Bongbong Marcos confirmed positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 31, 2020
The spokesperson for former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. confirms today, March 31, that Bongbong tested positive for COVID-19, based on official test results dated March 28.
PHOTO/S: Bongbong Marcos on Facebook

Kumpirmadong positibo sa coronavirus disease si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang nakasaad sa official statement na inilabas ni Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ng 62-anyos na dating senador.

Sa pahayag ni Atty. Rodriguez sa media ngayong Martes, March 31, tiniyak niyang “gumaganda na ang kondisyong pangkalusugan” ni Bongbong sa kabila ng pagpopositibo nito sa virus.

Dagdag pa ng abogado, ginagamot ngayon si Bongbong sa isang “isolation area.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang empleyado ng dating senador kung saan ang "isolation area" na tinutukoy ni Atty. Rodriguez.

Isinagot nitong nasa bahay lang daw si Bongbong sa Makati City.

BONGBONG WENT TO HOSPITAL TWICE

Nakasaad pa sa official statement na March 13 nang dumating si Bongbong galing sa Spain.

Isa ang Spain sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo at sumusunod lamang sa Italy sa European countries sa number of deaths.

Kinabukasan, March 14, nagtungo ang dating senador sa hindi niya tinukoy na ospital dahil sa pananakit ng dibdib.

Continue reading below ↓

“Pero umuwi na lang ako kasi sobrang dami ng pasyente noon sa pinuntahan kong ospital kaya hindi na ako nagpumilit na magpaasikaso upang mabigyan ng tamang atensiyon ang mga pasyenteng nauna sa akin… na maaaring mas masama ang pakiramdam,” quoted sa statement na sinabi ng dating senador.

Tiniyak ni Atty. Rodriguez na simula noong March 14 ay naka-self-quarantine na si Bongbong.

Pero nitong March 22, dinala sa emergency room ng parehong ospital ang dating senador.

Ayon kay Atty. Rodriguez, nagrereklamo kasi noon si Marcos na nahihirapan itong huminga.

Doon na nagpa-swab test ang dating mambabatas at nagpatuloy sa self-quarantine.

BONGBONG TEST RESULT OUT MARCH 28

Nitong Sabado ng hapon, March 28, nakuha ng dating senador ang resulta ng COVID-test nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), na nagsasabing taglay niya ang virus.

Tugma ito sa pahayag nitong March 26 ni Sandro Marcos, panganay na anak ng dating senador, na wala pang resulta ang COVID-19 testing sa kanyang ama.

Continue reading below ↓

Ang pahayag ni Sandro ay sagot niya sa isang Twitter user na kumuwestiyon sa napabalitang pagpapa-test ng buong pamilya Marcos.

Maraming netizen ang nagpahayag ng galit kung paanong agarang nakakapagpasuri kontra virus ang mga prominenteng pamilya, sa kabila ng kakulangan ng testing kits sa bansa.

BONGBONG’S WIFE SAYS bongbong TESTED NEGATIVE

Lumutang ang isyu matapos igiit ni Atty. Liza Araneta-Marcos, misis ni Bongbong, na negatibo sa COVID-19 ang anak ng dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos.

Kumalat kasi sa social media nitong March 26 ang balitang malubha ang lagay ni Bongbong dahil positibo ito sa COVID-19.

May usap-usapan pang sakay sa eroplano ni Chavit Singson, inilipad umano sa Singapore ang dating presidential son para doon gamutin.

Ang naturang balita ay una nang itinanggi ng nakatatandang kapatid ni Bongbong, si Senator Imee Marcos.

Ayon sa senadora, bagamat totoong sumailalim sa testing ang kapatid, hindi pa kumpirmadong positibo ito sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Giit naman ni Atty. Liza, negatibo sa COVID-19 si Bongbong at maging ang kanilang buong pamilya.

Sinabi ng abogada na nagpa-test ang kanyang buong pamilya, at nakuha raw nila ang test results makalipas lang ng isang araw.

Bukod dito, nagbahagi rin si Atty. Liza ng litrato ni Bongbong, kung saan makikita ang dating senador na nakangiti sa pagkakaupo sa kama, habang hawak ang dyaryong Daily Tribune.

Continue reading below ↓

SANDRO CONTRADICTS MOM’S STATEMENT

Pero ang tweet ni Sandro ay kontra sa pahayag ng sariling ina.

Sinabi ni Sandro sa Twitter user na wala pang resulta ang COVID-19 testing sa kanyang ama.

Ibinunyag din niyang sa St. Lukes BGC sa Taguig nagpunta ang dating senador para sa test.

Kasabay nito, nilinaw ni Sandro na bagamat hindi siya nagpa-test sa virus, naka-self-quarantine rin daw siya.

Mababasa sa tweet ni Sandro: “Sorry po but my dad has not yet received the test results, pending pa.

“He went to St Lukes BGC alone.

“I have not taken the test anywhere because no symptoms but am on self quarantine.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The spokesperson for former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. confirms today, March 31, that Bongbong tested positive for COVID-19, based on official test results dated March 28.
PHOTO/S: Bongbong Marcos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results