Mariel Rodriguez feels "no guilt whatsoever" posting photo of fat steaks 

by Arniel C. Serato
Mar 31, 2020
Mariel Padilla asserts right to post anything on her Instagram account, including the picture of fat steaks: "I do not feel guilty kahit konti you know why? We have done soooooo much more than what you see in social media."
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram

Minasama ng isang netizen ang pagpu-post ni Mariel Rodriguez ng litrato ng matatabang steak.

Nag-post sa Instagram ang Kapamilya TV host ng larawan ng steaks ngayong Martes, March 31, para i-promote ang Aussie steak ng kanyang lolo.

Sa caption ay nagbigay din ng numero si Mariel para sa mga gustong umorder ng mga hiwa ng karneng baka.

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen, tila hindi akma sa sitwasyon ng bansa ang pagpu-post ni Mariel ng ganitong uulamin.

Mensahe ng netizen: “Ang daming naghihirap ...wala [nang] makain (crying face emoji)”

Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon, tigil-trabaho ang napakarami at ang karamihan doon ay walang suweldo, kaya walang pambili ng kakainin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinagot ni Mariel ang netizen.

Wala raw siyang nararamdamang guilt sa pag-post ng "my lolo's steak," dahil mas marami pa raw silang ginagawa na hindi nakikita sa social media.

Si Mariel ay asawa ng aktor na si Robin Padilla.

Buong tugon ni Mariel: “alam mo, i do not feel guilty kahit konti you know why?

“We have done soooooo much more than what you see in social media.

“So if i want to post my lolo’s steak. I WILL. with no guilt whatsoever.”

Continue reading below ↓

NETIZENS DEFEND MARIEL

Ipinagtanggol naman si Mariel ng ilan niyang followers.

Sabi ng isa: “Uh-oh dapat ata sumali si ate ghorl sa showtime. Gusto magpasikat.

"So insensitive ba if i likewise posted i just finished the premium corned beef with potatoes and onions and ang dessert ko is fresh guyabano?

"If i promote someone’s yummy food products, is that bawal at these times? Kaloka nemen."

Reaksiyon ni Mariel: "tawang tawa ako sa fresh Guyabano [six laughing with tears emojis]”

Continue reading below ↓

Nakiayon din kay Mariel ang isa pa niyang follower.

Komento nito: “paminsan minsan masarap kumain ng steak REWARD MO YUN SA SARILI LIKE NG WORK KA AT KUMITA NG KAUNTI..

"ako kahit isang kahig isang tuka bumibili din ako nyan kahit isang piraso lng masabi mo man lang sa sarili mo hahaha natikman din kita????????"

Naghamon pa ito sa mga walang pambili: "kasalanan mo na yun kung di ka nakakain...magbanat ka ng BUTO para makakain ka nyan! Work ka bhe!!!”

Umayon din dito si Mariel: “kailangan mag banat ng buto. Lolo ko tanda tanda araw araw nag babanat ng buto. Never tumitigil... never.”

Continue reading below ↓

HELPING the FRONTLINERS

Hindi marahil alam ng netizen na, ilang araw na ang nakalilipas, nagkuwento si Mariel sa pamamahagi niya ng food packs para sa frontliners.

Sabi ni Mariel sa kanyang una post tungkol dito: “Bayanihan!!!! One of my online shoppers @shop_with_k (9 clapping hands emojis) got donations and sent out hot meals!!!

"You do not need to be a celebrity or politician to help... all you need is a good heart (heart emojis) at dahil jan... pagnatapos ang pandemic na ito... mag shopping tayo ulit ng luxury items and i will buy from you!!!!"

Continue reading below ↓

Narito pa ang ibang inisyatibo ni Mariel upang makapagbigay ng pagkain sa frontliners:

Continue reading below ↓

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Padilla asserts right to post anything on her Instagram account, including the picture of fat steaks: "I do not feel guilty kahit konti you know why? We have done soooooo much more than what you see in social media."
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results