Vice Ganda, K Brosas worried about their frontliner sisters in the Philippines and Italy 

by Bernie V. Franco
Mar 31, 2020
Sa kabila ng pagbibigay-aliw nina Vice Ganda (kaliwa) at K Brosas (kanan), nangangamba sila para sa kani-kanilang mga kapatid na parehong frontliners. Si Vice ay may kapatid na doktora dito sa Pilipinas, habang si K naman ay may kapatid na nurse sa Italy.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin and @pornstar_roviel on Instagram

Nabahiran ng lungkot ang kaarawan ni Vice Ganda dahil nag-aalala siya sa kapatid na doktora, isang frontliner sa COVID-19 crisis sa bansa.

Ngayong Martes, March 31, ipinagdiriwang ng It’s Showtime host ang kanyang 44th birthday.

Sa episode ng ABS-CBN noontime show ngayong araw, nagkuwento si Vice tungkol sa hirap na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Hindi naman ito nalalayo sa nararanasan ni K Brosas, na may kapatid na nurse sa Italy.

FROM HOSPITAL STRAIGHT TO HER ROOM

Nagsasagawa muna ang It’s Showtime ng live no-contact programming via video call dahil sa enhanced community quarantine.

Pero tuloy ang pagdiriwang ng birthday ni Vice, na nakatanggap ng pagbati mula sa co-hosts, mga kaibigan, at pamilya.

Kabilang sa mga bumati kay Vice ay ang kanyang kapatid na si Dra. Tina Viceral.

Halatang pinipigilan ni Dra. Tina ang luha habang nagsasalita para batiin si Vice.

Pinasalamatan din nito si Vice dahil naging sandigan daw niya ito.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Dra. Tina, “Thank you for keeping me sane at this time of uncertainty.

"That with your simple text na ‘Kamusta ka, Ate.’ ‘I love you, Ate,’ keeps me going.

“And you keep on reminding me that my faith should be stronger than my fear.”

Ipinaliwanag ni Vice ang pagiging emosyonal ng kanyang kapatid.

“Yung ate ko kasi ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi yung ate ko, doktor.

“She goes to the hospital every now and then, so exposed siya," sabi ng TV host-comedian, na ang tinutukoy ay exposed sa deadly COVID-19 ang kapatid.

Dahil dito, kailangang laging naka-self-quarantine si Dra. Tina pag umuuwi sa residence nito.

Hindi siya puwedeng lumapit sa mga mahal sa buhay kahit nakatira sila sa iisang bubong.

Pahayag ni Vice, “Ang lungkot ng buhay niya, kasi sa ospital, pag uuwi siya ng bahay, hindi siya puwedeng lumabas ng kwarto.

“Hindi niya nakakasalamuha yung nanay ko, hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko.

Continue reading below ↓

"Kasi nanay ko, matanda na… ang mga kapatid ko, mga pamangkin ko…

“So, pagkagaling sa ospital, from the sasakyan, diretso siya ng kuwarto.

“Dinadalhan lang siya ng pagkain.”

FACING THE FEAR

Halatang pinipigil din ni Vice ang pag-iyak habang nagsasalita.

Patuloy niya, “Alam mo, nakakaawa… yung pagkain niya inaabot lang sa pinto, kasi nga exposed siya.

“And every day, hinaharap namin yung fear na baka, di ba, kasi exposed nga siya doon sa danger?”

Ang tangi na lang daw magagawa ni Vice ay patatagin ang loob para sa kapatid.

“Kaya nga nung nakaraan, nagti-text siya sa akin kasi natatakot siya.

“Pero kailangan niyang gampanan yung trabaho niya bilang doktora.

“Siyempre, kailangan kong maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako ang panganay.

“Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan malakas ako.”

Pagpapatuloy ni Vice, “Tinext ko lang siya ng isang linya.

“Sabi ko, ‘Your faith must always be stronger than your fears,’ sabi kong ganun.

Continue reading below ↓

“Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako kasi baka lalo siyang matakot.”

Pero patuloy raw na nananalig si Vice na malalampasan ng bansa ang kinakaharap na health crisis.

“Pero yun nga, ako talaga, kapit na kapit ako sa paniniwala na maaayos lahat, masi-save tayong lahat.

“We have a God who saves, and we have a God who provides for everything that we need.”

Continue reading below ↓

K BROSAS's SISTER IN ITALY

Ibinahagi naman ni K Brosas sa Instagram nitong Lunes, March 30, ang larawan ng kanyang ate na nagtatrabaho bilang nurse sa Italy.

Ipinost ng "Tawag ng Tanghalan" judge ang screenshot ng Facebook post ng kapatid na si Emily Brosas, na nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE).

Mababasa rin ang Facebook status ni Emily: “Please stay at home, we are working for you!”

Ito naman ang caption ni K sa kanyang post (published as is):

“This is my ate emily, a registered nurse SA italy..

"actually buong family ko nasa italy matagal na.. bigla akong na sad..

"pls pray for our hardworking health workers/frontliners”

Continue reading below ↓

Ang Italy ang isa sa mga bansang lubhang natamaan ng COVID-19.

Higit sa 11,500 na ang nasasawi at higit sa 101,700 na ang confirmed cases sa Italy. Sa Europa, ito ang nagtala ng pinakaraming nadapuan ng COVID-19 at pinakaraming namamatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pagbibigay-aliw nina Vice Ganda (kaliwa) at K Brosas (kanan), nangangamba sila para sa kani-kanilang mga kapatid na parehong frontliners. Si Vice ay may kapatid na doktora dito sa Pilipinas, habang si K naman ay may kapatid na nurse sa Italy.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin and @pornstar_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results