinala raw siya ng mga ito sa isang motel para roon siya magpalipas ng gabi.

Hindi raw siya puwedeng makitulog sa bahay nina Sam dahil hindi raw papayag ang mga magulang nito.

Kinabukasan, nagpunta si Ish sa bahay nila Sam para doon hintayin si Jae.

Tila "aligaga" naman daw si Sam at kapatid nito dahil hindi makontak si Jae, dahil daw baka "tuliro pa" matapos lumayas daw ng bahay sa Laguna.

Ayaw raw kasi ng mga magulang ni Jae na makipagrelasyon si Jae kay Ish na isang "beki."

Pagsapit ng gabi, dumating si Jae na kamukha ng morenong lalaki sa picture na ipinakita noon ni Sam.

Panay pa raw ang tukso ni Sam dahil sa wakas ay nagkita na rin sina Jae at Ish.

Continue reading below ↓

Kuwento naman ni Ish: "Nagkita na kami ng Jae ko. Ng Bebe ko.

"Pero potahhh ang weird ni Jae. Walang ka sweetsweet super iba sa Jae na kausap ko sa txt at ka usap ko sa phone (na super minsan lang mangyari).

"Super weird. Parang di nia ko kilala. Pag kakita namin...hug lang."

Nagulat pa raw si Ish nang sabihin ni Jae na kaya ito natagalan ay dahil sumali ito sa isang skateboarding competition sa Olongapo.

Gayong sa pagkakaalam ni Ish ay walang nababanggit si Jae na interes nito ang skateboarding.

Matapos ang madalian nilang pag-uusap at dalawang beses na yakapan, nagpaalam na raw si Jae.

Lubos daw nagdamdam si Ish sa panlalamig sa kanya ni Jae at sa nasayang na effort niya pagpunta ng Bataan.


Continue reading below ↓

UNCOVERING SAM'S SUPPOSED MODUS OPERANDI

Hindi raw agad nakipaghiwalay si Ish kay Jae, pero muli raw siyang nag-imbestiga sa katauhan ng nobyo.

Hanggang sa nadiskubre niyang ang kinita niyang lalaki sa Bataan ay iba ang pangalan sa Facebook friends' list ni Sam.

Ayon pa rin kay Ish, isang nagngangalang "Justin" ang lalaking pinaharap sa kanya ni Sam.

Saka raw napagtagni-tagni ni Ish na may kinalaman si Sam sa panloloko sa kanya.

"Inistalk ko gamit cp ni ate. Kasi blocked ang acct ko sa fb nung Justin. So dun palang...fishy na...

"Hanggang sa ayun nadiscover ko na na walang Jae Reyes. Justin yon. Mukha ni Justin. Walang Jae Reyes.

"Ang meron ay Sam Morales. Duda na mga friends ko, classmates...una palang!"


Continue reading below ↓

Hindi raw akalain ni Ish na sobrang naloko siya ng akala niya'y nobyo niyang si Jae.

Nagpa-tattoo pa nga raw siya para patunayan ditong mahal na mahal niya ito.

"Couple goals" daw nila ang pagpapa-tattoo, pero hindi raw natuloy si Jae dahil daw may cancer of the blood ito.

Iyon pala raw ay isang malaking "budol" lang ang lahat, na pakana lahat umano ni Sam.

Ang masaklap pa raw ay itinuring niyang kaibigan at confidante si Sam. Madalas pa raw siyang kunan nito ng pictures noon.

Continue reading below ↓

Pero bago raw magtapos ng kolehiyo si Ish ay hindi na siya nakipag-usap pa rito.

Nag-email pa raw si Sam sa kanya bandang May 2016, pero hindi na raw niya ito sinagot.

Sa latest tweets ni Ish, nilinaw nitong nakausap niya ang "Justin," na inaakala niyang si Jae nang magkita sila noon sa Bataan.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ish, ngayong March 31, 2020, nakatanggap siya ng mensahe mula sa asawa ni Justin.

Wala raw alam si Justin sa back story ng umano'y catfishing modus operandi ni Sam.

Ang buong akala lang daw ni Justin nang makilala niya sa Bataan si Ish ay ipinakikilala lang ito ni Sam.

Pakiusap pa ni Ish, "Sana po malinis pangalan ni kuya. Sorry if I thought na same sila ng pakay ni Sam.

"Wag na po natin siraan si Justin. Stop na din po kaka post ng pic nia. Di sia kagaya ni Bil po."

Ang tinutukoy niyang Bil ay ang kasabwat umano ni Sam sa panloloko din sa transwomen na sina Jzan at Josh.


Continue reading below ↓

Sabi pa ni Ish, gumaan ang pakiramdam niya ngayong naikuwento na ang mapait na karanasan kay Sam.

"Tho naaawa ako kay Sam kasi naging friends naman kami oo...

"pero...u know...kelangan na to mastop.

"Akala ko kc after nung budol nia saakin iistap na siya e.....sayang ang pangalan sayang."

STATEMENT OF AGENCY CONNECTED TO SAM

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi na makontak ang social media accounts ni Sam Morales dahil deactivated ang mga ito.

Naglabas naman ng official statement ang New Monarq Manila, isang modelling agency na nakakatrabaho ni Sam.

Kinondena ng agency ang alegasyong nanloko si Sam ng ilang transwomen na lumantad sa social media.

Sabi rito: "In line with the current situation, New Monarq Manila would like to clarify that we are in any way NOT liable nor related to Ms. Sam Morales’ actions. Her career and behavior are outside the agency’s care. •

"We at New Monarq Manila will always be in full support of the LGBTQ+ community.

Continue reading below ↓

"We do not tolerate any harmful actions towards a loving community."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng lahat ng personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Transwomen who identify themselves as Jzan Vern (wearing specs), Josh dela Rosa (in tube top), and Ish Coldura (rightmost) tell shocking details of what they allege Sam Morales (leftmost) made them go through. "I just wanted to love and be loved. I DON'T DESERVE THIS. NO ONE DOES," tweets Jzan Vern, the first among them to speak up about catfishing.
PHOTO/S: CTTO / @jzanvern / @illuminaticurls / @ishsexi6 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results